Sarah, kasal na ang gusto ‘pag naging boyfriend si Gerald!
Abante Online
Dec. 09, 2011
Sarah, kasal na ang gusto ‘pag naging boyfriend si Gerald!
By Rose Garcia
Natatawa si Sarah Geronimo dahil sa mismong bibig din niya nanggaling ang katagang, “hindi lahat nadadaan sa kilig,” an excerpt from KC Concepcion’s interview sa naging break-up nito with Piolo Pascual.
Kaya puwedeng sabihin na naka-relate raw ba si Sarah ng bongga kay KC?
“Ha! Ha! Ha! Hindi naman po. Siyempre po, babae rin tayo. Dumaan din naman po tayo sa isang failed relationship. Failed relationship daw, oh! Ha! Ha! Ha! Through texting,” nagdyu-joke na sabi ni Sarah, na kapansin-pansin na mas malaya na nga niyang naamin ang pinagdaanan niya noon sa lovelife with Rayver Cruz.
Ayon kay Sarah, naging strong din naman daw siya dahil sa naging experiences niya sa relationship.
Pero ngayon nga, wala raw talaga sa priority pa niya ang magpaligaw or makipag-relasyon. Kahit pa raw sa 2012.
“Hindi pa po talaga. Pero who knows po, si Lord lang po ang nakakaalam kung mai-in-love po akong muli. Pero, ipinagdarasal ko po na sa tamang tao or lalaki po ako mai-in-love.
“Kasi, kilala ko po ang sarili ko. Sobra po akong gullible. Kailangan ko po munang maging matalino pagdating sa matters of the heart.”
Pero palaging sinasabi ni Sarah na kung magkakaroon siya ng boyfriend, gusto raw niya na ito na ang papakasalan.
“Hindi ko rin naman po kailangang madaliin dahil darating din naman po siya sa tamang panahon. Gusto ko lang din po na kapag nagka-boyfriend po ako, siya na po sana ‘yung makakatuluyan ko.
Hindi po ako ‘yung nagmamadali na, kasal na.
“Pero ‘yun nga po, sana po, kapag nagka-boyfriend na po ako, sana, siya na talaga ang mapapakasalan ko.”
Iba naman ang napapansin naming kilig kay Sarah kapag si Gerald Anderson na ang napag-uusapan. Hindi naman niya itinanggi na naging close talaga sila ni Gerald nu’ng ginawa nila ang Won’t Last A Day Without You.
“Sobrang iba po kasi ngayon, nagkakausap, mas naging close po kami ni Gerald, noong Catch Me…po kasi, talagang hindi kami halos nag-uusap. Ngayon po, mas naging close kami. At saka, si Gerald po kasi, masarap kasama, guwapo, mabait.”
So, kapag naging boyfriend pala niya si Gerald ay sa kasal na mauuwi ang relasyon nila?
Anyway, palaging may notion na kaya hindi nagpapaligaw si Sarah ay dahil bawal sa parents niya.
Pero kinorek ito ni Sarah na, “Ang alam ko po, parang okay naman po sa kanila. ‘Yun nga lang po, gusto po talaga nila, sa bahay, dadalaw sa bahay at hindi na po ‘yung patago or palihim.”
By 2012, isa naman sa posibleng matuloy na raw gawin ni Sarah ay ang balik-tambalan nila ni John Lloyd Cruz sa pelikula. Bukod pa rito, si Sarah pa rin, for three straight years nga ang celebrity endorser ng clothing brand na Unica Hija na noong Wednesday sa Cerchio ay minodel ni Sarah ang mga bagong Holiday collections.
[url="http://abante.com.ph/issue/dec0911/ent_others01.htm"]http://abante.com.ph/issue/dec0911/ent_others01.htm[/url]

Tagged:
Comments
<div>
<p>thanks for sharing!</p>
</div>