Losing fame bothers Sarah (15Feb12)
Losing fame bothers Sarah
[font=verdana, geneva, lucida,]
Written by : Jun Nardo
HINDI pa rin mapiga si Sarah Geronimo pagdating sa kanyang lovelife. Wala siyang direktang tugon sa status ng friendship nila ni Gerald Anderson kahit na nga fresh na fresh at maligaya ang dating niya sa presscon ng musical variety show niyang Sarah G. Live.
Sa TV plug at press release, sinasabing more mature, more daring at sexier Sarah Geronimo ang bubulaga sa publiko tuwing Linggo ng gabi.
“Gusto kong makita nila na may bago silang makikita sa akin as a performer. As a person din kasi 24 na ako this coming July, hahaha! Mature na rin naman po ako, pero gustung-gusto kong mag-mature as a performer. ’Yung may maipakita akong bago para makapagpasaya naman ako ng tao at makapagbigay ng inspirasyon,” pahayag ni Sarah.
Natanong din si Sarah sa kanyang reaksyon sa biglaang pagkamatay ni Whitney Houston na naging bahagi rin ng pagsisimula niya noon.
“Isa siya sa musical icons ng bawat singer sa music industry. Ako po, my favorite song ko ni Whitney ’yung Greatest Love of All. Napakaganda ng mensahe ng kanta.
“Nakakalungkot po kasi malungkot din ang pagkamatay ni Whitney sa pagkarinig ko. Depression din po yata.
“’Yung fear ko na dumating ako sa punto na… of course, mag-fade-out ’yung fame at kasikatan. ’Yung power din. Saka nakakapanghinayang din dahil ’yung talent ni Whitney…sayang, eh. Nandoon ’yung… siya lang ’yung nandoon. Siya ’yung queen talaga.
“Siguro napakaimportante talaga ’yung meron kang makakapitan. Kahit pamilya mo. Sila talaga ’yung totoong tao. Gagabay sa ’yo. Na magsasabi sa ’yo ng totoo kapag mali na ang ginagawa mo.
“So, ’yun po ang pinangangalagaan ko ngayon kahit na may misunderstandings kami. Naniniwala ako na ang pamilya ko, hindi talaga ako iiwanan malaos pa ako,” reaksyon ni Sarah sa pagkamatay ni Whitney.
Paano siya magiging daring sa solo show?
“Daring? It doesn’t have to be... pagdating sa damit, costumes… hahaha! Sa bawat performance na gagawin ko, naniniwala ako na si teacher Georcelle, meron siyang ituturo sa akin... ihahagis ako riyan!
“’Yun ang pagiging daring in that sense! Ano ba? Daring siguro sa pagiging open, more open sa mga tao tungkol sa feelings ko rin. Na nagsasalita rin ako. Hahaha! Nasasaktan din ako, hahaha! Nagagalit din ako, hahaha! Siguro ’yon!
“Mas free! Mas makikilala nila si Sarah. Of course, may fear din po ako kasi parang maghuhubad din ako sa harap ninyo, hahaha! Not literally, siyempre! Siyempre…hahaha! ’Yang kabaliwan ko at ka-ewanan ko! Hahaha! Makikita ninyo na ewan ko kung matatanggap ninyo. So, hayun po,” paliwanag ng Pop Princess.
Tutulungan si Sarah ni Luis Manzano bilang co-host niya dahil aminado siyang hindi siya hasa sa pagsasalita ng English.
“Kukuha ako ng interpreter kapag may guest akong foreigner! Hahaha! Nandiyan naman si Gab (Valenciano). Ako naman, ayokong mag-pretend. Kaya ganito rin po ako sa inyo. Gusto kong makita po ninyo kung ano ako. Pero iba rin po ako sa bahay. Mas grabe ako sa bahay. Hahaha!
“Pero itong show na ito, naniniwala na ako na this will serve as a training ground para po sa akin. Hindi ko lang po maipa-promise sa inyo na ang galing-galing ko na talagang host. Ang galing-galing na agad na performer. Sana bigyan din ninyo ako ng chance na buwelo rin. Na pagtrabahuhan sa ibinigay na break sa aking ito. Sana bigyan din nila ako ng chance,” pakiusap ni Sarah.
http://journal.com.ph/index.php/ente...-bothers-sarah[/font]

Comments
kahit gaano pa kadami pera mo kahit gaano ka pa
kasikat pero yun pala deep inside you are suffering in
silence just like whitneu houston..grabe talaga...
hindi bale ng kakaunti lang pera ng isang tao bastat
walang malubhang sakit at kumakain ng 3 times a day
malaking pasasalamat na sa Diyos.............
dumating man ang panahon na mawala na ang kasikatan sayo,hinding-hindi kita iiwan at patuloy kitang susuportahan..pero lam ko naman na hindi ka mawawala dahil sa dami ng nagmamahal sayo
ang saya siguro ng presscon ni sarah, puro tawa eh...
i love sarah...thanks for sharing...
kagaya nmin....
KOREK!
Thank you for sharing! Nagpplay sa utak ko yung bungisngis ni Sarah pag nakikita ko sa mga sagot niya yung 'hahahahaha!' [img]https://sarahgeronimo.com/uploads/ipb/style_emoticons/legacy/biggrin.png ][/img]