Sarah ready nang maghubad sa harap ng maraming tao (16Feb12)

edited February 2012 in Sarah G Live!
Pilipino Star Ngayon
February 16, 2012

Sarah ready nang maghubad sa harap ng maraming tao
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio


Yes, huling pagtatanghal na ng Gandang Gabi Vice sa Linggo. Sa susunod na Linggo, Peb. 26, eere na angmala-concert na musical show ni Sa­rah Geronimo na Sarah G, Live! Pinagha­handaan ng mabuti ni Sarah ang kanyang kauna-unahang solo musical at makakasama niya bilang co-host si Luis Manzano.

Tinanggihan ni Sarah ang proyekto nang unang ialok sa kanya. Pero handa na siya at hindi nag-aalala sa mga gagawin niyang pagkanta ng live. Maging ang pagsasayaw ay hindi niya pino­problema. Sabi nga ng choreographer niya sa show na si Georcelle Dapat-Sy : “She’s a natural.Madali niyang makabisa ang anumang dance steps na kailangan niyang matutunan at hindi siya mareklamo.”

“Sinabi ko kay Boss Vic (del Rosario, Viva’s bossing)na hindi ako host. Pero hindi siya nakumbinse. Basta sinabi lang niya sa akin na ‘Just be yourself.’ Baka bigyan na lang nila ako ng interpreter kapag may foreign guest sa show,” pagbibiro niya.

“Magiging daring ako sa show. Maaring hindi sa damit na isusuot ko although, lately nagpapakita na ako ng more skin, flesh sa ASAP,kundi sa aking gagawing performances. Ihahagis-hagis ako sa mga dance numbers ko at maghuhubad ako sa harap ng audience. Kung paano ko ito gagawin ay siya n’yong dapat panoorin,” pang-iimbita ni Sarah

Sa presscon ng Sarah G, Live, sinabi rin niya na wala siyang alam sa intriga na nagtatampo sa kanya si Vice Ganda dahil kinuha niya ang time slot nito. Desisyon ng management ang paglalagay ng kanyang musical sa oras nito. Itinanggi rin niya na may alam siya sa sinasabing pagkakampihan nina Vice Ganda at Kris Aquino laban sa kanya na dahilan daw kung bakit hindi siya naiimbitang mag-guest sa morning talk show ni Kris. Hindi naman daw tuluyan at permanente nang mawawala ang show ni Vice Ganda. Magpapahinga lang ito ng one season at pagkatapos ay babalik uli ito sa TV. Pero kahit bumalik ito, hindi na mawawala ang show ni Sarah.[/font]

http://www.philstar....ubCategoryId=96

Comments

  • edited 2:27AM
    thx 4 sharing...
    nagulat nmn ako s title ng article, kala ko mgging bold star n c sarah. ay sus, whatever it takes it will never happen.

    sarah4ever.gif
  • edited 2:27AM
    thanks for sharing, panoorin na lang natin sa Feb 26, kung paano gagawin ni Baby Girl Sarah yun.
  • leoleo
    edited 2:27AM
    thanks for sharing
Sign In or Register to comment.