Jump to content


Photo

Sarah Geronimo sings a duet with BSB member


  • Please log in to reply
29 replies to this topic

#1 AshYeLLow

AshYeLLow

    Popster

  • Content Provider
  • 12,890 posts

Posted 13 September 2008 - 05:05 AM

Sarah Geronimo sings a duet with Backstreet Boys member
Nora Calderon
Saturday, September 13, 2008

Posted Image


Masayang-masaya ang Pop Princess na si Sarah Geronimo na sa kabila ng napakalakas na ulan last Wednesday, September 10, lunchtime, siksikan ang entertainment media sa Pier 1 along Tomas Morato Extension sa pag-cover sa album launch niya ng Just Me from Viva Records. Another treat ito ni Sarah sa kanyang mga fans after ng resounding success ng kanilang first movie team-up ni John Lloyd Cruz, ang A Very Special Love ng Star Cinema at Viva Films.



First song na kinanta ni Sarah ang carrier single na "I'll Be There" na ni-record niya sa U.S. noong may concert siya sa Los Angeles last March, at ka-duet niya si Howie Dorough ng Backstreet Boys. Hindi sila nagkita noon ni Howie pero darating ito sa September 23 para tumulong mag-promote ng album.



"Itong next song, isa po ito sa favorite ko sa album, sana magustuhan ninyo," sabi ni Sarah at madamdaming niyang inawit ang "You're The Love of My Life." Kahit wala sa album, pinagbigyan ni Sarah ang request na kantahin niya ang theme song ng "A Very Special Love" of the same title, na may nakipag-duet pa sa kanyang isang teener na fan niya na maganda rin ang boses.



After the launch, in-interview na ng press at ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sarah. Ang unang tanong sa kanya, sino ang tinutukoy niyang "You're The Love of My Life?" Bago ba niyang showbiz crush iyon?



"Siya po iyong kinatutuwaan kong tao, na sumasaya ako kapag nakikita ko siya," nakangiting sagot ni Sarah. "I want to keep it to myself, masarap din po iyong may itinatago ka sa sarili mo na tuwing maalaala mo, sumasaya ka."



Pero kahit anong pilit, hindi nagsalita si Sarah. "Basta nakakasama ko po siya tuwing Linggo sa ASAP 08 at mas matanda siya kaysa sa akin."



Bakit naman siya napasasaya ng taong iyon tuwing nakikita niya?



"Hindi ko rin po iyon maintindihan, kung bakit napapasaya niya ako," napa-giggle pang sagot ni Sarah.



Hindi naman kaya may ibang love ang crush niya o may iba itong ka-love team? "Huwag na po, baka po maraming mag-react. Kapag sinabi ko po kung sino siya, alam ko na po kung ano ang mangyayari, kaya huwag na lang."



May nagtanong kung may letter "B" ba sa name ng crush niya. Wala raw. Bago kasi iyon, sinabi ni Sarah na gusto niyang mag-guest sana sa kanyang The Next One solo concert sa Araneta Coliseum sa November 8, si Billy Crawford.



"Pinakiusapan ko na po si Billy kung pwede siyang mag-guest sa concert ko," unang kuwento ni Sarah. "Pero aalis po pala siya sa September 17, pagkatapos ng grand finals ng Pinoy Dream Academy Season 2 at sa last week of November na siya babalik, by that time, tapos na po ang concert ko. Special guest ko po si John Lloyd at kung may gusto rin sana akong mag-guest sa concert, si Martin Nievera po iyon. Pero hindi ko pa po alam kung sino ang ibang guests, ang alam ko pa po lamang, si Mr. M [Johnny Manahan] ang magdidirek ng concert, si Louie Ocampo ang musical director at ipu-produced po ito ng Viva Concert and Events. Mayroon po akong pinapangarap na gagawin sa concert at surprise ko po iyon sa inyong lahat."



Masaya rin si Sarah sa balitang nominated daw ang teleserye niya dati na Pangarap na Bituin sa Emmy Awards. Pumasok ang ABS-CBN show na ito sa regional semi-finals ng 2008 International Emmy Awards.



"Hindi ko pa po alam ang tungkol doon pero salamat po kung totoo. It is such an honor for me, kahit po nomination lamang, kung mananalo po, malaking bonus na po iyon sa akin."



Biniro tuloy si Sarah na sa big success ng A Very Special Love, dapat ay may bonus siya at may victory party para sa kanila ni John Lloyd.



"Ay, sino po ang magbibigay ng bonus at blow-out, basta ito po para sa inyo mula sa Viva Records," nagtatawang sagot ni Sarah. "Sana nga po meron."



Wala pa ring alam si Sarah kung after ng concert niya, magsisimula na silang mag-shooting ng follow-up movie nila ni John Lloyd na sabi'y ang magiging title ay A Very, Very Special Love.



Produced by Christian de Walden for Viva Records, may 16 tracks ang Just Me, ang other 14 songs ay "Dahil Minahal Mo Ako," "Where Only Angels Fly," "Silence," "One Little Kiss," "I Belong To You," "Just Me," "Look Inside Ourselves," "Kahit Mahal Mo Ay Iba," "Played," "Sweet Memories," "I Am Falling," "What Have You Done To My Heart," "Remind Me To Forget You," and "Movie Life."




"Uunahin ko na po muna mag-promote ng album sa Sunday, September 14, ang formal launch po ng album sa ASAP '08. Then sa September 28 sa Mall of Asia, October 4 sa SM Sta. Rosa, October 12 sa SM Fairview at sa October 25 sa SM Clark, then ang rehearsals ko na po para sa concert ko," nakangiting patapos ni Sarah.

Link here

Edited by AshYeLLow, 13 September 2008 - 05:13 AM.


#2 ela

ela

    Hall of Famer

  • Member
  • 5,364 posts

Posted 13 September 2008 - 05:14 AM

thanks for sharing p.. :D

#3 Cassedy

Cassedy

    Gold

  • Member
  • 172 posts

Posted 13 September 2008 - 05:16 AM

Thanks for sharing

#4 JaDe_10

JaDe_10

    9X Platinum

  • Member
  • 2,925 posts

Posted 13 September 2008 - 05:34 AM

thanks po for sharing!!

#5 Dina

Dina

    Double Platinum

  • Member
  • PipPip
  • 691 posts

Posted 13 September 2008 - 05:36 AM

..thanks for sharing ate ash..

#6 sarah janine marie

sarah janine marie
  • Jr. Member
  • 25 posts

Posted 13 September 2008 - 05:45 AM

ganda ng news kay ae sarah.. kakatuwa,.sana makabili n rin ako ng album,.. haha!!..

#7 popster4ever

popster4ever

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 557 posts

Posted 13 September 2008 - 06:02 AM

thanks for sharing!

#8 mirk

mirk

    Hall of Famer

  • Member
  • 10,762 posts

Posted 13 September 2008 - 06:13 AM

thanks for sharing..

#9 sarsmiami

sarsmiami

    12X Platinum

  • Member
  • 3,626 posts

Posted 13 September 2008 - 06:55 AM

wow ang daming articles talaga.hindi nakakasawang basahin.mabuti na rin na i keep ni Sarah as a secret na lang ang crush nya para may privacy rin sya.mawawalan sya for sure ng privacy at iintrigahin lang siya kapag sinabi niya.darating din naman ang time na magkakaroon sya ng boyfriend.kapag naramdaman na nya talagang umiibig na sya sa isa sa mga manliligaw nya, tyak na sasagutin din nya iyon. :11sgMuni:

#10 joyceerica

joyceerica

    Hall of Famer

  • Member
  • 8,553 posts

Posted 13 September 2008 - 07:21 AM

thanks for sharing!

#11 netskie_sg4life

netskie_sg4life

    9X Platinum

  • Member
  • 2,998 posts

Posted 13 September 2008 - 09:32 AM

Thks 4 sharing.

#12 interfesg

interfesg

    Quadruple Platinum

  • Member
  • PipPipPipPip
  • 1,335 posts

Posted 13 September 2008 - 10:01 AM

:20sgClap: good luck baby Sarah... Tcare k palagi...

thanks for sharing




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users