Jump to content


Photo

Sarah: Kailangan makabawi


  • Please log in to reply
45 replies to this topic

#1 AshYeLLow

AshYeLLow

    Popster

  • Content Provider
  • 12,890 posts

Posted 13 September 2008 - 08:07 AM

Abante (14Sep08 )

SARAH GERONIMO, CERTIFIED VIRGIN!
Ni REY PUMALOY
Posted Image


Sikat na sikat talaga ngayon si Sarah Geronimo. Aba, ang dami-raming lalake sa showbiz nga­yon ang nagkakandarapa na makasama siya sa pelikula.


May iba pa nga na type na type raw siyang ligawan ngayon. Lumalabas nga ang mga pangalan nina Ronnie Liang, Mark Bautista, Erik Santos at Billy Crawford, na diumano ay type manligaw sa kanya.


Aminado naman si Sarah na may crush na crush siya ngayon at nagpapasaya sa buhay niya.


REY: Sino ba ‘yung lalake na `yon na nagpapasaya sa buhay mo ngayon?


SARAH: Every Sunday nakikita ko siya.


REY:: Kasing-age mo ba siya?


SARAH: Hindi!


REY: Ano ba ang ginagawa niya at napapasaya ka niya?


SARAH: Mahirap mag-describe, eh…


REY: Sino ba kina John Lloyd Cruz, Piolo Pascual at Rayver Cruz ang tinutukoy mo?


SARAH: Wala po! Si Piolo, iba pa po siya.


REY: Bakit ka nga napapasaya ng crush mo?


SARAH: Napapasaya niya ako, pero hindi naman talaga kilig. Hindi ko rin maintindihan kung bakit niya ako napapasaya.


REY: Bakit ba ayaw mong sabihin ang name ng crush mo? May asawa na ba siya?


SARAH: Naku, ayaw ko pong magsalita. Marami ang magri-react kapag sinabi ko. Nakikita ko kasi `yung mga magiging consequences, kaya ayokong sabihin.


REY: Bakit ba parang maraming bawal sa iyo? Bawal kang halikan sa pelikula, at bawal ka ring magkuwento tungkol sa crush mo? Siguro, kung hindi ka naging artista, madre ka ngayon?


SARAH: Siguro po kung wala na itong lahat, may posibilidad na maging madre ako. Totoo po ‘yon. Pero, hindi ko po alam, parang may gusto po akong marating. Hindi po ito joke. Seryoso po ito.


REY: Sobrang conservative ka pala? At pangarap mo pala talaga ang maging madre.


SARAH: Opo, sobrang conservative talaga ako. Hindi ko po talaga nakikita ang sarili ko na nakiki­paghalikan sa harap ng mga tao. Parang nakaka­kilabot. Kung iki-kiss man ako ng lalake, gusto ko sa aming dalawa na lang, ayaw kong makita ng lahat.


REY: Anong klaseng boyfriend ba ang hinahanap mo?


SARAH: Wala naman po talagang perfect. Ang gusto ko lang ‘yung matatanggap niya ang buo kong pagkatao ko. Mahahalin niya lahat ng kung ano ang meron ako.


REY: Twenty years old ka na, pero hindi ka pa naka­karanas magka-boyfriend, o maligawan man lang. Meaning, certified virgin ka pa.


SARAH: Opo! Siyempre, dapat i-preserve `yon. ‘Yun lang ang maireregalo ko… Regalo raw, oh. Ha! Ha! Ha! Ha!


Nakalagay po sa Bible `yon, na bawal ang pre-marital sex o ‘yung pagtatalik nang walang basbas ng kasal. Against ako sa ganiya. Sa America, may ganun sila na kahit teen-ager pa lang hindi na (virgin).

Libe­rated sila.


REY: So, dapat pala ay sobrang disente ang lalake na mapapangasawa mo?


SARAH: Hindi ko masabi. Kung bad boy man siya, gagawin ko siyang good boy.


REY: Handa ka bang maghintay na dumating ang tamang lalake para sa iyo?

SARAH: Ganu’n naman po dapat talaga. Love can wait. Kung talagang para kayo sa isa’t isa, mangyayari po `yon.


REY: Puwede ka bang ma-in love sa isang foreigner?


SARAH: Ay, opo! Kailangan, para makabawi! Ha! Ha! Ha!”


REY: Makabawi saan?


SARAH: Para gumanda ang lahi ng mga anak ko. Ha! Ha! Ha!


REY: So, okey pala sa iyo si Billy Crawford, na may lahing Kano? Si Billy ba ang tinutukoy mong crush mo?


SARAH: Ay hindi po! I love performing lang talaga with Billy. Napapasaya niya ako kapag nagpi-perform kaming dalawa. Pero hindi po si Billy ang crush ko!”



Link here

#2 star

star

    Double Platinum

  • Member
  • PipPip
  • 710 posts

Posted 13 September 2008 - 08:12 AM

yun pala ibig sabihin ng statement nya 'para makabawi'.

thanks for sharing the article.

#3 jeanie

jeanie

    Quintuple Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPip
  • 1,774 posts

Posted 13 September 2008 - 08:15 AM

wow!!thanks po for sharing..

kinilig aq sa last part ah??i love billy din eh..ahahaha :13bungi1: :13bungi1: :13bungi1:

Edited by jeanie, 13 September 2008 - 08:19 AM.


#4 nhia

nhia

    Champion

  • Member
  • 136 posts

Posted 13 September 2008 - 08:46 AM

who could it beee!???

#5 netskie_sg4life

netskie_sg4life

    9X Platinum

  • Member
  • 2,998 posts

Posted 13 September 2008 - 08:54 AM

SARAH: Ay, opo! Kailangan, para makabawi! Ha! Ha! Ha!”
REY: Makabawi saan?
SARAH: Para gumanda ang lahi ng mga anak ko. Ha! Ha! Ha!

------------------------------------------------------------------------
Magiging maganda at guwapo pa rin ang magiging anak mo Sarah dahil maganda ka naman eh. :25sgSwear:

Thks 4 sharing.

#6 famila

famila

    Gold

  • Member
  • 161 posts

Posted 13 September 2008 - 09:16 AM

i like the answer ha! for future generation ng SG pang world class kaya para maka bawi...hahahahaha

#7 sAver_aShrAy2025

sAver_aShrAy2025

    Champion

  • Member
  • 117 posts

Posted 13 September 2008 - 09:17 AM

aaa...
un pla ung " para makabawi "
statement nya.. :13bungi1:

di ko ma-gets sa ibang write up's ee..
d kse buo...
ngayon gets ko na..

hehe
Sarah!..
ur beautiful naman ee...
hehe :17sgKeiley:

#8 AshYeLLow

AshYeLLow

    Popster

  • Content Provider
  • 12,890 posts

Posted 13 September 2008 - 09:57 AM

i like the answer ha! for future generation ng SG pang world class kaya para maka bawi...hahahahaha


hahha! panalo ka sa statement mo! :lol:

#9 interfesg

interfesg

    Quadruple Platinum

  • Member
  • PipPipPipPip
  • 1,335 posts

Posted 13 September 2008 - 10:07 AM

:13bungi1: Sarah naman..... kulang pa ba yang ganda mo?? gandang kinababaliwan ng marami??? You are beautiful inside and out...

#10 aiza_sarah023

aiza_sarah023

    Gold

  • Member
  • 275 posts

Posted 13 September 2008 - 05:37 PM

tnx4 sharing poh...
thats a gud girl.. d best talaga si sarah.. love can wait nga naman ..ba't b sya minamadali...
napakaswerte naman po talaga ng guy,,,,hehe :52sgThumb:

#11 ash_allaine

ash_allaine

    13X Platinum

  • Member
  • 3,935 posts

Posted 13 September 2008 - 05:42 PM

thanks for sharing ,..

i like it .. hahaha ..

#12 belus

belus

    15X Platinum

  • Member
  • 4,660 posts

Posted 13 September 2008 - 05:42 PM

thanks for sharing ashyellow.




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users