Julie Bonifacio
Sunday, September 14, 2008
May kasunod agad na pelikula ang box-office director na si Cathy Garcia-Molina sa Star Cinema pagkatapos ng super successful na A Very Special Love na dinirek niya starring John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo.
JOHN LLOYD AND SARAH'S KISSING SCENE. Next month nakatakdang ipalabas ang My Only U. By November magsisimula naman si Direk Cathy ng second movie nina John Lloyd at Sarah. This time kaya may kissing scene na sina John Lloyd at sarah?
"Hmm...susubukan namin. Ang akin naman kasi parang hindi naman hinahanap sa isang pelikula. Lagi para lang mag-enjoy kayo at makapagkwento ng magandang kwento. Kung mero, bonus na lang for the audience and sa akin, kung wala okey lang sa akin."
Nagtaas na ba siya ng talent fee?
"Hindi," mabilis na sagot ni Direk Cathy. "I never asked for any raise from Star. Even when I was starting, as an assistant director, ang Star Cinema ang automatic na nagbibigay. So, hindi ko naranasan na nakikipag-haggle sa presyo. Kung ano sa tingin nila ang dapat kong swelduhin, e, di yun. Well, ako wala naman akong kaide-ideya kung magkano ang sweldo ng ibang direktor."
Pero binigyan ba siya ng bonus ng Star Cinema dahil sa laki ng success ng A Very Special Love?
"May bonus," masayang sabi ni Direk Cathy. "Pero wala akong demands. Mahirap yun, e. Mamaya humihingi na pala ako ng hindi nararapat. Naniniwala rin ako na ang Star, marunong silang mag-alaga ng mga sarili nilang talents. ‘Tsaka kung ano yung nararapat yun ang binibigay nila."
Link here
--------------
pa-share naman ng bonus,,


Edited by AshYeLLow, 14 September 2008 - 06:46 AM.