Jump to content


Photo

Ronnie Liang apologizes to Sarah Geronimo for "mansion issue"


  • Please log in to reply
51 replies to this topic

#13 villamilagrosa

villamilagrosa

    Quintuple Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPip
  • 1,628 posts

Posted 15 September 2008 - 07:22 PM

thanks for sharing

#14 baybeeh_kaye

baybeeh_kaye

    Hall of Famer

  • Member
  • 24,118 posts

Posted 15 September 2008 - 07:37 PM

thanks 4 sharin

#15 asherlover

asherlover

    Gold

  • Member
  • 285 posts

Posted 15 September 2008 - 07:40 PM

thanks for sharing!

#16 dollia_sarah

dollia_sarah

    10X Platinum

  • Member
  • 3,094 posts

Posted 15 September 2008 - 07:44 PM

tnx for sHariNg!!

#17 rko

rko

    11X Platinum

  • Member
  • 3,323 posts

Posted 15 September 2008 - 07:50 PM

thank you for sharing! :)

#18 belus

belus

    15X Platinum

  • Member
  • 4,660 posts

Posted 15 September 2008 - 08:08 PM

thanks for sharing outrigger.

#19 crisher~08

crisher~08

    Champion

  • Member
  • 61 posts

Posted 15 September 2008 - 08:12 PM

thanks for sharing..

#20 leo

leo

    Hall of Famer

  • Member
  • 9,139 posts

Posted 15 September 2008 - 08:28 PM

thanx for sharing...

#21 cherry_iluv_sarah4ever

cherry_iluv_sarah4ever

    10X Platinum

  • Member
  • 3,294 posts

Posted 15 September 2008 - 08:36 PM

tnx 4 sharing..

#22 Cassedy

Cassedy

    Gold

  • Member
  • 172 posts

Posted 15 September 2008 - 08:47 PM

Ronnie Liang apologizes to Sarah Geronimo for "mansion issue"
Melba Llanera
Tuesday, September 16, 2008


Sa binitawang salita ni Sarah Geronimo na kung gusto siyang ligawan ng kasamahan niya sa ASAP '08 na si Ronnie Liang ay dapat kumilos na lang ito kesa i-publicize ang intensiyon nito sa kanya, agad na hinintay ng tao kung ano naman ang reaksyon ni Ronnie sa pahayag ng Pop Princess.

Kamakailan ay nahingan ng komento si Sarah tungkol sa mga lumabas na balita na ng dalaga raw ang ititira ni Ronnie sa ipinapagagawang mansion. Ayon kay Sarah, hindi siya naniniwala sa nasabing balita at hindi nga raw niya alam kung maniniwala siya na may mansion ngang ipinapapagawa ang dating Pinoy Dream Academy (PDA) scholar.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ronnie sa dressing room ng ASAP '08 noong Linggo, September 14. Humingi na raw siya ng dispensa kay Sarah at sa ina nitong si Mrs. Divine Geronimo dahil sa mga lumabas na balita.

"Kinausap ko si Mommy Divine last Thursday [September 10] sa band rehearsal ng ASAP. Kinausap ko rin si Sarah, humingi ako ng dispensa sa mga lumabas na isyu. Pero klinaro ko rin na wala akong sinabi na ibabahay ko si Sarah.

"Kanina sa ASAP, kinausap ko siya uli and I apologized again. Ang sabi niya sa akin, okey lang daw yun, that's part of show business. Maunawain naman siyang tao, she's very nice," saad ni Ronnie.

Saan ba kasi nagsimula ang mansion issue na ito?

"It all started sa pocket presscon ko for my concert this coming September 27 at Music Museum para sa abum ko, pati dun sa bahay na ipinapagawa ko na matatapos na in Pampanga for my parents. Suddenly, iba na yung lumabas na mga kuwento," paliwanag ni Ronnie.

It seems that everything was blown out of proportion. Ang isang simpleng pag-amin niya na may crush siya kay Sarah ay nanganak na nang nanganak ng iba't ibang issue.

"Hindi ko naman sinabi na liligawan ko siya. Hindi ko rin naman sinabi na ibabahay ko siya at nagpapatayo ako ng isang mansion. Kayabangan naman yun dahil wala naman akong ganung kalaking pera para magpagawa ng mansion.

"I'm just very vocal na sabihing crush ko si Sarah. Tinanong ako ng mga press kung sino ba ang crush ko. Ayoko namang sabihin na wala, gusto kong maging totoo at wala naman sigurong masama doon.

"Nung mag-guest ako sa Boy & Kris, tinanong kami kung sino ang crush namin, sinabi ko, siya [Sarah]. Hinahangaan ko siya kasi magaling siya, maganda, saka mabait. Pero ganun lang yun.

"Yung mga infos kasi na nakarating sa kanya were not correct. Alam mo kasi minsan, may magtatanong ng ilang questions para lang kumuha ng reaction ‘tapos ire-reverse siya. Hindi ako nagsabi ng kahit na ano, pero kung yun ang reaction ni Sarah, I respect that," paglilinaw ng singer.

Noon pa man ay iwas nang magbigay ng anumang komento si Ronnie ‘pag napag-uusapan si Sarah, lalo't napagbintangan siyang ginagamit lang ang Pop Princess. Sa paglalabasan ng kung anu-anong issues ay mukhang mas iiiwas na si Ronnie na magsalita ng kahit na ano when it comes to Sarah.

"Pahuhupain ko na lang ang issue at ayoko nang mag-mention muna regarding love life. Pero hindi pa rin magbabago na hinahangaan ko siya," sabi ni Ronnie.

Sa panayam kay Sarah during her presscon ay inamin nito na may crush siya na kasamahan sa ASAP ‘08 na natutuwa siya tuwing makikita niya. Ang description pa nito ay magaling daw sumayaw ang lalaking ito. For Ronnie, this is something normal at walang issue sa kanya, lalo't wala naman silang relasyon ni Sarah.

"Okey lang yun, natural lang naman yun na magka-crush siya. Hindi naman kami, bakit ko naman siya tatalian? Ako din naman, nagka-crush din ako sa iba. Right now, bising-busy siya sa career niya; ako din naman, may mga inaayos ako sa career ko. Focus na muna talaga ako sa career ko."

This week ay magte-taping na sa I Love Betty La Fea si Ronnie bilang Enrique. Mayroon din siyang album under Universal Records, composed of 11 to 12 tracks. Ang ilan niyang mga sumikat na kanta, tulad ng "Ngiti" na may Kapampangan title na "Ayli" at "Ikaw na Ika," ay inawit niya sa wikang Kapampangan.

Mayroon din siyang fund-raising concert sa September 27 sa Music Museum, Triple Dare Music. Ang beneficiary nito ay ang Immaculate Heart of Mary Marriage Encounter Community.


Source: PEP


thanks for sharing

#23 _yeahgirl_

_yeahgirl_

    Triple Platinum

  • Member
  • PipPipPip
  • 1,012 posts

Posted 15 September 2008 - 09:57 PM

tnx for sharing.. go ronnie kaya mo yan!!!

#24 maricris_mp

maricris_mp

    9X Platinum

  • Member
  • 2,944 posts

Posted 15 September 2008 - 10:02 PM

thanks for sharing..

buti naman maliwanag na..




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users