Isang napagandang pamaskong regalo (kahit late na hehhe) ang aming natanggap kanina sa Multi-Purpose Hall ng Immaculate Concepcion Church yun ay ang
GEB
CONGRATULATION SA MGA ORGANIZERS NG GEB
dahil sa isang matagumpay at punong-puno ng kasiyahan na pagdiriwang kasama ang ating mahal na prinsesa. Hindi lang un may magandang venue,masarap na pagkain at sosyal na paraffle. Biruin mo ang ipinamigay ay
IPOD,DIGICAM,PHOTO PRINTER at marami pang iba

o san ka pa libre na pagkain,enjoy pa ung games,marami pang prices tapos nandun pa si SARAH , ano pa hahanapin mo. Kaya sobrang saya ng lahat na pumunta. Sayang nga lang at hindi ko naantay ung bigayan ng cholates kasi kinailangan ng umuwi
Sa mga hindi nakapunta sayang talaga
Sa lahat ng may pakana ng EVENT na ito

saludo ako sa inyo
Dahil nakagawa kayo ng kasaysayan sa buhay ng bawat isang dumalo. Naipakita at napatunayan nyo na kahit hindi magkakakilala ng personal ang mga tao basta may iisang layunin na nais maisagawa ito ay magtatagumpay. Posibleng magakaroon ng kasiyahan ang bawat isa basta tama ang intensyon. (naks ang lalim) yan ang epekto ng GEB sa akin.
MARAMING SALAMAT SA LAHAT LALO NA KAY MS. BENG (dahil sya ang nagregister sa akin hehehe) napakabait at maganda. Sa mga staff ang moderators at lahat ng tumulong para maging posible ang event na ito,salamat. Di biro ang mag-organize na event lalo na ung ganito kalaki,katakot-takot na pagod at hirap pati magastos pero lahat ng iyon ay nagawa ninyo kaya maraming salamat

Kita naman sa lahat ang kasiyahan pati nga si sarah hindi naitago ang galak. Mahaba na ito basat salamat ulit!!!