Jump to content


Photo

Dinagdagan lang ng Star Cinema para maging P200K ... Sarah P50K lang a


  • Please log in to reply
49 replies to this topic

#37 cicima

cicima

    Hall of Famer

  • Member
  • 23,374 posts

Posted 27 March 2009 - 04:22 PM

Ako, pinasa-Diyos ko na itong issue ng TF at yong mga taong manlalamang
sa kanya, ang God ang magju-judge sa kanila....bad karma ang aabutin ng mga
taong nagta-take advantage ng kanilang kapwa.......todo pa rin ang suporta
namin kay Sarah at basta masaya siya, masaya na rin kaming nagmamahal sa
kanya dito sa Vegas.

#38 msindependent

msindependent

    Popster

  • Moderator
  • 12,108 posts

Posted 27 March 2009 - 06:35 PM

"Dinagdagan lang ng Star Cinema para maging P200K ... Sarah P50K lang ang TF per movie sa Viva at 5 taon pang nakatali" (From Erlinda Rapadas T's "Tek Nga!" column, Bulgar, March 27, 2009):

Kung labis na ikinagulat ng mga tagahanga at supporters ni Sarah Geronimo ang lumabas na balita (at kinumpirma rin ng Yes! Magazine) na P200,000 lang ang talent fee ng Pop Princess sa Star Cinema para sa kanyang mga pelikulang "A Very Special Love" at "You Changed My Life," tiyak na mas ikagugulantang ng sambayanan na mas mababa pa sa P200,000 ang talent fee na gustong ibigay ng Viva Films sa tinaguriang Box-Office Queen.

Sa Viva Films nakatali at nakakontrata (managerial) ang Pop Princess at co-producer sila ng Star Cinema sa dalawang Sarah-John Lloyd Cruz movies.

Ayon sa isang very reliable source, P50,000 lang ang allotted TF kay Sarah per movie na gagawin niya kung ibabase sa kontratang pinirmahan niya sa Viva Films. Pero, dinagdagan na lang ng Star Cinema ang P150,000 para maging P200,000 ito.

Five years pa ang natitira sa kontrata ni Sarah G sa Viva Films kaya kahit milyun-milyun pa ang kitain ng kanyang mga pelikula pang gagawin ay barya-barya pa rin ang kanyang matatanggap na kabayaran.

Kung tutuusin, kahit na P3 million pa ang ibinigay na bonus kay Sarah G ay pupuwede dahil halos P200M ang kinita ng latest movie nila ni Lloydie, ang YCML.

Samantala, nilinaw din ng aming source na hindi P300,000 lang ang ibinigay na talent fee kay John Lloyd Cruz. nasa P3 million per movie na raw ang kategorya ngayon ng magaling na dramatic actor. Kaya hindi totoong ibinase lang ang TF ni Sarah G sa kanyang leading man.

Sa sitwasyon ni Sarah Geronimo ngayon, no choice sila sa TF na ibibigay sa kanya ng Viva Films dahil nakatali siya sa kontrata. Kasama na rito ang mga shows abroad. Hindi lang namin alam kung pati commercial endorsements ay sakop ng managerial contract ni Sarah sa Viva.

Milyones ang bayaran sa product endorsements ngayon. Sa dami ng kanyang ginawang komersyal, dapat ay milyonarya na si Sarah Geronimo. #

==============================================================

Ang hiraaaaap mag-move on sa TF issue na ito pag may mga nagre-react nang writers. at parang each day mas mabigat ang ibinabalita nila about this issue. Hihirit lang ako uli na kung puwede magsalita na ang Viva. ang sama na ng image nila. at kung pagbabasehan ang article na ito, kulang na lang ay sabihin ng writer na binabarat ng Viva si sarah at 5 taon pang magdudusa ang idol natin sa bakuran ng Viva. Kung ayaw ni boss vic magsalita eh yun, dasal na lang ang itatapat ko. At sana Ok na Ok lang si Sarah. Grabe kasi magtrabaho ng taong ito... sana naman matumbasan lang ng nararapat sa kanya. yun lang.



ewan ko ba bakit hindi matigil ang isyu na ito. hehehe. alam nyo po kung businessman ako
hindi ko talaga irereveal kung magkano ang kinikita ko. hehehe havent they heard of
"business secrets" :) i really believe na whatever it is na nasa contract yun ang masusunod
kahit laksa laksang tao pa ang magcomment na bakit ganun. a contract is established meaning
there is CONSENT between parties. Ibig sabihin kung payag ang mga partido wala
tayong magagawa kahit magreact tayo ng magreact. :) sana tigilan na ito waaaaaaaaah...



I know ken..kontrata kong kontrata. It might be the agreement before, and of course they consented kasi nga to be in the safe side. Pero don't you think as she becomes popular, di ba dapat kelangan ding kahit konti, me raise din ang sweldo?

Although me point ka, wala taung magagawa...hahaha...kontrata is kontrata.

Malapit na magezpire ang contract ni Sarah sa VIVA di ba? 10 years yun di ba??

We will see then.

#39 ranelley

ranelley

    Champion

  • Member
  • 103 posts

Posted 27 March 2009 - 06:36 PM

[quote name='ashtin' date='Mar 27 2009, 08:13 AM' post='1226555']
"Dinagdagan lang ng Star Cinema para maging P200K ... Sarah P50K lang ang TF per movie sa Viva at 5 taon pang nakatali" (From Erlinda Rapadas T's "Tek Nga!" column, Bulgar, March 27, 2009):

Kung labis na ikinagulat ng mga tagahanga at supporters ni Sarah Geronimo ang lumabas na balita (at kinumpirma rin ng Yes! Magazine) na P200,000 lang ang talent fee ng Pop Princess sa Star Cinema para sa kanyang mga pelikulang "A Very Special Love" at "You Changed My Life," tiyak na mas ikagugulantang ng sambayanan na mas mababa pa sa P200,000 ang talent fee na gustong ibigay ng Viva Films sa tinaguriang Box-Office Queen.

Sa Viva Films nakatali at nakakontrata (managerial) ang Pop Princess at co-producer sila ng Star Cinema sa dalawang Sarah-John Lloyd Cruz movies.

Ayon sa isang very reliable source, P50,000 lang ang allotted TF kay Sarah per movie na gagawin niya kung ibabase sa kontratang pinirmahan niya sa Viva Films. Pero, dinagdagan na lang ng Star Cinema ang P150,000 para maging P200,000 ito.

Five years pa ang natitira sa kontrata ni Sarah G sa Viva Films kaya kahit milyun-milyun pa ang kitain ng kanyang mga pelikula pang gagawin ay barya-barya pa rin ang kanyang matatanggap na kabayaran.

Kung tutuusin, kahit na P3 million pa ang ibinigay na bonus kay Sarah G ay pupuwede dahil halos P200M ang kinita ng latest movie nila ni Lloydie, ang YCML.

Samantala, nilinaw din ng aming source na hindi P300,000 lang ang ibinigay na talent fee kay John Lloyd Cruz. nasa P3 million per movie na raw ang kategorya ngayon ng magaling na dramatic actor. Kaya hindi totoong ibinase lang ang TF ni Sarah G sa kanyang leading man.

Sa sitwasyon ni Sarah Geronimo ngayon, no choice sila sa TF na ibibigay sa kanya ng Viva Films dahil nakatali siya sa kontrata. Kasama na rito ang mga shows abroad. Hindi lang namin alam kung pati commercial endorsements ay sakop ng managerial contract ni Sarah sa Viva.

Milyones ang bayaran sa product endorsements ngayon. Sa dami ng kanyang ginawang komersyal, dapat ay milyonarya na si Sarah Geronimo. #

==============================================================

Yah! kahit 5 million, deserved ni ate SG Un! huhu, Im sad, kasi pag-uwi ni ate SG, Im xur di na naman cya tatantanan ng mga reporters!;(

ganito tlga ata pag SUPERSTAR!

Sarah all the way! Lets just pray for ate SG!

#40 msindependent

msindependent

    Popster

  • Moderator
  • 12,108 posts

Posted 27 March 2009 - 06:36 PM

Ako, pinasa-Diyos ko na itong issue ng TF at yong mga taong manlalamang
sa kanya, ang God ang magju-judge sa kanila....bad karma ang aabutin ng mga
taong nagta-take advantage ng kanilang kapwa.......todo pa rin ang suporta
namin kay Sarah at basta masaya siya, masaya na rin kaming nagmamahal sa
kanya dito sa Vegas.



yes Tita, even us here in Hawaii! we do love Sarah, yung iba nga hindi na nanonood pag wala si Sarah sa ASAP! hahahaha....

#41 daphne18

daphne18

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 348 posts

Posted 27 March 2009 - 06:50 PM

mababaliw n ata aq s TF issue n to... paliit ng paliit ah.. haay basta go go go sarah!!!

#42 jhonie

jhonie

    Hall of Famer

  • Member
  • 8,187 posts

Posted 27 March 2009 - 07:08 PM

sundot lang ulit...hehehe....

ang marriage contract nga na-nullify what more a managerial contract? kung gugustuhin nila madaming paraan para ma-amend ang isang contract, they can even make an addendum to the contract, kung talagang may plano...

dagdagan na lang ang bonus ni Sarah kung talagang hindi na kaya i-adjust ang TF for YCML.

#43 tita cristy

tita cristy

    Popster

  • Member
  • 5,904 posts

Posted 27 March 2009 - 09:54 PM

sarah can cook?! really?! i wonder kung anong specialty nya. hehehe!
di ko ata ma-imagine si sarah na naka-apron at nagluluto. i bet she'd be uber cute.
bungisngis na chef, for sure. hehehe!

Beng, sinabi mo pa. Hindi kaya nasunog yung mga niluto ni BEBE SARAH sa kabubungisngis niya? :13bungi1: Pero kahit sunog pa yun, walang lasa o maalat basta si SARAH ang nagluto kakainin ko ng buong-buo (Laida mode). Pero i'm sure masarap yun, si BEBE ata ang nagluto. :20sgClap:

#44 khuleanne

khuleanne

    10X Platinum

  • Member
  • 3,128 posts

Posted 27 March 2009 - 10:01 PM

,tnx po for sharin'!!!

para sa'kin sana matapos na ung issue
na ito..

kasi wala talaga itong maidudulot na maganda
sa career ni ate sarah.

aun pumapangit pa tuloy ang image
ng VIVA dahil sa mga reactions ng mga
writers na masyado ng ginagawang
exagerated ang mga comment.

aun opinion ko lng nmn po ito ha,,
sorry kung para sa iba e medyo mali..

kasi para sa'kin po e
VIVA always did their best
para mas mapaganda pa ang career ni sarah,
hindi nmn po sila gagawa ng mga bagay na makakasama
sa takbo ng career ni ate sarah.

siguro base lang talaga sa contract
lahat ng ginagawa nila,,
kaya wag na lang sanang palalain
pa ng mga writers ung issue.

VIVA loves Sarah G. so much...
lalo na si boss vic kay sarah..



just keep on supporting
sarah geronimo!!



YCML showing pa!!!

yey! nuod po taung lhat ng paulit-ulit!!!
hehe

kung gusto nio po ng copy ng BEBE KO ringtone, you can check this link http://www.symbianiz...ad.php?t=102946
yan po share ko lng..


_more blessings for our popstar princess, multi-talented idol and the newly BOX OFFICE QUEEN of this generation. . .ms. sarah geronimo!!!_


-keepsafe everyone-

__gb__



#45 eLLeN sArAh16

eLLeN sArAh16

    8X Platinum

  • Member
  • 2,647 posts

Posted 28 March 2009 - 02:30 AM

ay nkU..
dEadma nLng taU..

#46 joyce26

joyce26

    7X Platinum

  • Member
  • 2,280 posts

Posted 28 March 2009 - 04:58 AM

thanks for sharing poh......


^_^

#47 lizamarie

lizamarie

    10X Platinum

  • Member
  • 3,177 posts

Posted 28 March 2009 - 09:27 PM

Thanks for sharing!

Hay TF issue na naman..

#48 sai_13

sai_13

    Quadruple Platinum

  • Member
  • PipPipPipPip
  • 1,355 posts

Posted 28 March 2009 - 10:11 PM

thanks for sharinG!

i miss sg....




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users