Jump to content


Photo

Bagong singing idol hinihintay pa


  • Please log in to reply
47 replies to this topic

#37 ilovecookies

ilovecookies

    Quintuple Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPip
  • 1,758 posts

Posted 23 April 2009 - 11:06 AM

tatak Sarah Geronimo na talaga! :T

she's born to be a superstar kasi no doubt :nono: na talaga..hehe..

tnx for sharing :)

#38 ~~karyll~~

~~karyll~~

    12X Platinum

  • Member
  • 3,665 posts

Posted 23 April 2009 - 02:10 PM

tnx for sharing ashtin....

#39 SGAlbcor03

SGAlbcor03

    Double Platinum

  • Member
  • PipPip
  • 746 posts

Posted 23 April 2009 - 04:40 PM

My dear SG.com Forum members, hindi mo pa ba ninyo mabasa ang post ko aside from that article above?

'Di ba malapit na ang palabas na Are You The Next Big Star? sa GMA-7?

Bottom line is: hindi lahat ng aspirants ng naturang singing show after Pinoy Pop Superstar--kung sakaling maging grand winner siya--ang maaaring tumindi ang pagsikat 'di tulad nina Sarah Geronimo at Charice Pempengco. Alam kong tanging loyal GMA-7 TV viewer lang ang sumoporta nito (even watching SOP to miss the grand winner of the said primetime singing show), but not on entire people in the Philippines--including the supporter of ABS-CBN artists and the supporter of other music artists.

Meanwhile hindi pa rin aktibo ang recording ni Gretchen Espina bilang Pinoy Idol finalist. Wala pang magagandang alok ng bagong patok na hit single under Sony Music (formerly Sony BMG, returning to original record label). Sa SOP pa rin siya nag-appear sa TV.


One more info. Although I respect to the future aspirants of the said upcoming singing show on GMA-7 who are dreaming to appear on TV through the eyes of the viewing public, it is better that they should think on what's happening on music industry such as the issue of music piracy, public support, music projects, etc., but not just to gain their fame.

Just in the case of Gerald, Jonalyn, Aicelle, and Maricris who were the finalists of Pinoy Pop Superstar. May kaunting pagtumal kasi 'yung recording projects na inalok ng GMA Records. Just a thought.


#40 rain_sarah

rain_sarah

    Champion

  • Jr. Member
  • 30 posts

Posted 23 April 2009 - 05:43 PM

so many faces , so many talents. but still only one will stand out at her best and thats no ader dan ms . SARAH GERONIMO.


the popicon of this generation and the next millineum. thanks 4 sharing po/..

#41 sarahcel

sarahcel

    6X Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPipPip
  • 1,935 posts

Posted 23 April 2009 - 06:35 PM

"Bagong singing idol hinihintay pa" (From Ernie Pecho's "Masa...Rap" column, Pang Masa, April 21, 2009):

Lagi na nating napapanood na kailangan ng GMA 7 ang bagong singing star. Nananawagan ang network na sumali ang may talento sa mga oa-audition nilang dates and places na pinapakita sa TV.

Siguradong marami na naman ang dadagsa sa mga nasabing auditions dahil maraming mga Pinoy na may talento sa pagkanta. Marami rin naman na bukod sa magandang boses, pang-artista talaga ang mga itsura.

Subalit ano nga bang goal ang mararating ng mga magkakapalad na maging finalist sa susunod na GMA talent search, na hindi pa natin alam kung ano ang itatawag?

Sumunod kaya sila sa mga yapak ng mga dating GMA singing champions na sina Jonalyn Viray at Gerald Santos?

Kung susuriin natin ang dating mga tunay na singing superstars sa ating bansa, makikita agad na lubhang madalang ang pagsikat ng mga bituing tulad nila.

Noong '70s namayagpag si Nora Aunor, ang original superstar via the then leading TV talent show, "Tawag ng Tanghalan." Tapos maging kampeon ng show, naging mainstay si Guy ng maraming TV shows, hanggang itampok sa longest-running musical show that time, ang "Superstar."

Mula TV ay naging reyna ng pelikula si La Aunor, at naging No. 1 pa sa benta ng mga plaka. Nagkaroon din siya ng maraming commercial endorsements pati sa isang bangko, kahit sabihin pang hindi natin alam kung tunay na natutong mag-impok ang superstar.

Mahigit sampung taon naman nang maging grand winner si Chona (ngayon ay Regine) Velasquez ng "Ang Bagong Kampeon." She metamorphosed into one of the greatest singing divas at naging bida pa ng maraming hit movies. Tumanggap din siya ng maraming gold and platinum awards para sa kanyang mga best-selling albums.

Isang dekada pa ang lumipas nang sumulpot ang isang Sarah Geronimo, nang magwagi bilang champion ng "Star for a Night" nationwide talent search. Tulad nang nasaksihan natin ngayon hindi lang isang gabi, kundi maraming taon siya ang current superstar.

Kahit magkaroon ang lahat ng network ng mga talent search, para maghanap ng mga potential stars, hindi naman ganoon kadali tumuklas ng mga tunay na bituin.

Bukod sa tunay na talento, marami pang mga bagay ang hinahanap ng publiko para maging bago nilang idolo. Simple nga ang panlasa ng masa, pero sa bagay na tulad nito medyo hindi agad sila makukumbinse.

Ang kailangan kasi sa isang totoong singer superstar, built-in lahat ng mga kalidad na gustong makita ng publiko. Hindi porke't nanalo ng isang milyong piso, kotse at house and lot--pasado agad na maging singing idol. Lalo't hindi puwedeng magkamal lang ng million text votes, panalo agad sa puso ng masa. Alam natin kung anong klaseng talent ang nagwawagi lang sa pagbili ng mga cellphone loads para maka-text ng million votes.

Sa history ng Pinoy entertainment, sina Nora Aunor, Regine Velasquez at Sarah Geronimo pa lamang ang naging totoong mga reyna ng pelikula, TV, tanghalan at plaka--doon sa mga tunay na galing sa talent search.

Kung meron pang iba, lahat sila'y pawang mga dama lang!


thankz poh for sharing!!!

#42 angelyn25

angelyn25

    7X Platinum

  • Member
  • 2,254 posts

Posted 23 April 2009 - 10:15 PM

go sarah..!!

tahanks for sharing..!

#43 celeste

celeste

    Hall of Famer

  • Graphic Artist
  • 9,031 posts

Posted 24 April 2009 - 12:50 AM

thanks for sharing po. :T

#44 popstar_princess_sarah

popstar_princess_sarah

    Double Platinum

  • Member
  • PipPip
  • 749 posts

Posted 27 April 2009 - 11:59 PM

tnx for sharing


naghahanap pa cla..di nman cckat.bka macckatan ng araw oo pero HNDI cckat..tignan nio nga ung nagyari kay gretchen espina ng pinoy pop superstar nsan na xia ngaun..??singer sa gma walang kwenta d naman ckat...mga kapamilya ipa-demolish n10 ang gma building..haha :belat:

#45 lizamarie

lizamarie

    10X Platinum

  • Member
  • 3,177 posts

Posted 24 May 2009 - 03:01 AM

Thanks for sharing!

Nice article..

#46 gladysarah

gladysarah

    6X Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPipPip
  • 2,082 posts

Posted 24 May 2009 - 03:14 AM

tenkz 4 shring ..

#47 boutdphil

boutdphil

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 533 posts

Posted 24 May 2009 - 06:27 AM

huwag ng masyadong umasa ang tatangahaling bagong singing idol
sobra-sobra na kayo sa dami-harinaway kung sino man ang mananalo
i hope you make sarah as your example..........




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users