DZME - (host Benny Andaya) - May 14, 2009
------------------------------------------------------
News #1: Akalain nyo balitang-balita sa US na tinalbugan ng concert ni SARAH ang Divas 4 Divas na kinabibilangan nina Regine, Kuh, Zsa-zsa at Pops na matagal na sa larangan ng pagkanta natalo ng isang SARAH GERONIMO. Bonggang-bonggang SARAH (background music BWN). O gising na gising na ang mga Popsters basta nagpapatugtog ako ng kanta ni Ms. SARAH GERONIMO. Talagang weakness ng mga Popsters ang mga kanta ni SARAH.
News #2: Alam nyo ba last week sabi ko hindi pa sure na makakapag-ASAP si SARAH, pero nakita nyo naman kahit talagang pagod sya sa byahe nag ASAP pa rin at grabeh yung pinakita nya nung sunday, sobrang galing niya.
Texter: Benny bakit like mo si SARAH?
Benny: Alam nyo nung nagkaroon ng botohan sa Juicy (TV5) di talaga ako nagdalawang isip na si SARAH ang iboto dahil si SARAH, "HUWARAN", wala kang mababalitaan na masama tungkol sa kanya, lahat ay magaganda. "NAPAKAGALING" nyang singer at "NAPAKABAIT" na bata. Never mo siyang mababalitaang pagala-gala tulad ng iba dyan. Tuwing Holy Week never mo siyang nakita na pagala-gala sya sa mga beach. Pag wala syang trabaho nasa bahay lang siya. Hindi kami personally na magkakilala ni SARAH pero sinasabi ko 'to dahil gusto ko talaga siya dahil sa "KABAITAN" niya. "MAPAGMAHAL" sa pamilya at kahit dalaga na sya ayaw pa rin niyang mag Boyfriend at ayaw pa rin makipag-kissing scene. At yan ang gusto ko sa kanya at dapat siyang tularan ng iba.
Hindi rin ako binabayaran ni SARAH para purihin siya at kahit ng VIVA o kung sino man. Pupurihin ko si SARAH hangga't gusto ko dahil karapat-dapat siyang purihin at pag ayaw ko sa isang tao, ayaw ko talaga. Ganun ako.
(habang on-the air sya he played YCML, BWN, CML, CTBL, HCYSYLM, FNE as background music).
Guys, dun sa mga malapit lang ang bahay sa DZME (pagbaba sa Munoz Market walking distance lang nasa right side if you came from Monumento) pls visit Benny Andaya between 12:30-2pm ang radio program niya (every wednesday, thursday and friday) at kung pwede bring food. Imagine his 1 1/2 hrs na on-the-air only SARAH and Popsters lagi ang topic nya. Alagaan natin si Benny coz mahirap makatagpo ng katulad niya na hindi bayaran pero sobrang papuri ang ibinibigay sa pinakamamahal nating si SARAH. Kung malapit lang sana ang bahay ko i will visit him regularly.
Edited by tita cristy, 13 May 2009 - 11:15 PM.