Jump to content


SOMEONE LIKE YOU


621 replies to this topic

#1 4A-sbebe

    Gold

  • Member
  • 204 posts

Posted 03 July 2009 - 08:28 AM

I miss ashlloyd so much,i feel sad that it will take a year before they shoot the 3rd part of AVSL, so what i did is....... i begun to write a story about them, and here it goes........


Sa harapan ng kanyang computer, titig na titig pa rin si Laida. Paulit-ulit niyang binabasa ang e-mail ni Miggy,yung mga kwento niya at higit sa lahat ang nakasulat sa bandang huli " I MISS YOU SO MUCH! I LOVEYOU!"
Bigla na naman niyang naalala ang mga huling araw bago siya pumunta ng Canada. Hindi naging madalas ang pagkikita nila sa kadahilanan ng trabaho ni Miggy. Ngunit sa mga araw na magkasama sila ay lag namang sulit, pinuno nila ng saya at pagmamahal ang isa't isa, knowing na sa isang araw ay aalis na siya.
Nang dumating ang araw na iyon.......sa kotse ni Miggy nakasakay si Laida, nasa kabilang sasakyan naman ang pamilya ni Laida.
Walang imikan, tahimik nilang binabaybay ang daan papunta sa airport.
Kanya-kanya sila ng iniisip, parehong malungkot, hanggang ginagap ni Miggy ang kamay ni Laida,
" I'm going to miss you!" maemosyong sabi ni Miggy.
" Be', di ba napagusapan na natin 'to?" umiwas ng tingin si Laida dahil di niya kayang makita ang lungkot sa mga mata ni Miggy at ayaw din niyang ipakita ang bigat na nararamdaman niya.
" I know, but I can't help it."
" Ikaw naman e'..." pilit na pinasaya ang mukha na hinarap si Miggy,
"... basta lagi mo lang tatandaan, we're doing this for our own good, for our growth, hindi naman ay maghihiwalay ng matagal. Di ba, promise ko sa iyo pagdi ko nagustuhan ang magiging ouycome ng pagpunta ko a Canada, I'll be on the next plane back home...... back to you!"
"Alam ko naman iyon...." sagot naman ni Miggy. " kaya lang iba iyong nandito ka lang, pag gusto kitang makita, I'll just go to Flippage or sa bahay niyo, but now...."
Hindi na natapos an sasabihin ni Miggy dahil nakarating na sila sa airport. Nagbuntong hininga na lamang siya, at aktong bababa na siya ng pigilan siya ni Laida.
" Just always remember, mahal na mahal kita!"
Matagal silang nagtitigan parang ninanamnam ang mga huling sandling iyon. Hindi sumagot agad si Miggy, niyakap niya si Laida, matagal, mahigpit. Hinagkan niya ito sa noo, di pansing tumulo ang kayang luha, .......... "and I Love You!"

#2 Tataymemen

    Double Platinum

  • Member
  • PipPip
  • 870 posts

Posted 03 July 2009 - 11:07 AM

View Post4A-sbebe, on Jul 3 2009, 09:28 AM, said:

I miss ashlloyd so much,i feel sad that it will take a year before they shoot the 3rd part of AVSL, so what i did is....... i begun to write a story about them, and here it goes........


Sa harapan ng kanyang computer, titig na titig pa rin si Laida. Paulit-ulit niyang binabasa ang e-mail ni Miggy,yung mga kwento niya at higit sa lahat ang nakasulat sa bandang huli " I MISS YOU SO MUCH! I LOVEYOU!"
Bigla na naman niyang naalala ang mga huling araw bago siya pumunta ng Canada. Hindi naging madalas ang pagkikita nila sa kadahilanan ng trabaho ni Miggy. Ngunit sa mga araw na magkasama sila ay lag namang sulit, pinuno nila ng saya at pagmamahal ang isa't isa, knowing na sa isang araw ay aalis na siya.
Nang dumating ang araw na iyon.......sa kotse ni Miggy nakasakay si Laida, nasa kabilang sasakyan naman ang pamilya ni Laida.
Walang imikan, tahimik nilang binabaybay ang daan papunta sa airport.
Kanya-kanya sila ng iniisip, parehong malungkot, hanggang ginagap ni Miggy ang kamay ni Laida,
" I'm going to miss you!" maemosyong sabi ni Miggy.
" Be', di ba napagusapan na natin 'to?" umiwas ng tingin si Laida dahil di niya kayang makita ang lungkot sa mga mata ni Miggy at ayaw din niyang ipakita ang bigat na nararamdaman niya.
" I know, but I can't help it."
" Ikaw naman e'..." pilit na pinasaya ang mukha na hinarap si Miggy,
"... basta lagi mo lang tatandaan, we're doing this for our own good, for our growth, hindi naman ay maghihiwalay ng matagal. Di ba, promise ko sa iyo pagdi ko nagustuhan ang magiging ouycome ng pagpunta ko a Canada, I'll be on the next plane back home...... back to you!"
"Alam ko naman iyon...." sagot naman ni Miggy. " kaya lang iba iyong nandito ka lang, pag gusto kitang makita, I'll just go to Flippage or sa bahay niyo, but now...."
Hindi na natapos an sasabihin ni Miggy dahil nakarating na sila sa airport. Nagbuntong hininga na lamang siya, at aktong bababa na siya ng pigilan siya ni Laida.
" Just always remember, mahal na mahal kita!"
Matagal silang nagtitigan parang ninanamnam ang mga huling sandling iyon. Hindi sumagot agad si Miggy, niyakap niya si Laida, matagal, mahigpit. Hinagkan niya ito sa noo, di pansing tumulo ang kayang luha, .......... "and I Love You!"


Ang galing mo naman.
Habang binabasa ko yang gawa mo, akala ko nasa loob na ako
ng Sinehan.
Posted Image

Ayos yan..

Edited by Tataymemen, 07 July 2009 - 10:52 PM.


#3 harmoenie88

    Champion

  • Member
  • 95 posts

Posted 03 July 2009 - 03:19 PM

elo musta mga popster

#4 4A-sbebe

    Gold

  • Member
  • 204 posts

Posted 04 July 2009 - 01:21 PM

[" Just always remember, mahal na mahal kita!"
Matagal silang nagtitigan parang ninanamnam ang mga huling sandling iyon. Hindi sumagot agad si Miggy, niyakap niya si Laida, matagal, mahigpit. Hinagkan niya ito sa noo, di pansing tumulo ang kayang l
u ha, .......... "and I Love You!"

cont.
"'po!, tita Che, nandito po ako sa kwarto." biglang naputol ang pag reminisce niya sa pagtawag na iyon ng tiyahin na kanyang tinutuluyan sa Canada.
" Kamusta ang trabaho mo? ani ng tiyahin.
" Ok naman po, kailangan ko pa po ng adjustments, stempre po iba ang line-up ng trabaho dito kesa sa atin."
"Naku, kayang-kaya mo yan, ikaw pa, è alam ko namang matalino kang bata. Kung tutuusin, pareho lang iyan nung nasa pilipinas ka pa, much better dito regarding money matter di ba?" Napatigil ng pagsasalita ang tiyahin ng mapansin na malungkot ang pamangkin. " Ay naku Laida.... nami-miss mo na naman si Miggy 'no?"
Di agad sumagot si Laida, imbis ay matipid na ngiti ang pinakita sa tiyahin. Nagbuntunghininga...." bukod po doon, tita, e nami-miss ko sila tatay at nanay, ung mga kapatid ko..."
" Alam mo Laida..." putol ng tiyahin, "... bago ka pa lang kasi, homesick lang iyan. Ganyan din ako nung bagong dating dito, halos mamatay-matay ako sa lungkot. Ganyan ka rin, sooner or later, you'll overcome everything."
"Parang ang hirap-hirap kasi." Huminga ng malalim at pinasigla ang sarili sabay sabi " ...Kaya ko 'to, tita, Magtalas yata 'to,ha!"
" kahit sa puso't isipan niya ay alam niya na malaking adjustment ang kailangan niyang gawin.

#5 4A-sbebe

    Gold

  • Member
  • 204 posts

Posted 04 July 2009 - 02:40 PM

Tulad din ng pag-a adjust ni Miggy, ramdam niya na may kulang sa buhay niya, sa trabaho niya pinipilit ibuhos ang mga oras niya. Pero kahit minsan di nawala si Laida sa isip niya. She's everywhere! Nag ring ang cellphone nya, dali-dali niyang sinagot yun, hoping na sa Laida ung tumatawag.
" Mon...?" may pagka disappointed na sagot nito sa kaibigan. Nakinig siya sa sinasabi. " I don't know, Mon, wala kasi ako sa mood, I really would'nt want to be a bore."
" Common, Miggy......." sabi sa kabilang linya. ".... I assure you, you're going to enjoy the night."
" Okay, okay, I'll just see you there,"
" Good, be sure you'll be there, okay?
" Sure, see you!"
Pinilit ni Miggy ang sarili na tumayo at mag prepare para lumabas. On his way out, nakita niya ang ama na nagpapahangin sa terrace. " Hi Dad!"
" Hi Miggy, mukhang may lakad ka ata ngayon."
" Yes, Dad I'm going out with Mon and some friends."
" That's good! Napansin ko nga lately na lagi ka lang nasa bahay, unlike when Laida is still here, it's either your work or her." Tinignan ng matagal ang anak.
" You miss her a lot, right? tanong ng daddy niya.
" Obvious ba, Dad?" Naupo siya sa katabing silya, sinapo ang ulo na parang desperado.
" Do you want to talk about it?"
" What we did was not an easy move. She decided that this will both do us good. Ako sa sarili ko, hindi ako sigurado. I miss her so much!" Alam mo naman Dad na malaki ang naging papel ni Laida sa pagbabago sa buhay ko. She's changed me! Pero thinking about it, i think i owe her this much. Marami akong naging pagkukulang sa kanya, kaya parang napakadamot ko naman kung di ko siya pagbibigyan."
" I understand what you're going through and i think you just have to trust her. Alam mo, anak, parang nakikita ko ang Mommy mo kay Laida..."
Napatingin sa Miggy sa ama, naging curious siya sa sasabihin nito tungkol sa Mommy niya.
"...........lighthearted but determined......." patuloy ng ama,
"...........para bang walang mabigat na problema sa kanya, for her everything seems so easy, that's why I fell for her." Tumingin ang ama sa kanya at sinabi..." I did loved her, Miggy!"
Hindi malaman ang isasagot sa ama, halong emosyon ang nadarama niya sa mga sandaling iyon. Tumayo siya at nilapitan ang ama. " Thank you, Dad. This conversation means a lot to me."
Tinapik-tapik ng ama ang kamay na ipinatong niya sa balikat nito.
" Now, Miggy, go ang have some fun, enjoy the night ang see you tomorrow. I'm sure you'll be going home late."
Ngumiti at tumango lang sa sinabi ng ama, dahil sa totoo lang ay nawalan na siya ng ganang pumunta sa mga kaibigan niya. Sa halip ay dumaan na lamang siya sa suking flowershop at bumili ng one long stemmed rose para dalin sa puntod ng ina. Malayo s Laida kaya doon sa lugar na lang na iyon sya humuhugot ng lakas.

#6 sachi

    Gold

  • Member
  • 216 posts

Posted 04 July 2009 - 07:33 PM

wow! ganda nang work mo... as in! pls post the continuation agad... thanks...

#7 4A-sbebe

    Gold

  • Member
  • 204 posts

Posted 04 July 2009 - 09:28 PM

[quote name='sachi' date='Jul 5 2009, 12:33 PM' post='1316163']
wow! ganda nang work mo... as in! pls post the continuation agad... thanks...
[/quote



thanks for appreciating my work, :)

#8 4A-sbebe

    Gold

  • Member
  • 204 posts

Posted 04 July 2009 - 10:06 PM

Kinabukasan, araw ng linggo, nagcheck si Miggy ng e-mail, hoping he'll find soething from Laida. In fact meron nga. Tuwang-tuwang binasa niya iyon. Nakasaad doon ang mga ginawa niya for the whole week. May mga enclosecd pang pictures. Tinitigan niya ng hustoang mga bagong larawan na iyon ni Laida. Halong saya at takot ang nararamdaman niya. Takot sa kadahilanan na hindi matupad ni Laida ang pangako na uuwi siya kung hindi siya kuntento sa pagta trabaho doon. At iyon ang nangingibabaw sa mga sulat ni Laida. Sa tingin niya ay maayang masaya at okay na ang lagay niya doon.
Kung tutuusin ay puwedeng siya ang magpunta sa Canada para magkasama sila kahit sandali, pero mabigat ngayon ang responsibilities niya sa business ng family nila. Kung kailan siya makakakuha ng bakasyon, yun ang hindi niya alam.
Nang hapon na iyon, naisipan niyang dumalaw sa pamilya ni Laida, parang gusto niyang maramdaman ang presence ni Laida at sa tingn niya ay makakamit niya lang iyon sa pamamagitan ng pagpunta niya doon. Bumili muna siya ng mamemeryenda at tumungo na siya doon.
Nadatnan niyang nasa labasan ang kapatid na bunso ni Laida at ng makita siya ay masayang nagtatalon at nagsimulang sumigaw, " Si Kuya Miggy, sa Kuya Miggy nandito, ........ Nay, Tay, si kuya Miggy dumating...!"
Dumungaw ang mag asawa, " Aba, oo nga, Miggy, halika at pumanik ka." aya ng ina ni Laida.
" Magandang Hapon po!" bati ni Miggy.
" Magandang hapon naman, buti at napasyal ka, Kamusta ka na?
" Okay naman po! Pasensiya na po kayo at di ako masyadong nakakadala dito, madami po kasing trabaho." pagpapaliwanag niya.
" Miggy....." singit ng ama ni Laida, "......aba e magpapahinga ka naman ng konti, baka pagbalik ni Laida at makita kang buto't balat e ma praning iyon."
Natawa si Miggy sa sinabi ng "biyenan to be".
Sumagot naman ang kabiyak nito, " E kanino pa ba magmamana yon ng kapraningan?...e di saiyo!"
" O, o, o sumabad ka na naman, ikaw lagi mo na lang akong pinapahiya sa harap ni Miggy." patampong sagot ng asawa.
" Huuu, ikaw naman, nagsasabi lang ako ng totoo!" nakatawang sagot ng maybahay, sabay kindat kay Miggy.

#9 asher21fanatic

    Champion

  • Member
  • 93 posts

Posted 05 July 2009 - 12:06 AM

..galing mo nmn po...habang binabasa ko to..na iimagine ko yung magbebe eh...parang tunay tpos kala ko e2 n tlga yun..hehehe

#10 asher21fanatic

    Champion

  • Member
  • 93 posts

Posted 05 July 2009 - 12:14 AM

..galing mo nmn po...habang binabasa ko to..na iimagine ko yung magbebe eh...parang tunay tpos kala ko e2 n tlga yun..hehehe

#11 4A-sbebe

    Gold

  • Member
  • 204 posts

Posted 06 July 2009 - 07:38 AM

" Huuu, ikaw naman, nagsasabi lang ako ng totoo!" nakatawang sagot ng maybahay, sabay kindat kay Miggy.
[/quote]
Natutuwang pinagmamasdan ni Miggy ang mag asawa, bigla siyang nangarap, ganyan din kaya sila ni Laida sa pagdaating ng araw.........? Napa imagine tuloy siya.............

............ si Laida, nasa kusina........ "Bebe, bebe ko, halika na at kakain natayo!"
Walang marinig na sagot kaya hinanap niya sa Miggy. Nakita niyang inaayos ang mga halaman sa garden. Nilapitan ito niyakap at hinagkan sa pisngi at masuyong inaya ulit, " Di mo ba ko naririnig? tinatawag kita at nakahanda na ang lunch."
" Naku, pasensiya ka na at nalilibang ako ng pagaalaga dito sa mga tanim nating bulaklak e kasi naman........."
" Hay naku...," pakunwaring nagtatampong putol ni Laida, " buti pa yang mga halaman napagtutuunan ng pansin...." sabay tayo at tangkang iiwan si Miggy.
Mabilis namang pinigil at hinila ni Miggy si Laida, " Eto na naman siya..... si tampong pururot...." sabay yakap sa bewang at sinuyo-suyo. " Halika na, pasok na tayo, siyempre sinundo na ko ng pincess charming ko, as you wish my love." sabay halik sa pisngi. Yun lang a magkaakbay ng pumasok ng kitchen para mag lunch.
" Halika na......."
Imagination pa rin niya na inaaya siya ni Laida na maupo........ yun pala ay ang ina na ni Laida ang nagaaya.
" Halika na Miggy!" ulit na pagaya ng nanay ni Laida.
Nagising sa pag i imagine si Miggy.
" Ay, opo, maraming salamat po!" Sabay tayo at nakisalo sa pagkain ng meryendang dinala niya.
Masaya silang nagkwentuhan, nakikihalo din siya sa biruan ng maganak. Isip isip niya, This is really a breath of fresh air. Ang lakas makaluwag ng dibdib ang atmosphere sa tahanang iyon.
" Tita, mukhang nawiwili na po si Laida sa Canada." ani ni Miggy.
" Hay naku, Miggy, nakaka adjust na siya sa working habit doon, pero alam mo, ang isip nun e lagi pa ring nandidito sa pilipinas. Di ba kayo nagkakausap sa telepono?"
" Madalas din naman po, kaya lang dahil sa time difference e sandalian lang ang paguusap namin. Pag me oras siya, busy naman ako, Pag ako naman ang free, di naman siya pwedwng magtagal sa phone, kaya by e-mail na lang ang kwentuhan namin." paliwanag ni Miggy.
" Ay naku...." sagot ng ina ni Laida, ".... buti nga ngayon me ganyang internet, internet na,samantalang noon, bago makarating ang sulat e me amag na."
" Tita...'" seryosong tawag niya. "... me nababanggit po ba sa inyo si Laida kung kailan siya uuwi? May one year na rin po kasi sya doon."
" Ha? isang taon? tignan mo nga naman, kabilis para ng panahon, parang kailan lang umalis yung batang iyon. Sa amin ay wala namang nababanggit."
Nag ring ang cellphone n Miggy. " Excuse me po." Tumayo t lumayo sa karamihan, Tinignan kung sino ang tumatawag. Long distance! Si Laida!
" Hello!"
" Hello, bebe ko!"
" Laida? My God nandito ko sa inyo ngayon, kasalukuyan kaming nagmemeryenda. Kamusta ka na?
Alam mo pinaguusapan ka pa lang namin ng mga nanay mo. Nagulat ng ang inay mo ng sabihin kong mag one year ka na diyan. Nagtatanungan nga kami ng mga kapatid mo kung kailan o kaya balak umuwi. Miss na miss ka na nila....... lalong lalo na ako.." tuloy tuloy na sabi ni Miggy.
" Bebe, bebe, dahan dahan lang...." natatawang sabi n Laida. " Miss na miss na kita, sina nanay at tatay, mga kapatid ko. Kamusta ka na?"
" Heto..... may hinihintay."
" Hinihintay?" takang tanong ni Laida. " Diyan sa amin?, Bakit sino naman ang ka appointment mo at diyaan pa kayo sa amin magkikita? Teke, teka, teka...."
" IKAW, ikaw Laida ang hinihintay ko!" putol ni Miggy.
............ tumahimik sa kabilang linya.......
" Di mo lang alam Miggy, kung gaanong pagtitiis ang ginagawa ko. I miss you so much!"
" Then come home......... come back to me!"
" Miggy, how I wish I could. I think it will take time, I'm in a middle of an article and i think this will give me the break i need! paliwanag ni Laida.
" I see.." malungkot na sagot ni Miggy, "..... so this is how much you miss me?"
" Bebe, wag ka naman ganyan, akala ko ba naiintindihan mo ko."
" Yun din ang akala ko, Laida, but as days pass by, it convinced me more that letting you go was the worst decision I made."
" Miggy.....?"
" Di mo ba ko pwedeng pagbigyan" pagmamakaawang tanong ni Miggy. " Can't you take a break, even for a few weeks?"
Matagal na di nakasagot si Laida. " Bebe, bakit di kaya ikaw ang pumuna dito, para naman makapagpahinga ka ng konti."
" I can't, alam mo naman ang responsibilities ko ngayon sa sa company namin."
" See!!!" sabad ni Laida, " then bakit ka nagde demand na umuwi ako. Do you think pag pingbigyan kita, you'll have time for me? Syempre pasingit singit lang din, right?
" Okay, then take your time!" pikong sagot ni Miggy.

#12 4A-sbebe

    Gold

  • Member
  • 204 posts

Posted 06 July 2009 - 08:17 AM

Nagkalma lang si Miggy nag maramdamang umiiyak na si Laida sa kabilang linya.
" I'm sorry, Laida, I think missing you o much took its tool on me, para na kasi akong maloloko. I love you so much, Laida, and it hurts not tosee you everyday. And it does'nt help knowing you're so far away from me. My God, Laida, help me!" puno ngf emosyong sabi ni Miggy.
" Miggy, I'm hurting too, maniwala ka sa akin. Nahihirapan din ako but I have to think also of my family. I think I owe it to them. Gusto ko namang makatulong sa mga magulang ko kahit papaano. Alam mo naman ang hirap na pinagdaanan nila mapag-aaral lang ako, up to now they are still struggling para naman sa mga kapatid ko. Don't you think i'm doing the right thing? And.... we have different background, you were born rich, you don't have to help your family to live a good life. Iba ako, iba ang pamilya namin."
" I understand your need to help your family, but you can also help them by working here, malapit sa kanila, malapit sa akin....... di ko maintindihan kung bakit kailangan nating parehong maghirap ng ganito."
Nagisip muna ng matagalsi Laida bago sumagot.
" Let's put it this way, Miggy. Once I finished this article that i'm doing I'll try my very best to go home, but I cannot tell you when exactly. Can you hold on with my promise?"
" You know I'll do eveything for you, i'm just hoping it will be soon enough, Laida."
" Thank you, Miggy for understanding! I love you!"
" And I love you! balik ni Miggy.
Doon sila nagtapos ng paguusap. Malungkot na sinara ni Miggy ang cellphone, napabuntung hininga at tumingin sa malayo.
Lumapit si Iyo sa kanya, " Kuya Miggy, si Ate po ba iyon? Kailan po daw siya uuwi?" tanong nito.
" Hindi pa din niya sigurado kung kailan, Iyo. Pag natapos na daw yung article na sinusulat niya."
Narinig ng ina ni Laida, kaya nakihalo na rin sa usapan, " kaunti pang pasensiya mga anak,...." pakunwaring tinutukoy ang mga anak pero patama kay Miggy ang tinuran. ".......... madaling lumipas ang panahon, pasasaan ba iyan at uuwi din ang ate niyo!"
" Ay, sana malapit na iyon!" pumapalakpak pang sagot ng bunso.
Mahina ang pagsagot ni Miggy " sana nga..... sana nga!"
Di nagtagalay nagpaalam na rin si Miggy........... " tutuloy na po ako, Tita, Tito, thank you po sa pagtanggap niyo sa akin dito."
" Huuu, ikaw naman, alam mo naman na always welcome ka dito. Anytime pwede kang dumalaw."
" Maraming salamat po! sige po! Bye!" bati sa mga kapatid ni Laida.
" Bye, kuya Miggy!" sagot naman ng mga bata.





1 user(s) are reading this topic

0 members, 1 guests, 0 anonymous users