Posted 08 July 2009 - 07:40 AM
Parang napakabagal lumipas ng araw, talaga palang habang naghihintay ka ay lalo namang parang di dumating dating, Isang linggo pa, anim na araw na lang, lima, apat, tatlo, dalawa,..... hay sa wakas, dumating din ang araw ng flight niya. Si Tita Che ang naghatid sa kanya, buti na lang at off niya nung araw na iyon. Paalaman, beso beso, etc. etc. etc. Finally, nakasakay na siya. Madaling araw ang dating niya sa Pilipinas, kaya timing na timing, dahil pagsundo sa kanya ng kanyang mga magulang ay magpapahatid na siya sa Montenegro Bldg. para siguradong mauuna siya kay Miggy at si Zoila naman e magaabang na din doon.
Sa wakas, nagsalita na rin ang piloto na papalapit na sila at requesting all passengers to please take a seat and fasten your seatbelt." Diyos ko po," bulong niya sa sarili...... " ang daldal naman ng pilotong ito, manong i landing na kung ila-landing....... Ay kalabaw....!" nasabi sa pagkagulat ng sumayad na ang gulong ng eroplano sa lupa. Nagsimulang magpalakpakan ang mga pasahero, di naman niya nakalimutan na magpasalamat kay Lord for safe journey. Nagsimula na siyang tumayo at kinuha ang hand carry niya, palakas na rin ang kabog ng dibdib niya. Natataranta na siya, excited, kinakabahan, lahat na ata ng emosyon e nararamdaman niya. Pila sa pag labas ng eroplano, pila sa passport control, pila sa pagkuha ng maleta..... finally palabas na siya. Kanda haba ang leeg sa pagtanaw sa mga magulang, tingin sa kanan, tingin sa kaliwa, hanggang nakita niya ang tatay niya na kumakaway. Kumaway din siya, tumawid sa kabilang daan.
" Nay! Tay! Mano po, mano po!" maluha-luhang bati sa mga magulang
" Laida, anak, kamusta ka na?" tumutulo ang luhang tanong ng ina
" Okay naman po, kayo po?"
" Ayos lang, salamat naman sa Diyos at naging maayos naman ang biyahe mo."
" Hay naku, Nay, gusto ko na ngang sugurin yung piloto,para sabihing bilisan pa at inip na inip na ako" pabirong sagot ni Laida
" Itong si Laida, di pa rin nagbabago." sabat ng ama habang isa-isang kinakarga ang mga maleta sa sasakyan.
" Tay naman, di ba sa inyo lang ako nagmana? biro sa ama. At saka lumapit at inakap ito. Biglang medyo nagserious. " Hihingi sana po ako ng paumanhin kung di muna ako tutuloy sa bahay."
" O siya, siya, siya, huwag mo ng isipin yon, let's go or else you'll be late!" sabi ng ina
" Naks naman si nanay, pa ingles-ingles pa ngayon!"
" Siyempre naman, dumating ata ang anak kong hilaw na canadian."
Nagtawanan sila sa sinabi ng ina. Sumakay na silang lahat at lumakad na para ihatid si Laida sa Montenegro Bldg. Pagdating doon ay nakita na niya si Zoila na nagaabang sa kanya.
" Laidaaaaaaaa!"
" Zoilaaaaaaaa!
Nagyakapan ang dalawa, tinignan ni Zoila si Laida from head to foot " Hmmmm, in fairness......."
" Loka, okay na ba lahat? excited niyang tanong
" Okay ng lahat, halika na sa itaas baka maagang dumating si Sir Miggy." aya ni Zoila
" Okay, okay!" Binalingan ang mga magulang. " Nay, Tay maraming salamat po ulit, mamaya na lang po."
" Oo, sige na at pumasok na kayo!"
Yun lang at pimasok na nga sila ng building.