4A-sbebe, on Jul 3 2009, 11:28 PM, said:
Sa harapan ng kanyang computer, titig na titig pa rin si Laida. Paulit-ulit niyang binabasa ang e-mail ni Miggy,yung mga kwento niya at higit sa lahat ang nakasulat sa bandang huli " I MISS YOU SO MUCH! I LOVEYOU!"
Bigla na naman niyang naalala ang mga huling araw bago siya pumunta ng Canada. Hindi naging madalas ang pagkikita nila sa kadahilanan ng trabaho ni Miggy. Ngunit sa mga araw na magkasama sila ay lag namang sulit, pinuno nila ng saya at pagmamahal ang isa't isa, knowing na sa isang araw ay aalis na siya.
Nang dumating ang araw na iyon.......sa kotse ni Miggy nakasakay si Laida, nasa kabilang sasakyan naman ang pamilya ni Laida.
Walang imikan, tahimik nilang binabaybay ang daan papunta sa airport.
Kanya-kanya sila ng iniisip, parehong malungkot, hanggang ginagap ni Miggy ang kamay ni Laida,
" I'm going to miss you!" maemosyong sabi ni Miggy.
" Be', di ba napagusapan na natin 'to?" umiwas ng tingin si Laida dahil di niya kayang makita ang lungkot sa mga mata ni Miggy at ayaw din niyang ipakita ang bigat na nararamdaman niya.
" I know, but I can't help it."
" Ikaw naman e'..." pilit na pinasaya ang mukha na hinarap si Miggy,
"... basta lagi mo lang tatandaan, we're doing this for our own good, for our growth, hindi naman ay maghihiwalay ng matagal. Di ba, promise ko sa iyo pagdi ko nagustuhan ang magiging ouycome ng pagpunta ko a Canada, I'll be on the next plane back home...... back to you!"
"Alam ko naman iyon...." sagot naman ni Miggy. " kaya lang iba iyong nandito ka lang, pag gusto kitang makita, I'll just go to Flippage or sa bahay niyo, but now...."
Hindi na natapos an sasabihin ni Miggy dahil nakarating na sila sa airport. Nagbuntong hininga na lamang siya, at aktong bababa na siya ng pigilan siya ni Laida.
" Just always remember, mahal na mahal kita!"
Matagal silang nagtitigan parang ninanamnam ang mga huling sandling iyon. Hindi sumagot agad si Miggy, niyakap niya si Laida, matagal, mahigpit. Hinagkan niya ito sa noo, di pansing tumulo ang kayang luha, .......... "and I Love You!"
hello po hmm i just copy this article and post po sa pex hehe nakakakilig po kasi eh dame po kasi baldik sa pex hehe hope na ok lang po?
any way di na talaga ako maka wait sa part 3 haha sana sana sana matuloy talaga pls pls pls bos vic pls hehe













