Jump to content


Photo

Dahil kay Ruffa... John Lloyd bawal na kay Sarah


  • Please log in to reply
59 replies to this topic

#49 interfesg

interfesg

    Quadruple Platinum

  • Member
  • PipPipPipPip
  • 1,335 posts

Posted 10 July 2009 - 05:48 AM

thanks for sharing
ayan napakalinaw si mommy Devine ay napaka buting ina po sa ating princess SARAH

#50 sarah_geronimitis_patient

sarah_geronimitis_patient

    Sarahddict

  • Moderator
  • 9,410 posts

Posted 10 July 2009 - 06:46 AM

thanks for sharing! :T

ps. merged 2 threads with the same content and source. thanks!

#51 zhane

zhane

    13X Platinum

  • Member
  • 3,994 posts

Posted 10 July 2009 - 07:07 AM

bkit ba kz pilit sinasama si sarah sa issue

#52 Verdad

Verdad

    Triple Platinum

  • Member
  • PipPipPip
  • 966 posts

Posted 10 July 2009 - 07:18 AM

"Dahil kay Ruffa... John Lloyd bawal na kay Sarah" (From Erlinda Rapadas T.'s "Teka Nga!" column, Bulgar, July 10, 2009):

Ibang klaseng pagbabantay at may kasamang diplomasya ang style ni Mommy Divine ni Sarah Geronimo kapag may nararamdaman itong gustong pumorma sa kanyang anak.

Hindi niya harap-harapang kinokompronta at pinagbabawalan ang sinumang gustong manligaw kay Sarah. In fact, welcome raw na dumalaw ang sinuman na gustong makipagkaibigan sa kanyang dalaga. Hindi raw totally banned ang suitors ng Pop Princess, basta maayos lang at maginoong papanhik sa kanilang bahay.

Labis na ikinagulat ni Mommy Divine yung lumabas na balitang hinarang at inayawan niya si Lloydie nang magtangkang magparamdam sa kanyang dalaga. Katuwiran ni Mommy Divine, may girlfriend noon si JLC kaya bakit ito manliligaw kay Sarah G.?

Sa presscon ng Careline cosmetics and beauty products kung saan may bagong TV commercial si Sarah, nilinaw ni Mommy Divine na hindi totoong sila ang humiling na itigil muna ang Sarah-John Lloyd teamup sa pelikula. Ang Viva Films daw ang nagde-decide sa anumang projects na gagawin ng kanyang anak.

At si Sarah din ang may kagustuhang huwag munang maging seryoso sa love life, at sa career at pag-aaral muna ibuhos ang kanyang panahon.

Ini-enjoy muna ni Sarah ang kanyang buhay-dalaga at maganda ang kanyang disposisyon sa buhay. Simpleng-simple lang ang buhay na gusto ng Pop Princess. At maging sa kanyang beauty secret ay tulad din daw siya ng ibang kabataan na hindi pasosyal at maarte.

Mababaw lang din ang kanyang kaligayahan sa buhay kaya bagay na bagay sa kanyang simple lifestyle ang bago niyang TV commercial sa Careline.


Thanks for sharing.

Oy sa title lang ng article kumita na naman dito ang Star
Cinema na promoter ng long-playing na alleged love
team ni Ruffa at John Lloyd. Siguro matagal pa ito pero
manghihinawa din ang tao at baka mas mga pangit na
balita pa ang lumabas kung hindi tigilan ng Star Cinema.

Mabuti out na sa ugly picture ng isang tagong relationship
si Sarah. Bow talaga ang marami sa parent nya dahil mahusay
magpalaki ng anak. Hindi nasilaw sa perang dala ng kasikatan
ni Sarah. Sila parin ang matitinong magulang na gabay ni Sarah.

See how uncorrupted Sarah is of all false values which the
the movie world wraps almost everybody with . Walang false
values si Sarah. Simpleng pamumuhay lang ang gusto
nya. Katulad talaga sya ng maraming mabait at matalinong
fans nya. Higit na aapaw ang biyaya ni Sarah dahil maganda
ang standards nya. Sana hindi sya magbago. Sana patuloy
nyang patibayin pa ang magaganda nyang standards in life.

At sana parati andyan ang mga parents nya to guide her
in all her successes until she meets the love of her life.
Kung kailan yun, masaya kaming fans mong maghihintay,
At huag kang magmadali Sarah kasi tutuong bata ka pa at istorbo lang yan!

#53 L_sg1625

L_sg1625

    8X Platinum

  • Member
  • 2,501 posts

Posted 10 July 2009 - 09:19 AM

haahaha.kalurky naman ang mga news...


hmm.tama yung writer...napaka-simple lang talaga ng lifestyle ni ate sarah at nakikita naman ito sa kanya...wee.


i so love ate sarah...


wag po tayong maging judgemental...yan po ang sabi sa atin ng ating prinsesa...sumunod po tayong lahat ha?

#54 Missy

Missy

    Quintuple Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPip
  • 1,611 posts

Posted 10 July 2009 - 06:21 PM

thanks for sharing...

#55 cicima

cicima

    Hall of Famer

  • Member
  • 23,374 posts

Posted 10 July 2009 - 08:17 PM

Thanks ashtin for sharing.

naku naman ang title, kahit kanino naman, bawal na si Lloydie kung sila na nga
ni Ruffa.....kung makikipag-kaibigan lang, ok but not more than that, sabi nga
ni Mommy Divine, mahiya naman ang lalaki kung manliligaw pa sa iba kung may
girlfriend na siya......kaya kahit sino, bawal kay bebe Sarah basta may girlfriend
na, hindi ugali ni bebe Sarah ang mang-agaw ng boyfriend ng iba dahil ayaw niyang
gawin sa kanya iyon.

#56 villamilagrosa

villamilagrosa

    Quintuple Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPip
  • 1,628 posts

Posted 10 July 2009 - 08:33 PM

thanks for sharing :)

#57 princessSARAH4lyf

princessSARAH4lyf

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 550 posts

Posted 11 July 2009 - 08:07 PM

thnx po 4 sharing!

#58 Edwinab

Edwinab

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 403 posts

Posted 12 July 2009 - 08:02 PM

Nakaka sawa na itong Ruffa-John Lloyd - Sarah issue,sana tigilan na ang kaka sama sa name ni Sarah, sayang affected na tuloy ang friendship nila Sarah and John Lloyd, halagang awkward sila sa isat isa sa July 12th ASAP, at si John Lloyd parang ang lungkot lungkot, dahil sa kagagawan ito ng mag inang hitad.....

#59 sarsmiami

sarsmiami

    12X Platinum

  • Member
  • 3,626 posts

Posted 13 July 2009 - 04:27 PM

thanks for sharing.

#60 bhabyf25

bhabyf25

    10X Platinum

  • Member
  • 3,052 posts

Posted 14 July 2009 - 08:42 AM

Nakaka sawa na itong Ruffa-John Lloyd - Sarah issue,sana tigilan na ang kaka sama sa name ni Sarah, sayang affected na tuloy ang friendship nila Sarah and John Lloyd, halagang awkward sila sa isat isa sa July 12th ASAP, at si John Lloyd parang ang lungkot lungkot, dahil sa kagagawan ito ng mag inang hitad.....



Totoo ang tinuran mo Edwinab ukol sa topic na ito.......................

iritang-irita na ang tenga ko sa mga balita ukol sa ikinakabit sa ating Bebe Sarah.................

Edited by bhabyf25, 14 July 2009 - 08:47 AM.





0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users