Pilipino STAR Ngayon 10/27/2004
Inamin ni Erik Santos na mas gusto niya si Rachelle Ann Go kaysa kay Sarah Geronimo dahil naririnig niyang kay Mark Bautista na ito.
Pero kaagad naming kinorek si Erik dahil ang niligawan pala ni Mark ay si Rachelle Ann na ang boyfriend ay si Christian Bautista.
Nagulat naman kami sa reaction ni Erik, "Ay, hindi po ako papayag, ang alam ko hindi pa sila," bigla niyang sabi.
Ibinalik naman ang tanong kay Erik kung paano niya nalaman na hindi pa nga sila Rachelle Ann at Christian?
"Basta po alam ko," mabilis niyang sagot.
Aminado si Erik na naghahanap lang siya ng panahon para seryosohin ang lovelife niya kasi bisi-bisihan daw siya ngayon at iniisip din niya kung makakatulong ba ang gagawin niya dahil baka raw magkaroon ng conflict since taga-Viva si Rachelle Ann at siya’y taga-Star Records naman.
"Gandang-ganda po ako sa kanya at napaka-bait pa, mature at masarap kausap," papuri ni Erik kay Rachelle Ann.
Kaya lang, hindi niya sure kung may panahon itong manood ng concert nila ni Ms. Aiai delas Alas sa Araneta Coliseum sa November 27 na The Prince of Pop and the Comedy Concert Queen... Two Solos, One Concert na produced mismo ng Guess? USA. * * *
— Reggee Bonoan
http://www.philstar....00410277305.htm
Attached File(s)
-
PSN10_27_04.jpg (37.49K)
Number of downloads: 1














