X-FILES
Dennis Aguilar
03 November 2009
------------------------
AYAW talagang paawat ang POP STAR PRINCESS na si SARAH GERONIMO sa kanyang mga aktibidades. Pagkatapos ng dalawang blockbuster hit movies kapareha si John Lloyd Cruz, inihahanda naman ng Star Cinema ang isang napakagandang pelikula na pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos na katriyanggulo nila si Luis Manzano.
All set na sana ang lahat pero biglang nagkaroon ng hadlang sa balitang nagdadalantao si Juday. Naatras bigla ang project ng tatlo. "Hindi naman po problema iyon, eh 'di pagkapanganak ni Ate Juday saka ituloy ang pelikula namin. But i heard na false alarm daw ang pagbubuntis niya kaya siguro itutuloy na rin yung project namin.
For the meantime po, naghahanda muna ako sa darating kong concert sa Araneta sa November 7. Matagal na rin kasi akong hindi nagko-concert sa Araneta, kaya heto uli ako para handugan kayong lahat ng napakagandang konsiyerto na ngayon ko lamang gagawin sa tanang buhay ko," says SARAH. Sa tono ng pananalita in SARAH ay mukhang kakaiba ang kanyang bagong concert.
"Naiiba talaga ito kumpara sa mga nakalipas kong pagtatanghal. Dito kailangang magpaseksi ako sa ibang number ko, depende ito sa mga awiting kakantahin ko. Definitely, ang pang-ibaba lang ang sexy at sa pang-itaas naman, balikat ko lamang ang nakatiwangwang! Hindi ako pwedeng magsuot ng plunging neckline dahil wala akong cleavage!
"Wala akong ipapakita maliban sa magagandang awitin ko na siguradong masisiyahan ang lahat, especially sa mga numbers ko. Kaya dun sa mga gustong manood ng concert ko sa Nov. 7, buy your ticket now, and i'll promise, you can watch a good show," pagtatapos ng singer-actress.
-------------
Natawa naman ako dun sa balikat lang ang nakatiwangwang. SARAH you don't need to wear sobrang daring na outfits kasi your whole body ay napaka-SEXY na para sa amin.
Edited by tita cristy, 02 November 2009 - 05:10 PM.















