tita cristy, on Nov 6 2009, 08:51 AM, said:
Pilipino Star Ngayon
Salve Asis
06 November 2009
------------------------
HANDANG-HANDA na si SARAH GERONIMO para sa kanyang RECORD BREAKER concert bukas ng gabi sa Araneta Coliseum. "Kinakabahan po ako. Pero excited din po ako dahil matagal ko itong hinintay," sabi ng BOX-OFFICE QUEEN. Grabe raw ang ginawa niyang preparation sa nasabing project.
Todo-work out daw ang ginawa ni SARAH para maging sexy sa kanyang mga dance numbers lalo na nga't makakasama niya sina Billy Crawford, Luis Manzano, Vhong Navarro, Christian Bautista, at Charlie Green.
"Kailangan pong makipagsabayan ako sa kanila," pahumble na sabi ni SARAH. Pero kumpara sa naunang tatlong beses na concert niya sa nasabing venue, mas bongga raw itong RECORD BREAKER. "Todong-todo na po ito," dagdag niya.
Ayon kay Mr. Vic del Rosario ng Viva Concerts, last week pa naubos ang tickets. "Pag nagbenta pa, SRO na," sabi ng big boss ng Viva. Nauna nang nangako s Direk Rico Gutierrez na kakaibang SARAH ang mapapanood sa concert. "We will make her another Celine Dion," say ng direktor.
Balita rin ni Boss Vic na mabenta ang CHRISTMAS album ni SARAH na two weeks ago lang inilabas sa mga record bars.
Anyway, deadma naman ang kampo ni SARAH sa mga sinasabi ng mga fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Pero bakit balitang may isang "young actor" na pursigido ang panliligaw kay SARAH.
wOw!!
naman nakaka excite...
sino kaya yang young actor na
pursigido na nanliligaw kay SG..
hMmmm-
sooO excited,, sa RB concert.. bukas nah..













