hala!...sorry po, di ko alam na naghihintay kayo ng kwento ko...super busy lang and was not able to go online during the holidays.
cmsur moment with Sarah before, during and after the concert WALA

...pero God is sooooooooooo good!!! everything came as a big surprise for me, ate g and mavic...we took the shuttle from the hotel to the ariport early dec 6 morning, when we arrived at the airport we saw some staff of the hotel with a lot of baggage but per my previous experience sa pag punta sa concert tour ni Sarah during TNO Sarah always takes the 2nd flight the following day kasi pagod sya, eh 1st flight kami so i didnt think na makakasabay namin sila, akala ko yung band lang at viva staff.
while checking in we heard some people talking sinasabi na darating daw si Sarah...still i thought oo darating pero mamaya pa di ngayong umagang-umaga...pag akyat namin sa passengers waiting area medyo lumakas ang kutob ko na makakasabay namin sya kasi pinag uusapan na naman sya ulit ng mga security and while waiting may nakausap kaming kapwa pasahero na nagsabi na that morning din ang flight ni Sarah...syempre ang saya saya ko kasi dun ko lang sya makikita ng malapitan kasi malayo kami nung gabi ng concert.
we were waiting sa glass window ng airport then mga 30 min before boarding time dumating na yung coaster with the whole entourage of Sarah and Sarah herself...pinaka una pa syang bumaba ng coaster, nung paakyat na sila ng waiting area medyo natrafik sila sa stairs kasi ang dami nila so they had to fall in line and wait...nasa baba pa lang ng stairs si Sarah nakita na nya kami at kumaway na sya sa amin, syempre super saya kami kasi nakita na nya kami!
we were in the same room na with Sarah!!! nakaupo sya with everyone involved in the concert, syempre hiya naman kami na lumapit hehehe...pero one of the viva staff went to us and said ok lang daw na lapitan namin si Sarah and say hi to her kaya kahit nahihiya kami eh unti unti lumapit na kami...may mga ibang tagahanga ni Sarah ang nakasabay namin sa pag lapit tapos nagpapicture sila with her, may isang mama nagpapicture sabi nya kay Sarah paborito daw kasi si Sarah ng anak nya and he wanted to show her daughter na nakasabay nya si Sarah sa airport, pumayag naman si Sarah and after that sabi namin kung pwede kaming 3 naman with Sarah kaso bad shot kasi nagmamadali na yung mama who took our photo kasi boarding na sila so we requested na ulitin pero ang nangyari eh solo solo na kami...weeeeeeeeeeee!!!!

ang saya saya, napahigpit yata ang pag akbay ko kay Sarah kasi sobrang saya ko pero di naman sya nasaktan...syempre konting chika with Sarah after the picture taking at kiss namin...hay cloud 9 na naman kami!
bumalik na kami sa upuan namin tapos yung girl who had her picture taken with Sarah ahead of us came to us and said pwede daw kaya ulitin yung pic nya kasi malabo, the same guy who took our group pic took her photo eh nagmamadali na nga kaya ayun malabo din,sabi namin dun sa girl just ask Sarah okay lang yan na ulitin, syempre knowing Sarah di naman yun humihindi unless there is a reason na di nya pwede gawin...eh nahihiya yung girl so sinamahan namin sya pag lapit namin nauna pa si Sarah magsabi kay mavic ng "ate pwede po kunan nyo kami ng pic?" kami-referring to her concert entourage kasi Sarah took a picture of the group tapos dapat palit sila ni bobby taylo sa pag take eh Sara saw mavic so she asked mavic...ang cute ni Sarah during their picture taking kasi para syang bata na naglean forward at ang cute cute ng smile nya

...after their group pic saka naman kami nag request for the girl at pumayag naman si Sarah...i took their pic, eh pag si Sarah ang subject lagi akong nginig kaya malabo na naman hahahaha! kawawa naman yung girl kaya sabi ko kay Sarah pwede isa pa at pumayag naman sya, finally i got it right hehehe...after the picture taking nagpaalam na kami kay Sarah and said ingat sila tapos sabi ni Sarah "bakit po ate di po ba kayo kasama dito sa flight?" hahahaha! sabi ko naman ay oo kasama kami hehehe...wala sa sarili, high kasi sa moment hahahaha!
inside the plane akala ko walang games kasi sa flight namin going to camsur the day before walang games, everyone was seated na...Sarah was sitting sa pinakaharap na upuan with her mom...before the flight she went to the restroom pero she asked the stewardess muna if pwede pa and they said "yes ma'am...pwede ba magpapicture with you?" hahahaha! sabi ni Sarah "ay okay lang po after ko na lang mag restroom" so pag labas ni Sarah ng restroom ready na ang camera ng stewardes kaya pose na sila agad at ang saya saya nilang 3 before the flight took off hehehe.
games na!!! kantiawan pati si mommy divine kinantyawan kasi yung nagpapalaro was near the restroom tapos nag cr si mommy D si Christian at jimmy marquez din nag restroom kaya pati sila kinantyawan...si Sarah ang unang nirequest ng mga stewardess at ng ibang pasahero pero di umepek eh...ayaw din ni Christian at jimmy nung una pero pumayag din sila so Christian muna tapos si jimmy...eh 3 ang pwedeng manalo so may isa pa, nung pabalik na si jimmy sa seat nya may nagsabi sa kanya na si Sarah naman sana so jimmy faced the passengers and gestured to us na mag cheer ng "Sarah, Sarah, Sarah!" kaya ayun tumayo na si Sarah pero tawa sya ng tawa habang naglalakad mula sa harap ng airplane papunta sa pinaka likod hehehe...pag dating sa likod tinuruan sya how to use the phone/mic ng plane sabi ni Sarah sa phone/mic "hello! hello! Merry Christmas!" tapos tawa na naman sya...oh btw sa pinaka likod kami ni mavic nakaupo kaya ang lapit lapit namin kay Sarah during that time

tawa pa din sya ng tawa tapos biglang "boom tarat tarat! boom tarat tarat! tararat!" tapos tawa na naman as in halakhak talaga pati yung mga stewardess napapahalakhak na sa kanya at pati kami natatawa na din tapos sabi ni Sarah "hindi joke lang hehehe...ano po ba ang gusto nyo?" eh since malapit lang kami ni mavic we said Your Christmas Girl kumanta naman agad si Sarah ng chorus "I dont need anything that's for sure, cause right now i got it all, all i want in this world. right at the top of my list my number one wish...ano ba yun nag turbulence pa hahaha!" habang kumakanta si Sarah ang daming nag tatake ng picture nya tapos yung mga stewardess abot tenga ang mga ngiti...tatapusin pa sana ni Sarah yung song kaya lang mauga na yung plane at sabi ng pilot eh prepare for arrival na daw kaya ang nasabi na lang ni Sarah eh "ayan na, naputol...Merry Christmas!" tapos binigay na sa kanya yung prize nya eh mauga pa tawa lang ng tawa si Sarah maski parang matutumba na sya, andun naman yung mga stewardess na umaalalay sa kanya...Sarah was not allowed to walk to her seat muna kaya pinaupo sya sa opposit row namin sa likod ng plane...nung naupo na si Sarah i noticed di sya nagseatbelt kasi nga temporary lang naman pero when i said and gestured for her to fasten her seatbelt agad naman nyang kinuha ang seatbelt at nag buckle-up...masunuring bata hehehe.
pag dating ng manila nakita namin sila ulit sa may baggage area waiting for their things si Sarah andun lang sa isang side nakikipag kwentuhan nagpaalam kami ni mavic sa kanya at nag kiss ulit, di ko na matandaan yung mga sinabi namin sa isat-isa pero malamang di yun nalalayo sa "bye Sarah, ingat kayo pag-uwi" at si Sarah naman "thank you po, ingat din po kayo" hehehe...pag labas ng baggage claiming are we waited for ate g, nagkahiwalay kasi kami kaya nakita na naman kami ulit ni Sarah nung palabas na sila ng airport at nag paalaman na naman ulit hehehe.
ayan po ang pinakamasayang plane ride ko ever!!! thanks to Ms. Sarah Geronimo!
pasensya na po at super delayed at super haba din ng maikling moment hahaha! A Blessed New Year to everyone!