-------------------------------------------------------------------
Yesterday nagkaroon ng free concert sa Crown Plaza sa Bacolod sina SARAH, Rachelle, Mark at iba pang celebrity after the campaign rally of the whole Nacionalista Party headed by Sen. Manny Villar and Sen. Loren Legarda. After ng speech ni Sen. Villar, pumagitna si SARAH kina Sen. Villar and Sen. Legarda at itinaas niya ang kanilang mga kamay. While andun pa sa stage ang mga candidates, SARAH sung Manny Villar's jingle "Naging Mahirap".
Rachelle started the concert at habang kumakanta ito ay masayang nanonood si SARAH at sumasabay pa sa pagkanta sa may gilid ng stage habang walang sawang pinapaypayan ng daddy niya while si Mommy Divine ay nanonood sa baba ng stage.
Then si Mark naman ang next na kumanta and yung 2nd song niya sabi niya ay magandang isayaw at para sa magagandang babae, kaya itinuro ng mga Popsters na andun si SARAH at napa smile daw si SARAH.
Then nung si SARAH na nagkagulo na raw, nagkatulakan and her first song was RECORD BREAKER. After she sung, she said "ang sexy ko tonight, nagustuhan nyo ba ang outfit ko di ba bongga?" SARAH wore a black outfit na may punit-punit at may silver na design. Then she sung DMMA at nagsundance pa at tuwang-tuwa siya sa mga tao kasi napaka energetic daw kaya enjoy na enjoy si SARAH. Her third song ay RHW at ilang beses daw nakatingin sa mga POPSTERS BACOLOD kasi they wore a POPSTER tshirt. Then nag duet sila ni Mark ng Kailan. Dahil tawa ng tawa si SARAH while singing hindi daw nila nakanta ng maayos yung song. Kunwari nahihiya pa raw si SARAH na makipag HH kay Mark tapos medyo nagpapahabol pa siya at dahil sa kulitan nila nalimutan tuloy nila ang lyrics.
Ang dami daw nagbigay ng gift kay SARAH, may isang Popster na nag-abot ng bracelet at hawak ito ni SARAH while singing then ang dami nang sumunod na nagbigay yung mga suot nila sa katawan. May isang nagbigay ng white watch pero ayaw ni SARAH tanggapin pero ipinilit daw so she accepted it. Then nagbiro si SARAH, "magpapaabot po ako ng basket jan pakilagay na lang po yung mga ibibigay nyo," tapos super bungisngis naman.
Her last song was YCML. Napakarami daw talaga ng fans ni SARAH dun sa Bacolod at sobrang dami ng tao apaw ang venue. Considering na ang Bacolod ay balwarte ng Administration Party and yet grabeh ang pumunta sa campaign rally ng Nacionalista. Sobra talagang lakas ng hatak ni SARAH dahil halos lahat daw ay si SARAH ang dahilan ng pagpunta nila roon. Pero marami din daw Team Villar dun sa Bacolod. Past 12AM natapos si SARAH and after her may mga sumunod pang nagperform pero nag-alisan na raw ang karamihan ng mga tao.
Thanks Kristine for this info (Popster Bacolod}
Edited by tita cristy, 22 April 2010 - 05:16 PM.















