tita cristy, on 23 April 2010 - 06:12 PM, said:
May idadagdag lang ako, maraming baller ni Villar (bracelet) sa kamay ni SARAH at hiningi ng mga tao yun kay SARAH. Pinamigay naman daw niya kaya lang nung isa na lang sabi niya "Naku ako naman po ang mawawalan" eh kaso mabait talaga bebe natin binigay na rin yung last sa kamay niya. Kaya tuwang-tuwa daw ang mga tao kay SARAH sobrang bait at napakaganda pa, eto comment nila.
Totoo po yan tita C, yong sa kanya imbes na ihagis sa tao kung sino ang may gusto pinamimigay nya. Meron pa ngang lalaki ang humingi pilit kinukuha ng babae sabi ni Sarah Ate kay kuya po e2 nauna po syang humingi. Ang hirap din kasi kung ihahagis nya kawawa ang mga babae at nagtutulakan. May isa pang hirit ang ating prinsesa, tinanong nya ba naman ang mga tao kung gutom na at nagsigawan ang mga tao ng OO, alam nyo kung ano ang hinirit nya ililibre ko kayong lahat pagkatapos ng palabas at may dugtong pa SA PANAGINIP sabay tawa ng tawa, kaya imbes na antukin ang mga tao nakikitawa na rin sa kanya ibang klase talaga sya. May isang babae nakaakyat sa stage (ewan ko kung pano sya nakaakyat la naman hagdan don) sabay yakap kay SARAH alam nyo ano ang sabi nya (SARAH) ATE HINDI AKO SI JOHN LLOYD, tawanan naman ang tao, kaya kahit gabi na at inaantok na ang mga tao nawawala ang gutom at antok nila. Pag si SARAH ang nasa entablado nawawala ang pagod, gutom at antok mo, ibang klase talaga sya, napaka WITTY at grabe ang SENSE OF HUMOR. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka get over sa pagpunta ni BEBE d2, para bang nandito pa rin sya. Nand2 ngayon si Gordon at Bayani walang tao ang public plaza ng Bacolod. At sa lahat ng presidentiables na pumunta d2 ang grupo ni MV ang may pinakamagandang stage at may WIDE SCREEN. Pasensya na ulit medyo putol putol ang kwento ko.













