tapos sa jollibee, mga 4 pm andun na ako nagwewait sa mga popsters with syempre flowers for ate sarah, yun yung nasa picture.
sige eto yung flowers
tapos mga 4:30 dumating na popsters. nagsisidamihan na din mga tao
kwentuhan muna, upo, tayo, opo tayo, tawanan, sulatan, picturan, lahat na!! haha
tapos mga past 5 mei nagtxt umalis na daw ate sarah sa sm, tapos pagtingin sa labas ayan na nga ang van.
tapos yan syempre popsters maabilidad kaya unang nakapasok sa loob. hehe
kanya-kanyang camera na kami.
ayan na nga si ate sarah.
grabe ang ganda niya, ang kinis ng mukha, mukahang anghel, grabe lahat lahat na. tapos yung mga to sa likod ko eto paulit ulit nilang sabi, "WOW ANG GANDA NIYA, ANG LIIT NG MUKHA NIYA, WOW ANG CUTE NG FACE NIYA, WOW GRABE ANG GANDA NIYA..." syempre yung ears ko tumakbo na naman at pumapalakpak. tapos yung mga may chance lang na magpasign sana ay yung mga nanalo sa raffle ng jolibbe, pero dahil malakas ang popsters kay ate sarah nabigyan ako ng moment.
before pala yun super special mention ang popsters. "popsters salamat" yan ang paulit ulit ni ate sarah. tapos yun nga promote siya ng HK. tapos sabi punta daw sa premiere. tapos sabi ate sarah "popsters pounta kayo sa premiere natin". sigaw mga popsters "TICKET", sabi ate sarah "si mS. Chai", ibig sabihin si mS. chai daw kausapin sa ticket at si ms. chai ang bahala. ayun . hehe
tapos eto na.. nung nasignan na yung mga jolibee winners si ate mhel sabi, SARAH may popster tayo from BAgUIO si DHONA!! ako naman whaaa!!!! tulala na. sige halah. si ate ehljhay hablot ng bag ko, sige pinapunta na ako sa harap. tapos ayan na.
ako tulala na talaga. eto ang conversation. kung may nakalimutan aklo, yan ang epekto ji ate sarah, tulala na kasi ako dat moment
AKO: hi ate sarah
SG: hi dhona, taga dito ka?
AKO: flowers po (sabay abot) opo (pero actually taga Ilocos talaga ako)
SG: ayy. thank u.
AKO: pwd po pa sign?
SG: ay sure
AKO: (hanap ng pen), pati popsters hanap ng pen. nakay tita C pala ang mahiwagang signing pen na gagamitin ni ate sarah
(habang nagsasasign siya)
SG: Ilang aton ka na?
AKO: 19 po
SG: anung year ka na?
AKO: (di agad ako nakasagot kasi super tulala na talaga) tapos biglang bumikas ng bigla ang bibig ko without my concent (whaaa). 1st year po!! (duh dhona bakit yun ang sinabi mo?)
SG: talaga? highschool? (mukhang nawindang ko ata siya) (si jolibee nakikisali sa picture sa likod. nakikimoment din. (actually feeling ko ako ang may pinakaatagal na nakausap siya at dat moment))
AKO: ay mali po. 4th year na pala ako sori ate ang ganda mo kasi
SG: (tawa siya) . haha. tapos ayun abot niya sakin yung cd ko at cebuana notebook na pinirmahan din niya.
AKO: thanks u ate sarah.
grabe ang puti niya, ang lambot at ang ganda ng boses niya. ang bait niya. ang lambot ng kamay niya. syempre nahawakan ko din
pagbalik ko sabi ni ate leah "dhona nakalimutan mong humingi ng KISS" *BAGSAK!!!* haha. OO nga noh. whaaa. pero okei na yun. haha. may next tym pa, may bukas pa.
tapos yun madami na nagpapicture...
tapos alis na daw ate sg, dami mga to na naghihinayang nawalan sila ng chance. ayun. super sya.
super dami ng tao. kami naman deretso na sa hotel bondjng din with popster friends na super babait.
kaso yung picture namin ni ate sarah nasa mga kamera nila kasi yung camera ko hawak ko. kaya ngayon nasakamay pa nina ate alma, ate leah, n other's camera ang dyamante ng buhay ko. haha. (kung nababasa man nila ang kwento na ito nagmamakaawa ako) hahaha. hihi.
mga gabi na ako umuwi. sila pahinga na. ewan ko lang kung gumala pa sila. hehe
yan ang nangyari sa meet n greet in my perspective.. hehe
kung may kulang man, idagdag nalang ng iba. hehe..