Ano ba talaga ang agenda ng ABS-CBN sa career ni Sarah? Bakit biglang pumasok ang 1Dol sa kasagsagan ng issue about network transfer? Nakapirma sa bagong kontrata si Sarah, then what? Maganda ang binigay na supporta sa umpisa, pero bakit hindi tinuloy? Pinasok ang isang bagong programa, para daw maisalba ang programming nila, para sabihin lang na mas ok ang mga in-house stars nila? Di ba parang sila ang pumatay sa rating ng 1Dol by throwing it on a late slot, knowing the fan base of Sarah? Ok, fine nagwagi silang ibaba pa ang rating ng 1Dol, but are they really helping or they are just getting rid of someone? As far as I can remember wala pang tumapat sa level ni Sarah from their home-grown talents, meron ba? Ngayon meron naman Star Power, a search for a new female pop superstar, Naghahanap ng maipapalit kay Sarah? Dahil hindi talaga nila pag-aari si Sarah? Parang hindi rin naman nangyari ito sa pagdating ni Yeng Constantino dati, tama ba ako? Maraming tanong, maraming hindi tama, pero ganun talaga, this is the state of the industry. Not only the tv industry but the entire nation, kung saan mas binibigyan ng suporta ang rebellion, immorality, darkness, hatred, anger, deception, lies, etc at mas pino-promote kesa sa good moral values, family values, love for God and country, faith, hope, love ... ano pa nga ba?
Ang alam ko lang at aking paniniwalaan dahil alam kong tama, si Sarah will bloom kahit ano ang gawin ninyo sa kanya at kahit saan siya mapunta. They will win to a certain extent, but as long as Sarah is doing God's perfect will for her, walang tatalo sa kanya. If God is for us, who can be against us? Sagutin ninyo ang mga tanong ninyo, bakit nga ba kayo takot kay Sarah?
Just asking, hindi kailangan ang sagot.
God bless us all!
Edited by rosary, 09 October 2010 - 01:39 AM.