SARAH GERONIMO, FLOP STAR?!
October 11, 2010
Visited 62 times, 24 so far today
under Showbiz
NAKAKAAWA NAMAN ANG fate ng soap opera ni Sarah Geronimo na Idol. Balitang-balita kasi na matsutsugi na ito sa ere.
Ang tsikang nakarating sa amin, ang mababang rating ng show ang dahilan kung bakit hindi na ito makararating pa ng one season at goodbye na sa mga fungi ang magiging drama nito sa ere. Kung paniniwalaan ang balita, two weeks na lang yata ang itatagal nito sa ere.
Mukhang walang suwerte si Sarah pagdating sa soap. Kahit na anong gawin niya ay hindi siya kinakagat. Hindi naman kasi swak ang tambalan nila nina Sam Milby o maging ni Coco Martin. Wala silang chemistry.
Isa pa, parang ang Idol ang pinakapangit na soap na nakita namin. Walang kadating-dating sa amin ang show na ito ng Dos.
Kapag natsugi kaagad ang Idol sa ere, baka imbes na Pop Star ang itawag kay Sarah, ay Flop Star na.
haay!!umpisa pa lang to..maraming pang mga kasunod yan..lalo na kpar tuluyan ng nawala sa primetime bida ang idol..kawawa nman c bebe sa mga gnagwa nla..