ABOUT SHOWBIZ ni Nitz Miralles
Hinahanap sa Twitter ang sagot ni Sarah Geronimo sa mga tweets sa kanya ni Cristine Reyes, pero walang sagot ang Pop Princess. Naalala naming ibinalita ni Sarah sa presscon ng What Love Is concert nila ni Martin Nievera na titigil siya sa Twitter at ‘di sinabi kung bakit.
Sa latest tweets ni Cristine kahapon, tila kausap nito ang laging kasama ni Sarah at ipinarating na nagbibiro lang ‘daw si Sarah. Mainit pa rin si Cristine at sabi ‘dun sa kausap na ang alaga nito, si Sarah ang pagsabihan, hindi siya dahil nananahimik siya.
Anyway, si Ara Mina ang nag-sorry para sa kapatid na si Cristine, baka raw hindi na-control ng kapatid ang sarili. Nakiusap din ito na ‘wag nang palakihin ang isyu sa dalawa at ‘wag gatungan dahil sina Cristine at Sarah din ang mag-aayos ng kung anumang gusot meron sila.














