Jump to content


Photo

MMFF Ticket Sales


  • Please log in to reply
11 replies to this topic

#1 ChairC

ChairC

    Bungi Fanatic

  • Super Admin
  • 13,338 posts

Posted 27 December 2004 - 07:04 PM

BADING
Ogie Diaz
People's Tonight
28 Dec 04

Tineks kami ng isang organizer ng MMFF para sa result ng mga kinita ng walong pelikulang kalahok sa filmfest pagdating sa takilya nu'ng opening day pa lang, December 25.

Heto ang gross receipts, including provincial:

1) Enteng Kabisote, P17M;
2) Spirit of the Glass, P7M;
3) So Happy Together, P5.5M;
4) Lastikman, P4.1M;
5) Mano Po 3, P3.8M;
6) Sigaw, P3.7M;
7) Aishite Imasu, P2.08M;
8) Panaghoy sa Suba, P2.06M.

Pambata ang pelikula ni Vic Sotto, kaya asahan na ang pagbitbit ng kids sa kanilang parents, kaya P10M ang lamang sa pelikulang nakakatakot nina Rica Peralejo, Paolo Contis, Dingdong Dantes, Marvin Agustin.

P20,000 lang ang diprensiya ng pelikula nina Judy Ann Santos at Raymart Santiago sa pelikulang pinrodyus, inakting at dinirek ni Cesar Montano.


* * *
Sino ba naman ang ayaw kumita ang lahat ng pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival, 'di ba? Kahit nga 'yung pinakakulelat, kahit kulelat, dapat, kumikita pa rin.

Alam namin kung gaano kalaki ang hirap ng grupo ni Cesar Montano para sa Panaghoy sa Suba. Ang masakit nito, 'yung iba'y sinasabi, "Nanaghoy sa takilya" ang naturang pinrodyus na pelikula ni Cesar.

Sa official ranking ay nangunguna pa rin ang Enteng Kabisote ng M-Zet at OctoArts at panghuli ang movie ni Cesar. Abangan natin bukas ang Gabi ng Parangal, dahil balitang malamang na humakot ng awards ang Panaghoy sa Suba, baka makabawi pa rin ito sa takilya.

May mga kaibigan kaming nakapanood ng pelikula, dahil mga Bisaya sila at feeling nila'y makare-relate sila. Paglabas ng sinehan, sabi nila sa amin, hindi sila masyadong nasulit sa napanood nila.

Oh, well… kani-kanyang opinyon lang naman 'yan. Maghihintay pa rin kami ng mga taong magsasabi sa amin na maganda ang dinirek na ito ni Cesar.

O, baka ipila namin ang Panaghoy… sa panonoorin namin.

Mahirap kasing mangako na manonood, tapos, hindi rin naman pala namin mapapanood. Basta, bahala na. Isusulat na lang namin 'pag napanood na namin.

* * *
Nahihiwagaan kami rito sa kinse anyos na si LJ Moran Poe, ang anak ng yumaong si Fernando Poe, Jr. kay Rowena Moran. Ang mga taong nakapaligid sa kanya ay kumukontak sa amin at nagpapatulong. May mga sinasabi sila against Ms. Susan Roces, pero nalalabuan kami, dahil minsan, paninindigan nila, minsan naman, babalikan mo, hindi naman nila sasagutin at hindi rin sila magre-return call.

Ayaw tuloy naming patulan 'yung mga sinasabi nila kung hindi naman nila kayang panindigan at kung bahag pa ang buntot nila.

Tuesday, December 28, 2004
4:45:08 PM

* * * * ** * * * *

Hehe, how many times understated???? kasi naalala ko sabi ng Mano Po P75million ang gastos nila.. hehe

#2 ChairC

ChairC

    Bungi Fanatic

  • Super Admin
  • 13,338 posts

Posted 27 December 2004 - 07:31 PM

..hehe see.. first day P12million... tapos humina?? hehe

'Enteng Kabisote', P11.8-M sa 1st day!
ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
Pilipino STAR Ngayon 12/28/2004

Umabot sa P11.8 million ang first day gross ng Enteng Kabisote, entry ng M-Zet Television Productions at OctoArts Films sa Metro Manila Film Festival. Sa SM Megamall lang, naka-P728,365 ito sa opening day. Sabi ni Aster Amoyo, P35 million ang nagasta nina Vic Sotto at Orly Ilacad para mapaganda ang pelikula. Lumalabas na mahigit P24 million na lang ang kailangan para mabawi ng mga producer ang kanilang capital. Pero, kailangang triple pa sa P35 million ang kitain nito para masabing sila’y kumita.

Ilang araw pa naman ang filmfest at sa nakita naming interes ng tao sa pelikula’y, sasaya sina Vic at Orly. Sa Robinson’s Galleria, ang Enteng Kabisote ang may pinakamahabang pila ng moviegoers na bumibili ng tiket. Masaya sa pilahan dahil karamihan sa gustong manood ay mga bagets. Kundi magbabago ang trend, ang nasabing pelikula na ang top grosser sa filmfest. * * *

http://www.philstar....00412287304.htm

#3 DJ

DJ

    10X Platinum

  • Content Provider
  • 3,103 posts

Posted 30 December 2004 - 09:52 AM

Just heard from Magandang Umaga Bayan portion with Ogie Diaz... naka-54M na raw ang Enteng Kabisote. Not sure if I heard this right.

5th daw ang Lastikman :(

#4 ChairC

ChairC

    Bungi Fanatic

  • Super Admin
  • 13,338 posts

Posted 04 January 2005 - 09:19 PM

FUNFARE By Ricardo F. Lo
The Philippine Star 01/05/2005

Metro Filmfest: Enteng is No. 1, So Happy No. 2
Here now are the nationwide grosses (from Dec. 25 to Jan. 1) of the eight official entries in the 2004 Metro Filmfest which officially ends today:
1. Enteng Kabisote ...................... P83.6M
2. So Happy Together ..................P32.1M
3. Spirit of the Glass ................... P30.9M
4. Mano Po 3 .............................. P27.5M
5. Lastikman ............................... P21.1M
6. Sigaw ...................................... P18.6M
7. Panaghoy sa Suba ...................P10.9M
8. Aishite Imasu 1941 ................. P10.1M

#5 Ralph

Ralph

    11X Platinum

  • Super Admin
  • 3,470 posts

Posted 04 January 2005 - 09:28 PM

Not bad for lastikman, im also think why the sales are low because people might think that lastikman would be the same with the old one that vic sotto did.

#6 pnoi_integra

pnoi_integra

    Video Provider

  • Content Provider
  • 1,875 posts

Posted 04 January 2005 - 09:35 PM

deng.. nka P83.6 M na ang Enteng Kabisote.. :nono i wish na ganyan ang Lastikman na nahakot.. :D sana lang talaga.. sobra ang tuwa ko kpag nkakuha cla ng ganyan :D

thanks chacri!

#7 capriangel

capriangel

    Quintuple Platinum

  • Content Provider
  • 1,627 posts

Posted 04 January 2005 - 09:38 PM

however, babawi tayo sa dvd/vcd sales nang lastikman...

#8 Lester

Lester

    Quadruple Platinum

  • Member
  • PipPipPipPip
  • 1,298 posts

Posted 04 January 2005 - 09:54 PM

yeah tama si janice...

sa dami ng fans ni mark at sarah sa kung saan saang sulok ng mundo, tyak na best-seller ang dvd ng lastikman! :thumbs

#9 msindependent

msindependent

    Popster

  • Moderator
  • 12,108 posts

Posted 04 January 2005 - 11:36 PM

YES..BABAWI PO TAU SA SALE NG DVD..AND VCD..EHHEHE....yay!!! OK NA YUNG 21 MILLION FOR NOW..AHAHHA..PERO...PAG LUMABAS ANG DVD..PATAY SILA..hehehe.....

#10 Lester

Lester

    Quadruple Platinum

  • Member
  • PipPipPipPip
  • 1,298 posts

Posted 04 January 2005 - 11:40 PM

sige 2 pramis ko

DVD at VHS :thumbs

#11 pnoi_integra

pnoi_integra

    Video Provider

  • Content Provider
  • 1,875 posts

Posted 04 January 2005 - 11:44 PM

me too..

VCD n DVD :D

#12 ChairC

ChairC

    Bungi Fanatic

  • Super Admin
  • 13,338 posts

Posted 05 January 2005 - 05:11 PM

Abante Tonite
06 Jan 05

MMFF box office results

Txt ni Manny Valera: MMFF 2004 official box office results as of January 4…

Enteng Kabisote, P99.3M

So Happy Together, P42.6M

Spirit of the Glass, P37.8M

Mano Po 3, P33.8M

Sigaw, P24.2M

Lastikman, P24M

Panaghoy sa Suba, P14.8M

Aishite Imasu, P13M




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users