Wednesday, August 3, 2011
ChorBA!
by Melchor Bautista

PAGKATAPOS NG ILANG buwang pamamahinga sa paglabas sa teleserye at pelikula, muli na namang haharapin ni John Lloyd Cruz ang kanyang trabaho. Pahinga muna siya sa paggawa ng teleserye, dahil ang mas malinaw na mauuna niyang gawin ay ang isang pelikula sa Star Cinema. Ngayon pa nga lang ay iniintriga na si Lloydie na diumano’y ginagantihan niya si Sarah Geronimo, kaya mas pina-boran niyang unahin ang pelikulang pagtatambalan nila ni Angel Locsin.
Nagmukha kasing tinanggihan noon si John Lloyd na makapareha ni Sarah sa pangatlong pagkakataon, dahil parehong tumipak ang unang dalawang pelikula ng kanilang tambalan. Nang kumalat ang tungkol sa nasabing plano, nanggaling sa kampo ng pop princess ang pagtanggi. Kaya si Lloydie ay walang nasabi kundi: “Sa akin ay walang problema. Pero mahirap matuloy ang isang project kung may isa sa aming dalawa ang parang umaayaw.”
Depensa ni John Lloyd, artista lang siya. Star Cinema raw ang nakakaalam kung anong project ang mauuna niyang simulan. Anumang intriga raw ang pinagdaanan nila ni Sarah, gusto na rin niyang magkatambal sila ulit. Pagkatapos ng tambalan nila sa Imortal, gusto niya ulit makapareha si Angel sa pelikula naman, habang miss na miss na rin daw niyang makatrabaho ulit ang original niyang ka-loveteam na si Bea Alonzo.
link: http://www.pinoypara...sarah-geronimo/














