Abante Tonite
August 13, 2011
PORMAL na in-announce nina Boss Vic del Rosario ng Viva Films at Direk Carlo J. Caparas ang pagsasanib nila para muling buhayin ang mga nobela ni direk Carlo J. na naging big hit noon sa komiks.
Dito nabuo ang Caparas Studios kung saan kinuha ng Viva ang 50 nobela ni dwww.abante-tonite.com/issue/aug1311/showbiz_others04.htmirek Carlo para isapelikula o gawing drama series sa kung sino mang TV network ang interesadong kunin ito.
Kabilang sa novels ni direk Carlo J na pinaghahandaan ng Viva na isapelikula ay ang Rosenda para kay Sarah Geronimo, Maestro para kay Dingdong Dantes, Lumuhod Ka sa Lupa para kay Robin Padilla, Angela Markado para kay Sam Pinto, God Save Me para kay Gabby Concepcion, Tasya Pantasya para kay Anne Curtis, Jacoba para kay Vice Ganda, Paano Hahatiin ang Puso para kay Aga Muhlach, Dalawang Kagat sa Mansanas para kay Cristine Reyes, at Dugong Buhay para kina Sen. Bong Revilla at Jolo Revilla.
My link
Edited by sgfever, 16 August 2011 - 10:24 PM.













