Sarah Geronimo, mas maingat na sa manliligaw
Mario Dumawal
August 31 ,2011
ABS-CBN News – TV Patrol
Maingay ang pahayag ni Kean Cipriano sa TV Patrol ng kanyang paghanga kay Sarah Geronimo.
“Nanginig talaga ako e. Kumbaga, iba e. Something magical,” sabi ni Cipriano.
Pero patay malisya dito ang pop star.
“Salamat naman, kung may ganoong puri. Sa tingin ko naman he’s a good person,” sabi ni Geronimo.
Maingat din si Sarah sa kanyang reaksyon sa isyu ng pagiging malapit sa kanya ni Gerald Anderson na niregaluhan siya ng Louis Vuitton dog carrier.
“Hindi naman natin madidikta iyon. Sabi nga niya, 'If it’s going to happen, it will happen,'” sabi ni Geronimo.
Matapos ang naunsyami niyang relasyon kay Rayver Cruz, natutunan na ni Sarah na walang makakapasang manliligaw sa kanya kundi ito dumaan sa isang proseso.
“Mabibilib talaga ako kapag niligawan ng kung sino mang manliligaw sa akin ang parents ko. Kung mayroon talagang brave na haharap sa kanila,” sabi niya.
Ang ground rules ay para na rin daw sa kanyang proteksyon, lalo't matindi daw siyang umibig.
“Hindi naman kasi ako ‘yung tipong nakakalabas lagi. Pag-in love ako, siya lang,” sabi ni Geronimo.
Sa tamang panahon, hihingin din daw niya ang kanyang kalayaan lalo't 23 anyos na siya.
Pero ngayong
number one overall muli siya sa sales ng OPM at international albums, career muna ang priority ni Sarah.
Link:
http://www.abs-cbnne...careful-suitors
Congrats Sarah! May God continue to bless you more..
Edited by jileeanne, 31 August 2011 - 06:20 PM.