Jump to content


Gerald Anderson, nagpaparamdam na sa mommy ni Sarah Geronimo?!

PINOY PARAZZI

12 replies to this topic

#1 Nowelle

    8X Platinum

  • Content Provider
  • 2,480 posts

Posted 13 October 2011 - 03:38 AM

Gerald Anderson, nagpaparamdam na sa mommy ni Sarah Geronimo?!
Wednesday, October 12, 2011, 1:12pm
PINOY PARAZZI

KAPAG HINDI BUSY si Gerald Anderson sa hectic schedule niya sa taping at shooting. He find time for himself to play basketball. How do you find time for yourself kapag hindi ka busy sa trabaho? “Nagba-basketball ako, nanood ng TV, sine mga ganu’n. Kapag free time, marami rin akong ginawa para sa sarili ko.

Inamin ni gerald Anderson na may kulang pa rin sa kanyang pagkatao dahil wala siya ngayong lovelife. Sabi nga ng mommy niya, “You should find time for yourself and enjoy life.” Say naman ng aktor, “Sa ngayon hindi pa masyado kasi wala pang oras para sa sarili ko. Nagte-taping pa ako tapos nag-start ako ng movie with Sarah Geronimo so, everyday na akong nagwo-work,” say ng aktor.

Kung dati-rati’y napagsasabay ni Gerald ang work at lovelife pero ngayon ay hindi na. “Puwede naman po, pero medyo mahirap din kasi naka-focus ako ngayon sa trabaho. Mahirap ‘yung role ko sa Budoy, a boy who’s suffering from a delay in mild retardation. Marami naman akong inspirasyon pero siyempre, nakaka-miss din ‘yung may naggu-goodnight sa ‘yo, kumain ka na ba? Hahaha!”

Hindi man sinagot ni Gerald ang tanong namin kung sino kina Kim Chiu at Sarah Geronimo ang malapit ngayon sa puso niya, hinulaan na lang namin. Siyempre, si Sarah dahil madalas silang magkita at magkulitan sa shooting ng kanilang pelikula. Nag-uumpisa na nga raw itong magparamdam sa mommy ni Sarah na labis na ikinatutuwa ng singer-actress. Minsan kasi, nagpahayag si Sarah, kailangang pasado sa nanay niya ang lalaking mamahalin niya.

Ayon kay Gerald, friends pa lang sila ni Sarah pero malalim na raw ‘yung pinag-uusapan nila, “Masaya, mas nakilala ko na si Sarah at mas malalim. Marami pa kaming eksenang kukunan so, marami pa ang puwedeng mangyari. Hindi namin sinasara, kung mangyayari, mangyayari,” sambit niya.

Matagal-tagal na ring loveless si Gerald. Sa darating na Pasko, magka-girlfriend kaya siya? “Kung single pa rin ako sa Pasko, hindi naman ako malungkot, marami rin naman akong kasama. Marami pang puwedeng mangyari.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

LINK:http://www.pinoyparazzi.com/gerald-anderson-nagpaparamdam-na-sa-mommy-ni-sarah-geronimo/


Warrning: PLEASE BEAR AND IGNORE THE NASTY COMMENTS below the article.

#2 RyAn07

    13X Platinum

  • Member
  • 4,051 posts

Posted 13 October 2011 - 05:39 AM

Thanks po for sharing! :)

#3 ChoiJiMi

  • Jr. Member
  • 1 posts

Posted 13 October 2011 - 06:08 PM

omaigod!! sana maging sila na talaga

#4 jeeheartsyou

  • Jr. Member
  • 20 posts

Posted 14 October 2011 - 02:39 AM

ayee ! sana sila na taaga !! basta happy si bebe eh happy na din ako ! :56sgAminin:

#5 batchie49

    Gold

  • Member
  • 284 posts

Posted 14 October 2011 - 03:16 AM

anything that makes Sarah happy would be fine with me. If it's Gerald, then why not?! :)

#6 sgfever

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 529 posts

Posted 14 October 2011 - 03:52 AM

thanks for sharing.

Mukhang bumabawi sa news ang Pinoy Parazzi . Di yata nega ang news nila ngayon.Iyun ba namang ulanin sa criticism ang mga reporters nilang Swarding and Melba Llanera na yan eh pag di pa naman sila nagtino. Pero the same pa rin. May word "raw" pa ring ginamit. At least nag improve na.

Edited by sgfever, 14 October 2011 - 05:57 PM.


#7 nurz

    Champion

  • Member
  • 73 posts

Posted 15 October 2011 - 12:04 AM

hmmm..kung mauwi man sa real life ang ashrald well bsta ba hapi c bebe hapi narin ako for her..:)

#8 cherylc

    Gold

  • Member
  • 258 posts

Posted 15 October 2011 - 02:27 PM

thank you for sharing.. i'm wishing maging cla sa real life.. hehe

#9 Djoie-Mahrie

    Champion

  • Member
  • 91 posts

Posted 15 October 2011 - 09:51 PM

why not...
SASA and GEGE...

bagay na bagay!!! :52sgThumb: :52sgThumb: :52sgThumb:
oh my!!! ^_^

#10 sgruckz

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 427 posts

Posted 15 October 2011 - 10:13 PM

Nagpaparamdam? Moo-moo.. :13bungi1:

#11 jhonwayne

    Hall of Famer

  • Member
  • 8,181 posts

Posted 16 October 2011 - 09:53 PM

Thanks for sharing..

#12 rjpili

    Quadruple Platinum

  • Member
  • PipPipPipPip
  • 1,409 posts

Posted 19 October 2011 - 02:31 AM

tnx po for sharing





1 user(s) are reading this topic

0 members, 1 guests, 0 anonymous users