Jump to content


Photo

Sarah Geronimo admits she is pressured to have another box-office hit

sarah geronimo the buzz toni gonzaga

  • Please log in to reply
7 replies to this topic

#1 outrigger

outrigger

    One SG Force

  • Moderator
  • 15,154 posts

Posted 07 November 2011 - 01:45 AM

Sarah Geronimo admits she is pressured to have another box-office hit
11/06/2011 8:23 PM
by: Bernie Franco



Posted Image


Inamin ni Sarah Geronimo sa The Buzz nitong November 6, na nakakaramdam siya ng pressure na kumita ang kanyang upcoming movie with Gerald Anderson, ang Won’t Last A Day Without You, dahil sa success ng dalawang pelikulang sinusundan nito, ang No Other Woman at Praybeyt Benjamin

.

“To be honest yeah, sobra,” bungad ni Sarah sa tanong ni Toni Gonzaga kung pressured ba siya. “On a positive note naman, mas na-cha-challenge kami na pagbutihan pa lalo ‘yung trabaho namin kami ni Gerald,” pagbawi ng Popstar Princess. “Sana lang talaga mag-last siya sa puso ng mga moviegoers.”


Ang nasabing next Star Cinema movie ay ang follow up film nina Sarah at Gerald matapos ang kanilang successful team up 10 months ago sa Catch Me…I’m In Love

Ibinahagi din ni Toni during the interview na hindi na raw masyadong nagbabantay ang ina ni Sarah na si Divine sa set ng sthooting at kinumpirma naman ito ng aktres. “Hindi na masyado [nagbabantay si mommy], nalulungkot nga ako ‘pag wala siya

,” anang singer-actress. Aniya, abala kasi ang ina sa pag-aasikaso sa negosyo nila.


Nilinaw naman ni Sarah na ang pelikula ay hindi sequel ng unang pinagtambalan nila ni Gerald. “It has a different story. Relatable talaga ‘yung character ko since marami rin sa ating kababaihan na napagdaanan natin ‘yung bitterness kapag naha-

heart broken tayo.” Nag-react ang audience sa comment ni Sarah, na tinutukoy ay ang bitter experience niya sa dating boyfriend na si Rayver Cruz. Natatawa pa nga niyang dugtong, “Ang laking tulong ng naging experience. Ewan ko kung bakit parang laging sumasakto ‘yung characters natin. May mga konting [similarities].”


Ayon pa kay Sarah ang role niya ay isang disc jockey na ayaw umamin na may nararamdaman na siya para sa isang lalaki dahil sa sunud-sunod niyang heartbreaks in the past. “Kasi nga ang claimniya, ‘hinding-hindi na ako papauto dyan sa pag-ibig na ‘yan.’”


Hindi pa raw sila ulit nag-uusap ng kanyang ina tungkol sa posibilidad na pagi-entertain niya ng suitors. Okay lang naman daw ito kay Sarah dahil ang mas focus daw niya ngayon ay ang kanyang career.


Nang itanong naman ni Toni kung ano ang kanyang ideal man, ang sagot ni Sarah, “Ang ideal man ko ay faithful siyempre. Lahat tayong kababaihan gusto natin ‘yung siya lang ‘yung babaeng mamahalin (at) wala nang iba, walang no other woman.

Wala na

, no other woman

pa

,” ani Sarah na tawa pa ng tawa. Gusto rin daw niya ng respectful at God-fearing na lalaki.




Source: http://www.push.com....orwPNog.twitter

#2 Phoebe_82

Phoebe_82

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 504 posts

Posted 07 November 2011 - 01:52 AM

aus sa banat DJ Heidee hahahaha

#3 RyAn07

RyAn07

    13X Platinum

  • Member
  • 4,104 posts

Posted 07 November 2011 - 05:37 AM

Thanks po for sharing!! :)

#4 unix

unix

    Gold

  • Member
  • 214 posts

Posted 07 November 2011 - 08:58 AM

thanks for sharing...ms. Outrigger :52sgThumb:

#5 lysamayjoriecel5

lysamayjoriecel5

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 518 posts

Posted 07 November 2011 - 09:59 PM

winner talga ang mga banat ni bebe sa interview na yan. bet na bet ko.haha. Im so proud of her, palaban na xa! tawa ako ng tawa while watching the interview. at audience nmn wagas kung makareact samahan p ng mga banat ni toni..kalurkey talaga.hehe. GO SARAH!

#6 vangie

vangie

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 458 posts

Posted 07 November 2011 - 11:24 PM

thanks for sharing....

favorite na banat ko ung "NO other woman"...winner!!! :)

#7 jhesu

jhesu

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 479 posts

Posted 08 November 2011 - 12:56 PM

like like like the whole interview, ang kulit lang nilang 2 panuorin :)

#8 Itzmetintin

Itzmetintin

    Champion

  • Rising Jr. Member
  • 59 posts

Posted 08 November 2011 - 04:52 PM

yan c bebe tlagang magaling na xia sumagot ah .....palaban na tlga grabe love u tlga bebe at kelangang makuha u ulit ang box office queen dahil sau lang bagay un....love u andito lang kami 2 support u





Also tagged with one or more of these keywords: sarah geronimo, the buzz, toni gonzaga

0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users