Jump to content

Photo

Sarah's sad experience helped her acting (22Nov11)

  • Please log in to reply
4 replies to this topic

#1 emerald27

emerald27

    6X Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPipPip
  • 2,012 posts

Posted 21 November 2011 - 05:59 PM

Journal Online
Nov. 22, 2011

Sarah's sad experience with Rayver helped her acting
by Jun Nardo

IPINAGPASA-DIYOS lahat ni Sarah Geronimo ang pagkabigo niya sa pag-ibig kaya naman relate na relate siya sa role niya sa second team up nila ni Gerald Anderson sa Won’t Last A Day Without You.

“Hindi naman po lingid sa kaalaman ninyo ang aking pinagdaanan sa pag-ibig. Ha! Ha! Ha! Siyempre, nakalampas na ako sa parte na may bitterness. May pain. Nakapag-move on na tayo totally! Hayun, nakatulong din sa akin ’yon. Totoo pala ’yung sinasabi nila na ’yung experiences nakakatulong as an actor. Medyo nakatulong po ’yon. Nahirapan lang ako sa part ng pagiging DJ!” pahayag ni Sarah.

Aminado siyang dumaan siya sa part na naging bitter siya sa buhay?

“Lahat naman po ng nasasaktan, ’di ba? Pero tapos na po ’yon!” iwas ng Pop Princess.

Sino ang nakatulong sa kanya upang mawala ’yon? Si Gerald ba?

“Si Lord talaga. Pinagdasal ko sa Kanya lahat! Mga kaibigan ko. Pamilya!” sagot niya.

Alin ang mas bitter, ’yung una o pangalawa?

“Kasi po… Ano ba ’yan? Paano ko ba sasagutin ’yan? Secret po! Ha! Ha! Ha Nahihiya naman akong i-divulge sa inyo… Sa akin na lang po!” pakiusap ni Sarah.

Nakatulong kay Sarah ang nangyari sa lovelife niya sa pagiging artista niya.

“Nakatulong ’yon sa depth ng acting ko as an actress kahit paano. Alam kong marami pa akong dapat matutunan dahil hindi regular ang acting assignments ko. Mas singer po tayo at mas nakikilala sa light characters na naibibigay sa akin. Sobra akong nai-inspire kay Gerald kasi ang galing-galing po niya talaga! Ang galing!” pagmamalaki ni Sarah sa kapareha.

Kung sakaling manligaw sa kanya ni Gerald, ano ang chance niya sa scale of 1-10?

“Scale pa ba natin? Ha! ha! Ha! Explain ko na lang!” hiling ni Sarah.

“Kasi po si Gerald obvious naman na napaka-good looking niya. Pero nu’ng nakilala ko siya sa set, meron pa palang iba sa good looks na ’yon. Meron siyang… Nakita ko ’yung big heart niya. ’Yung pagiging warm niya at appreciative sa mga supporters niya. Saka ang lambing-lambing niya!

“’Yon ’yung discoveries ko sa kanya na hindi ko akalaing ganoon siya. Kasi ’yung ibang male actors na nakatrabaho ko, hindi ganoon, eh. Sa kanya ko nakita ’yon. Nakakatuwa!

“Pero siyempre, nandito tayo para magtrabaho. Saka showbiz world ang ginagalawan natin. Para sa akin, kung sa ngayon, hindi muna natin ie-entertain ang ligaw-ligawan! Parang ganoon. Hindi muna time para doon. Parang ganoon din naman si Gerald. Mas focus din siya sa trabaho niya!” paliwanag ng Pop Princess.

So, ano ang scale niya kay Gerald?

“Gini-generalize ko po. Hindi lang ito kay Gerald po. Baka naman isipin ninyo na, si Sarah naman, F na F! Feel na feel! Ha! Ha! ha! Hindi naman po ako GGSS – gandang-ganda sa sarili! Ha! Ha! Ha! Ito po ay… ganun!” iwas pa niya.

Eh, si Gerald ang napag-uusapan, huh! Puwede ba siyang magbigay ng number?

“Ako…Ha! Ha! Ha! O, 10 na! Promo-promo! Ha! Ha! Ha!” diin ni Sarah.

Sa totoong buhay, takot nang umibig uli si Sarah at kung iibig muli, gusto niyang ‘yun na rin ang lalaking pakakasalan sa buhay!

http://journal.com.p...lped-her-acting

Edited by emerald27, 21 November 2011 - 06:00 PM.

#2 keimet

keimet

    Gold

  • Member
  • 184 posts

Posted 21 November 2011 - 06:17 PM

tnx for sharing.. Ang galing na rin niyang sumagot... Kakatuwa lahat at very straight ha.. Love it...

#3 arlenesmm

arlenesmm

    Double Platinum

  • Member
  • PipPip
  • 629 posts

Posted 22 November 2011 - 08:26 AM

Ewan ko ba pero habang binabasa ko ito kinikilig ako~ grabe~
what more pa kaya sa mismong movie na AT kung totohanan na diba?
Ayyiiiieee~

#4 RyAn07

RyAn07

    13X Platinum

  • Member
  • 4,104 posts

Posted 22 November 2011 - 04:14 PM

Nakakatuwa yung mga sagot niya! Kulit ni Sasa! Hahaha!

Thanks po for sharing! :)

#5 ILoveSarahGee2425

ILoveSarahGee2425

    8X Platinum

  • Member
  • 2,658 posts

Posted 22 November 2011 - 10:47 PM

Thanks for sharing

0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users