Jump to content


Photo

Sarah Pinagdarasal Pa Rin Ang Magiging BF (23Nov11)


  • Please log in to reply
3 replies to this topic

#1 emerald27

emerald27

    6X Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPipPip
  • 2,012 posts

Posted 22 November 2011 - 06:34 PM

Philstar.com
Nov. 23, 2011

Sarah Pinagdarasal Pa Rin Ang Magiging BF
by Boy Abunda


Marami ang nakapansin kay Sarah Geronimo na hawak siya nang hawak kay Gerald Anderson sa nakaraang presscon ng kanilang pelikulang Won’t Last A Day Without You. Ginanap ang nasabing presscon sa Dolphy theater ng ABS-CBN noong Linggo.

“Oo nga. Sorry. Siguro ganun po ako kapag kom­portable ako s a isang tao dahil lagi kaming mag­kasama sa set. Nagkakabiruan at nagkakakuwen­tuhan minsan kaya nadadala ako siguro,” pahayag ni Sarah.

Ayon pa sa Pop Princess ay na kay Gerald ang katangian ng isang maipagmamalaking boyfriend.

“Si Gerald napakabuti niya, noong nakilala ko siya sa set, beyond his good looks, nakita ko ’yung pagiging warm at appreciative niya sa mga suppor­ters. Hindi ko akalain na ganun siya kasi ’yung ibang actors hindi naman ganun eh so nakakatuwa,” kuwento pa ni Sarah.

Sa ngayon ay natatakot pa ang dalaga na mu­ling umibig dahil sa kanyang naranasan noon.

“Sabi ko sa sarili ko, next time na mai-in love ako, I will make sure na ipag­lalaban niya ako. Hindi ’yung ako lang, hindi ’yung babae lang ang naglalaban ng relasyon. Kailangang patunayan sa sarili ko na, ay, itong taong ito kayang harapin ’yung mga magulang ko, kaya akong ipaglaban. Mahal pala ako ng taong ito. Kailangang maging maingat, ’yun po ang natutunan ko,” paliwanag pa ni Sarah.

Ipinagdarasal talaga ng dalaga na sana ay dumating din ang tamang lalaki para sa kanya. “Naniniwala naman ako na darating din ’yan sa tamang panahon. Hindi naman ’yun basta-basta lang magkaroon ng boyfriend. Siyempre gusto natin ’yung pang-long term. Ayoko kasi ’yung papalit-palit. Masakit ’yun sa dibdib,” diretsong sabi ni Sarah. Reports from JAMES C. CANTOS

http://www.philstar....ubCategoryId=96

Edited by emerald27, 22 November 2011 - 06:35 PM.


#2 arlenesmm

arlenesmm

    Double Platinum

  • Member
  • PipPip
  • 629 posts

Posted 23 November 2011 - 04:28 AM

Philstar.com
Nov. 23, 2011

Sarah Pinagdarasal Pa Rin Ang Magiging BF
by Boy Abunda


Marami ang nakapansin kay Sarah Geronimo na hawak siya nang hawak kay Gerald Anderson sa nakaraang presscon ng kanilang pelikulang Won’t Last A Day Without You. Ginanap ang nasabing presscon sa Dolphy theater ng ABS-CBN noong Linggo.

“Oo nga. Sorry. Siguro ganun po ako kapag kom­portable ako s a isang tao dahil lagi kaming mag­kasama sa set. Nagkakabiruan at nagkakakuwen­tuhan minsan kaya nadadala ako siguro,” pahayag ni Sarah.

Ayon pa sa Pop Princess ay na kay Gerald ang katangian ng isang maipagmamalaking boyfriend.

“Si Gerald napakabuti niya, noong nakilala ko siya sa set, beyond his good looks, nakita ko ’yung pagiging warm at appreciative niya sa mga suppor­ters. Hindi ko akalain na ganun siya kasi ’yung ibang actors hindi naman ganun eh so nakakatuwa,” kuwento pa ni Sarah.

Sa ngayon ay natatakot pa ang dalaga na mu­ling umibig dahil sa kanyang naranasan noon.

“Sabi ko sa sarili ko, next time na mai-in love ako, I will make sure na ipag­lalaban niya ako. Hindi ’yung ako lang, hindi ’yung babae lang ang naglalaban ng relasyon. Kailangang patunayan sa sarili ko na, ay, itong taong ito kayang harapin ’yung mga magulang ko, kaya akong ipaglaban. Mahal pala ako ng taong ito. Kailangang maging maingat, ’yun po ang natutunan ko,” paliwanag pa ni Sarah.

Ipinagdarasal talaga ng dalaga na sana ay dumating din ang tamang lalaki para sa kanya. “Naniniwala naman ako na darating din ’yan sa tamang panahon. Hindi naman ’yun basta-basta lang magkaroon ng boyfriend. Siyempre gusto natin ’yung pang-long term. Ayoko kasi ’yung papalit-palit. Masakit ’yun sa dibdib,” diretsong sabi ni Sarah. Reports from JAMES C. CANTOS

http://www.philstar....ionSubCategoryId=96


Thank you for sharing and yes, I totally agree with sarah~ she learned her lesson and we should too~ dapat laging may basehan hindi yung sunggab lang ng sunggab~

#3 observerph

observerph

    Champion

  • Member
  • 112 posts

Posted 23 November 2011 - 06:44 PM

KOREK!

#4 ILoveSarahGee2425

ILoveSarahGee2425

    8X Platinum

  • Member
  • 2,658 posts

Posted 24 November 2011 - 08:48 PM

Thanks for sharing




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users