Jump to content


Photo

Napi-pressure! (23Nov11)


  • Please log in to reply
2 replies to this topic

#1 emerald27

emerald27

    6X Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPipPip
  • 2,012 posts

Posted 22 November 2011 - 05:09 PM

Pilipino Star Ngayon
Nov. 23, 2011

Napi-pressure!
by Aster Amoyo


Nagmistulang fans’ day ang nangyari sa general presscon na ipinatawag ng Star Cinema at Viva Films para sa balik-tambalan sa pelikula nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson na ginanap sa Dolphy Theater nung nakaraang Sabado (Nov. 19) ng tanghali sa rami ng fans na dumalo na tilian nang tilian each time may mga tanong at sagot na nakakakilig.

Kung pagbabasehan namin ang mga kilos at sagot nina Sarah at Gerald sa mga tanong na ipinupukol sa kanila ng mga dumalong entertainment writers, walang alinlangan na tila malalim na ang pagkakaibigan ng dalawa kung ikukumpara sa una nilang team-up sa pelikulang Catch Me I'm In Love.

Sa Won't Last A Day Without You ay extra close sila sa isa’t isa. Kung wala silang take ay parati silang magkausap o nagkukuwentuhan. May sharing moments pa silang dalawa.

Ayon kay Gerald, na kay Sarah ang mga katangian ng isang girlfriend na kanyang hina­hanap.

Samantala, hindi ikinakaila nina Sarah at Gerald na may kasamang pressure ang bago nilang movie na Won’t Last A Day Without You dahil sa box office record na naitala ng No Other Woman at Praybeyt Benjamin.

Ganunpaman, umaasa ang dalawa na hindi magpapabaya ang kanilang mga tagahanga tulad ng suporta na ibinigay sa kanila sa unang pelikula nung February. Kung tutuusin, napakabilis ng follow-up movie dahil nakadalawa sila ng pelikula sa loob lamang ng ilang buwang pagitan.

Maganda ang playdate ng movie nila na Nov. 30 dahil bukod sa ito’y holiday (Bonifacio Day), suweldo pa.

http://www.philstar....ubCategoryId=96

Edited by emerald27, 22 November 2011 - 06:19 PM.


#2 arlenesmm

arlenesmm

    Double Platinum

  • Member
  • PipPip
  • 629 posts

Posted 23 November 2011 - 04:34 AM

True! Anyway~ i love them both~ break a leg and God bless~
nabasa natin yan popsters~ nood tayo! Hahahaha

#3 observerph

observerph

    Champion

  • Member
  • 112 posts

Posted 23 November 2011 - 06:29 PM

November 30 YEY!

Ilang tulog na lang.

Make this the biggest opening day of any Pinoy movie ever :-) walang pasok eh!

Kawawa si Bella at Edward -- kasi andito na si DJHeidee at Andrew!!! hehehe




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users