Jump to content


Photo

Gerald: Sarah is very beautiful (23Nov11)


  • Please log in to reply
4 replies to this topic

#1 jileeanne

jileeanne

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 490 posts

Posted 22 November 2011 - 05:04 PM

Gerald: Sarah is very beautiful
Journal Online
Published : Wednesday, November 23, 2011 00:00
Written by : Tonee Coraza


Nakatakdang i-reclaim ni Sarah Geronimo ang kanyang box-office crown mula kina Anne Curtis at Cristine Reyes sa latest movie niyang Won’t Last A Day Without You.

Follow-up movie nila ito ni Gerald Anderson dahil kumita nang husto ang first team-up nila na Catch Me I’m Falling last March to the tune of P130M.

Aba natalbugan pa ng team-up nila ni Gerald ang team-up nina John Lloyd Cruz at Sarah noon, kasi may follow-up ang movie nila within the year lang!

Super-nakakakilig ang trailer ng Won’t Last A Day Without You at kitang-kita ang on-screen chemistry ng dalawa. Pero isang malaking palaisipan ang relasyon ng dalawa off-screen.

Sila ba ngayon o hindi?

Kapansin-pansin kasi ang laging paghawak ni Sarah sa braso at binti ni Gerald sa prescon ng movie.

At makikitang gustong umakbay din ni Gerald kay Sarah kung hindi lang nako-conscious ang aktor kay Mommy Divine na nasa harapan lang at nakatingin sa kanila.

Seriously speaking, inamin ni Sarah na takot pa rin siyang umibig ulit pagkatapos na walang nangyari sa dalawang una niyang pag-ibig na sina Lloydie at Rayver Cruz.

Kaya hindi niya masagot ang tanong kung sasagutin ba niya si Gerald sakali mang ligawan siya nito.

“Obvious naman na napakaguwapo ni Gerald. At nakilala ko pa siya nang husto habang nagsu-shooting kami. He has a good heart. He’s very warm and appreciative of his fans. Pero kung magmamahal ako ulit, dapat ipaglaban niya ako sa parents ko. Kasi dati, ako lang ang lumaban para sa amin, ’yung lalaki, hindi ako ipinaglaban kaya walang nangyari,” kuwento ni Sarah.

Tanong naman kay Gerald, what’s stopping him from courting Sarah?

“Sabi kasi ni Sarah, hindi pa siya ready. Ayoko naman ipilit, kasi naniniwala ako na kung mangyayari, mangyayari ’ýun. Hindi imposibleng ma-in love ako kay Sarah. Malambing siya at napakaganda niya. Ayaw nga niyang maniwala kung sinasabihan ko siyang maganda. Actually pwede ko siyang isama kahit saan at ipagyabang kahit kanino,” sagot naman ni Gerald.


Source: http://www.journal.c...-very-beautiful

#2 arlenesmm

arlenesmm

    Double Platinum

  • Member
  • PipPip
  • 629 posts

Posted 23 November 2011 - 04:31 AM

I'm starting to like Gerald not just an actor but a person too~ anyway~ so if ever na ready si sarah, liligawan nya? Hahahahaha
Thank you for sharing~

#3 jossipy

jossipy

    Champion

  • Member
  • 114 posts

Posted 23 November 2011 - 08:56 AM

sana sila nang dalawa bagay sila go gerald ligawan mo na si sarah

#4 sgruckz

sgruckz

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 497 posts

Posted 23 November 2011 - 11:03 PM

Nakatakdang i-reclaim ni Sarah Geronimo ang kanyang box-office crown mula kina Anne Curtis at Cristine Reyes sa latest movie niyang Won’t Last A Day Without You. ------ i so love this one!

#5 ILoveSarahGee2425

ILoveSarahGee2425

    8X Platinum

  • Member
  • 2,658 posts

Posted 24 November 2011 - 08:47 PM

Thanks for sharing




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users