Nov. 24, 2011
Sarah, humakot ng parangal sa ASAP Viewer's Choice Awards
by Dondon Sermino
Waging-wagi si Sarah Geronimo sa katatapos na ASAP Pop Viewers’ Choice Awards na ginanap last Sunday sa ASAP Rocks. Sa 22 categories, pito ang napanalunan ng Pop Princess.
Literal na hinakot niya ang Pop music category Pop Female Artist, Pop Song for Sino Nga Ba Siya, Pop Album para sa album niyang One Heart, at Pop Music Video para sa music video ng Sino Nga Ba Siya.
Siya rin ang nag-uwi ng Pop Cover Girl and Twittezen kahit hindi naman siya active twitter.
Ikapito ang Pop Movie Category para sa una nilang pelikula ni Gerald Anderson na Catch Me I’m In Love. Ayon sa report, nakakuha ang pelikula ng 3 million votes kumpara sa mga kalaban nilang pelikula.
Samantala, excited na si Sarah sa sisimulang project for ABS-CBN. Bukod sa nasabing show, siyempre’y sobra-sobra rin ang nararamdamang excitement ni Sarah sa bagong pelikula nila ni Gerald, ang Won’t Last A Day Without You under Star Cinema and Viva Films.
Sa trailer pa lang ng pelikula ay nakakakilig na kaya marami ang gusto nang mapanood ang pelikula.
“Mas nakakakilig po ito. Kasi po parang alam mo ‘yun, mas close na kami ni Gerald dito.
Wala nang ilangan factor. Nakakapag-usap na kami ng kami lang, maraming bonding moments,” sambit pa ni Sarah.
Actually, malaki raw ang tiwala ng mommy ni Sarah kay Gerald kaya kung dati ay nakabantay ito sa shooting ng anak, hindi na raw sa pelikulang ito.
May negosyo raw kasing inaasikaso ang sikat na ring nanay ni Sarah na si Mommy Divine.
http://www.abante.co...nt_others04.htm
Edited by emerald27, 23 November 2011 - 01:04 PM.














