Jump to content


Photo

Gerald Anderson on Sarah Geronimo: ‘Baka siya nga ‘yung babae para sa


  • Please log in to reply
20 replies to this topic

#1 WicaWicaEhEh

WicaWicaEhEh

    Gold

  • Member
  • 202 posts

Posted 27 November 2011 - 06:50 AM

Gerald Anderson on Sarah Geronimo: ‘Baka siya nga ‘yung babae para sa akin’

11/27/2011 7:10 PM


by: Bernie Franco


Posted Image


Sa The Buzz nitong November 27, na-interview ni Charlene Gonzales sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson para sa segment na “Straight From The Heart.” Ang unang tanong ng host ay kung kelan daw ba darating ang pagkakataon sa dalawang artista na uunahin nila ang pag-ibig kesa sa pamilya bilang pareho silang single ngayon. Ang tugon ni Gerald, “Hindi ba pwedeng sabay? Kasi ‘pag in-love ka gusto mo pati pamilya mo boto sa babaeng mahal mo. ‘Pag lumalabas ka kasama ang girflriend mo o babaeng mahal mo kasama sila so pwede naman nating sabay.” Dagdag pa ng binata, kung sakaling magkaroon na siya ng girlfriend ay hindi niya iyon itatago at magiging proud siya.

Sinang-ayunan naman ito ni Sarah, na kilala ring very much involved ang nanay na si Divine kung usaping pag-ibig ang paksa. “Mas gusto ko nga po syempre sabay kasi gusto natin ‘yung tanggap ng pamilya, masaya ang lahat (sa) kung sino man ang magiging (boyfriend ko),” ani Sarah. Muling magtatambal sina Sarah at Gerald sa upcoming movie na Won’t Last A Day Without You at ipapalabas sa Nobyembre 30.

Binanggit ni Charlene na sinabi ni Joey de Leon, na kasama rin sa pelikula, na si Sarah ang tipong wife material. Sumagi kaya kay Gerald na si Sarah ay ang babae para sa kanya? “Siyempre po, mas nakilala ko po si Sarah, tao din po ako (na) ‘di ko maiwasan (na maisip) minsan na baka siya nga ‘yung babae para sa akin. Kumbaga masarap kasi siyang kasama at mas nakilala ko siya. I really admire her but I don’t wanna get ahead of myself din. Mataas ang respeto ko sa kanya at sa pamilya niya.”

Kakilig-kilig din ang sagot ni Gerald nang tanungin siya kung ano sa tingin niya ang best asset ni Sarah. “Sinabi ko kasi sa kanya nung last shooting day sabi ko, ‘Napanood mo ‘yung Breaking Dawn, mas maganda ka pa kay Bella.’ Alam mo ang sinabi niya sa akin, ‘shut up!’” tawa ng binata.

Sagot naman ni Sarah, “He has a good heart. Feeling ko, nakikita ko po, nararamdaman ko din.” Physically speaking, gusto raw niya ang mukha ng aktor. “’Yung face niya talaga. Maganda talaga ang mukha niya, parang anghel.”

Pagbabahagi rin ni Sarah nakikita niya sa ina na si Divine na aprubado si Gerald. “Hindi po namin napag-uusapan pero sa nakikita ko naman po palagay naman ang loob niya kay Gerald kasi nakikita naman niya kung gaano ka-gentleman si Gerald at respectful unang-una sa mommy niya po. ‘Dun po magiging evident ‘yun eh kung mahal mo ‘yung pamilya mo nakikita niya na ‘di ganun klaseng lalaki si Gerald.”

Sa lesson in love naman, sinabi ni Sarah na pinakamaganda talaga kung hahayaang sumibol ang pag-ibig. “Base sa pinagdaanan ko mahirap pinipilit ang isang bagay dahil gusto lang natin ‘yung pagiging selfish natin (kaya) nauuwi sa gulo. So kalimutan natin ‘yon i-consider natin ang feelings ng bawat isa, especially our loved ones, ang ating pamilya, bago tayo pumasok sa isang relasyon.”

Para naman kay Gerald, ang pag-iiwan ng pagmamahal sa sarili ang pinakamagandang aral sa pag-ibig. “Magbuhos ka rin ng pagmamahal sa babae o lalaking mamahalin mo but at the same time, you leave a little bit for yourself at sa pamilya.”

http://www.push.com....e-para-sa-akin/

#2 alexcris12

alexcris12

    Champion

  • Member
  • 121 posts

Posted 27 November 2011 - 07:50 AM

dear Lord, sana maging successful ang movie...

#3 ginto

ginto

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 461 posts

Posted 27 November 2011 - 11:49 AM

dear Lord, sana maging successful ang movie...


Wag natin pabayaan. Support with all our hearts.

#4 jossipy

jossipy

    Champion

  • Member
  • 114 posts

Posted 27 November 2011 - 12:35 PM

excited na ako ang tagal pang mapalabas dito ang movie ni sarah at gerald sa union city ca.

#5 jossipy

jossipy

    Champion

  • Member
  • 114 posts

Posted 27 November 2011 - 12:38 PM

manuod tayong lahat sabi ko sa ate ko manuod siya nang first day nang movie nasa maynila siya

#6 heidzky1016

heidzky1016
  • Rising Jr. Member
  • 22 posts

Posted 27 November 2011 - 01:27 PM

sana nga po box office hit ulit..kso nbasa ko s kimerald fanpage s fb n prang by dec e me mangyayari, prang sa pagkakaintindi ko e me aaminin c kim at ge n sila ulit...sumthing gnun... wla lng kz kung dec un bka mkaapekto din s movie nila...haaaaiz. cnabi p n me prinomis s knila si ge...ive read d fb acct pero d ko xempre nilike...jeje. wg lng sna umasa dn mxado c sg, bka msaktan ulit xa e, she deserves to be happy wid sumone...

#7 IamJOBY

IamJOBY

    Champion

  • Member
  • 126 posts

Posted 27 November 2011 - 04:42 PM

Hehehe! Ok lang po yan, ndi naman po siguro makakaapekto po un sa movie po nila.. mga fans lng naman po ng kimerald ang nagsabi malay po natin gawa2x lng po nila un lam niyo naman po kung gano kadisperado ang mga kimerald fans para magkabalikan lng ung idol nila.. :D

#8 jade54

jade54

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 427 posts

Posted 27 November 2011 - 05:17 PM

okay lang kung aminin na sila na nga ulit...KAYA NGA SHOWBIZ EH DI BA.parang sina KC AT PIOLO
sa dami ng press releases hindi mo alam kung alin ang totoo aT hindi...basta ang mahalaga SUPORTAHAN
NATIN ANG WONT LAST A DAY WITHOUT YOU..SA UNANG ARAW PALANG DAPAT PILAHAN NA NATIN
SA BAWAT SINEHAN GAYA NG NANGYARI SA OPENING DAY NG A VERY SPECIAL LOVE..............

#9 sgfever

sgfever

    Triple Platinum

  • Member
  • PipPipPip
  • 940 posts

Posted 27 November 2011 - 05:44 PM

okay lang kung aminin na sila na nga ulit...KAYA NGA SHOWBIZ EH DI BA.parang sina KC AT PIOLO
sa dami ng press releases hindi mo alam kung alin ang totoo aT hindi...basta ang mahalaga SUPORTAHAN
NATIN ANG WONT LAST A DAY WITHOUT YOU..SA UNANG ARAW PALANG DAPAT PILAHAN NA NATIN
SA BAWAT SINEHAN GAYA NG NANGYARI SA OPENING DAY NG A VERY SPECIAL LOVE..............


Agree! May umamin man o wala, hindi basehan ang kung ano ang tutoo sa personal nilang buhay. Ang basehan ay kalidad ng pelikula at kung pano tayo pinasaya ng movie nina Sarah and Gerald. Pero sa ngayon, natutuwa ako kay Sasa and Gege, lalo na kay Gege, dahil very vocal ang paghanga at pagrespeto niya kay Sasa and maging sa mommy na rin niya. Kung aakyat siya ng ligaw kay Sasa in the future, mas masaya syempre ang mga fans although alam naman natin na ang dapat masunod ay kung ano ang tutoong nararamdaman nila sa isat isa. Para sa personal relationships ng bawat isa sa kanila, dapat irespeto ng mga fans kung saan at kanino sila masaya. Bilang fan ni Sarah, syempre todo suporta ako sa movie niya with Gege, may something man o wala.

Edited by sgfever, 27 November 2011 - 05:50 PM.


#10 jileeanne

jileeanne

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 490 posts

Posted 27 November 2011 - 06:04 PM

nakakatuwa talaga ang interview nila sa the Buzz kahapon.. kahit promo lang sobrang nakakakilig silang dalawa…yung mga offcam vids ang pics nila galing talaga parang meron talaga silang something….hahaha…goodluck sa movie ni sasa…

Edited by jileeanne, 27 November 2011 - 06:09 PM.


#11 Itzmetintin

Itzmetintin

    Champion

  • Rising Jr. Member
  • 59 posts

Posted 27 November 2011 - 06:28 PM

basta nood lang po tayo lahat....love u bebe ko

#12 keimet

keimet

    Gold

  • Member
  • 184 posts

Posted 27 November 2011 - 07:04 PM

It doesnt really matter kung magiging sila... Alam ko di yan makaapekto sa pelikula... Sarah prove that already to her previous movies... But ofcourse fans will be happy if sila nga sa real life...BAGAY KASI TALAGA SILA.... SABI NGA ACTION SPEAK LOUDER THAN WORDS....AYEEEEEEEE pasigaw muna...wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh :13bungi1:




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users