Erwin Santiago
Wednesday, December 28, 2011
10:44 AM
The personalities that created the loudest noise in 2011: (clockwise) Nora Aunor, Nadia Montenegro and Annabelle Rama, Mo Twister and Rhian Ramos, Willie Revillame, John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao, Piolo Pascual and KC Concepcion, Andi Eigenmann, Ramgen Revilla, Marian Rivera and Heart Evangelista, and Sarah Geronimo.
Pag-iibigan at paghihiwalay.
Pagbabati at pag-aaway.
Pagbabalik at paglisan.
Ito ang naging mukha ng Philippine showbiz ngayong 2011, na hindi naman nalalayo sa mga kaganapan noong mga nakaraang taon.
Ngunit ang nagpakulay sa mga balitang ito ay ang mga istorya sa likod ng mga ito.
Kabilang na rito ang mga istorya ng pag-iibigan at paghihiwalay—Piolo Pascual & KC Concepcion, John Lloyd Cruz & Shaina Magdayao, at Sarah Geronimo at Rayver Cruz.
Ng pagbabati at pag-aaway—Marian Rivera & Heart Evengelista, Annabelle Rama & Nadia Montenegro, at Sarah Geronimo & Cristine Reyes.
At ng pagbabalik at paglisan—Nora Aunor, AJ Perez, at Ramgen Revilla.
Alamin ang mga balitang pumasok sa listahan ng PEP.ph (Philippine Entertainmet Portal) ng sampung pinakamalalaking istorya na sinubaybayan ng publiko sa taong 2011.
---------------------------------------------------------------

9. SARAH GERONIMO
Sa unang pagkakataon ay naranasan ng Pop Princess na si Sarah Gernimo ang magmahal.
Ngunit sa una ring pagkakataon ay naranasan niyang mabigo sa pag-ibig.
Ang lalaking nagpatibok ng puso ni Sarah ay ang young actor-dancer na si Rayver Cruz.
Sa kabila ng paghihigpit ng kanyang mga magulang, hinayaan ni Sarah na maranasan ang umibig.
Pero kumpara sa karaniwang magkasintahan, naging mahirap kina Sarah at Rayver na ipakita o ipadama ang kanilang pagmamahal sa isa't isa.
Nagkakasya na lamang ang dalawa sa mga "nakaw na sandali" dahil mahigpit pang ipinagbabawal ng mga magulang ni Sarah na makipagrelasyon siya sa hindi pa tamang panahon at sa isang lalaki na, ayon sa kanyang ina, ay hindi "itinakda ng Diyos para sa kanya."
Dahil na rin sa kumplikadong sitwasyon ng kanilang relasyon, nabaling ang pagtingin ni Rayver sa sexy young actress na si Cristine Reyes—bagamat nangako ang binata kay Sarah na handa siyang maghintay para rito.
Dito unang naranasan ni Sarah kung paano mabigo sa pag-ibig.
Isang biro ang ginawa ni Sarah sa programang ASAP patungkol sa pagiging lapitin sa mga seksing babae ng mga dancer.
Nag-react dito si Cristine, sa pamamagitan ng Twitter, sa pag-aakalang siya ang pinariringgan ni Sarah.
Pagkatapos nito ay nagpalitan ng mga patutsada at batikos ang mga tagasuporta nina Sarah at Cristine sa social networking sites.
Nadawit din sa usapan ang Megastar na si Sharon Cuneta at ang young superstar na si Judy Ann Santos, na malapit na kaibigan at tagapagtanggol ni Sarah.
Pero kinalaunan ay nagpakumbaba si Sarah at siya ang unang gumawa ng hakbang upang magkaayos sila ni Cristine.
Nananatiling matatag ang relasyon nina Rayver at Cristine, samantalang si Sarah ay patuloy na namamayagpag sa kanyang career.
Idinetalye ni Sarah at ng mga taong malalapit sa kanya ang kanyang unang pag-ibig at kabiguan sa YES! March 2011 issue.
Photography: Noel Orsal
http://www.pep.ph/ph...smakers_of_2011
Edited by WicaWicaEhEh, 27 December 2011 - 07:57 PM.













