Jump to content


Photo

Sarah Geronimo admits upcoming weekly show Sarah G Live! is a &quo


  • Please log in to reply
17 replies to this topic

#1 ILoveSarahGee2425

ILoveSarahGee2425

    8X Platinum

  • Member
  • 2,658 posts

Posted 25 January 2012 - 05:19 AM

Sarah Geronimo admits upcoming weekly show Sarah G Live! is a "big responsibility"
By Nerisa Almo

Ngayon pa lang ay kinakabahan na ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo sa magiging bago niyang weekly show sa ABS-CBN, ang Sarah G. Live!.

Unang pagkakataon para sa 23-year-old celebrity na magkaroon ng sarili niyang programa.

Kaya naman nang makapanayam siya ng WPEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media noong nakaraang Huwebes, January 19, sinabi niya na isa itong malaking responsibilidad.

Bukod pa rito, nakakakaba rin daw ang magiging pagtanggap ng mga manonood sa kanya at sa programa.

"Siyempre, kinakabahan po.

"Siyempre, hindi naman po ito ASAP na marami kaming artists na magdadala.

"'Yong pangalan ko po mismo ang naka-front, Sarah G. Live!," sabi ni Sarah sa muli niyang pagharap sa press.

Ito ay naganap sa launch ng bago niyang Jollibee endorsement kanina, January 25, sa Greenmeadows, Libis, Quezon City.

Bagamat kinakabahan, tiniyak ni Sarah na, "I'll do my best po talaga.

"Talagang gagawin po namin ang lahat para mabigyan ng magandang entertainment ang televiewers natin."

Nakatakdang magsimula ang Sarah G. Live! sa February 19.

PREPARATIONS. Hindi lamang daw puro performances niya ang mapapanood ng publiko sa kanyang show.

Magkakaroon din siya ng interviews sa mga sorpresang panauhin linggu-linggo.

Paano niya ito pinaghahandaan?

"Hindi ko nga po alam kung paano!" natatawang sagot ni Sarah.

"Sabi nila, maging natural lang ako kapag nag-i-interview.

"Parang gusto lang nilang makita pa kung ano si Sarah Geronimo.

"Hindi lang as a performer, gusto pa nilang makilala ako.

"So, good luck sa akin, good luck sa mga mapapanood ninyo.

"May pagka-reality TV show."

Pagdating naman sa pangangalaga ng kanyang boses, mas nagiging maingat na si Sarah ngayon, lalo pa't mas mapapadalas ang kanyang pagpe-perform sa bago niyang programa.

Aniya, "Continuous pa rin naman po 'yong daily routine ko before singing, like mag-vocalize.

"Siyempre, mahirap naman po iwasan ang mga masasarap na pagkain, like mga sweets, medyo maaanghang at saka malalamig, so bawas-bawasan na rin 'yong mga 'yon.

"Actually ngayon, happy po ako na hindi ako nagkakaproblem sa throat ko.

"Hindi na ako masyadong nagkakasakit.

"Siguro po, nakuha ko na rin proper technique.

"At saka siguro, nabawasan na rin ang pagkanta ko ng beyond my range na songs."



"Hindi na ako masyadong nagkakasakit.

"Siguro po, nakuha ko na rin proper technique.

"At saka siguro, nabawasan na rin ang pagkanta ko ng beyond my range na songs."

BECOMING A FAMILY PERSON. Samantala, sa naturang panayam ay natanong din ng media si Sarah kung ilang taon siya, sa tingin niya, magiging isang pamilyadong tao.

Malayu-layo pa ang panahong ito para kay Sarah. "Mga five or eight years," sabi pa niya.

Gayunman, inamin niya na minsan ay naiisip niya rin ang sitwasyong tulad nito.

"Hindi natin po masabi, pero gusto ko po talaga, makapag-ipon muna at saka mag-grow pa as a person.

"Gusto ko lang naman, maging responsableng wife at magiging mother din sa mga anak ko at..."

Sa puntong ito, biglang napahinto si Sarah at saka pabirong sinabi, "Wow! Puwedeng manliligaw muna? Puwedeng manliligaw muna sa akin?"

Dagdag pa niya, "Hindi ko naman po minamadali 'yon, e."

Nang tanungin kung handa na siyang tumanggap ng mga manliligaw, sagot ni Sarah: "Sabi ko naman po sa mga past interviews ko na hindi masamang i-allow mo 'yong friendship with some guys.

"Pero 'yong relationships, parang hindi po muna."

Pahabol pa niya, "Siguro kung papayagan ako ng parents ko."

ON GERALD ANDERSON. Kinumusta naman ng PEP ang pagiging magkaibigan nila ni Gerald.

Matatandaan na noong nakaraang taon, nagkasama sila sa dalawang pelikula—ang Catch Me I'm In Love at Won't Last a Day Without You.

Sa kanilang ikalawang pelikula, mas naging matindi ang pagbibiro sa kanilang dalawa na umano'y bagay maging magkapareha.

Nabigyan pa ito ng kulay nang lumabas ang balitang nakatanggap si Sarah ng isang Tiffany necklace mula kay Gerald bilang Christmas gift.

(CLICK HERE
to read related article.)

Sabi ni Sarah sa PEP, "Hindi ko pa nga po siya nakikita po, e.

"Katatapos lang ng bakasyon ko.

"Natutuwa naman po ako, na kahit tapos ang pelikula namin, nandoon pa rin ang friendship.

"Masaya, masaya naman po."

Aprub ba si Gerald sa Mommy Divine niya?


"Okay lang naman po. Nakita naman po niya na si Gerald ay okay katrabaho," maikling sagot ni Sarah.

Source; http://m.pep.ph/mobile/

Sorry mods double post;(

Edited by ILoveSarahGee2425, 25 January 2012 - 05:21 AM.


#2 outrigger

outrigger

    One SG Force

  • Moderator
  • 15,154 posts

Posted 25 January 2012 - 06:19 PM

Thanks for sharing!

The concepts sounds good so far...sana talaga ma-execute nang maayos. :D

#3 Itzmetintin

Itzmetintin

    Champion

  • Rising Jr. Member
  • 59 posts

Posted 25 January 2012 - 07:26 PM

sana nga po....basta support lang tau sa kanya...sna maraming commercials para magtagal.....love u bebe ko

#4 anjanela

anjanela

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 316 posts

Posted 25 January 2012 - 08:54 PM

handa na po kami,

#5 kherrie

kherrie

    Gold

  • Member
  • 195 posts

Posted 25 January 2012 - 10:03 PM

Can't wait for her new show.........

#6 jileeanne

jileeanne

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 490 posts

Posted 25 January 2012 - 10:30 PM

naku grabe parang antagal pa ng hihintayin natin...pwede sa sunday na i-air ang show ni sarah...

#7 ashert06

ashert06

    6X Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPipPip
  • 1,970 posts

Posted 26 January 2012 - 01:33 AM

tnx po 4 sharing...
tanging wish ko lang e maging super successful ang kalabasan ng SarahGLive at magtagal pa ito ng maraming dekada..sana rin madagdagan pa ang oras

#8 RyAn07

RyAn07

    13X Platinum

  • Member
  • 4,104 posts

Posted 26 January 2012 - 02:04 AM

Ang tagal naman mag-start! Excited na ako para dito eh. :)

#9 batchie49

batchie49

    Gold

  • Member
  • 299 posts

Posted 26 January 2012 - 02:46 AM

excited for this one! :)

#10 jade54

jade54

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 427 posts

Posted 26 January 2012 - 03:27 AM

BASTA ANG DASAL KO LANG SA BAGONG SHOW NI SARAH
NA SANA AY MAGING MAINGAT AT PAGHANDAAN ANG BAWAT
EPISODES.KASI KAPAG NAKITANG MAGANDA ITO MAS MARAMING
PAPASOK NA COMMERCIALS AT MAS TATAGAL ANG SHOW
NG MORE THAN 1 2 OR 3 SEASONS....

#11 rosarah

rosarah

    Quintuple Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPip
  • 1,627 posts

Posted 26 January 2012 - 05:51 AM

excited much s bagong show ni sarah!

:sarah4ever:

#12 altheosi

altheosi
  • Jr. Member
  • 11 posts

Posted 26 January 2012 - 08:28 AM

dapat g-force lan ung backup dancrs.hahaha.lalong KILLABOT nun.




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users