GERALD, SERYOSO SA PANLILIGAW KAY SARAH
Parents ni Sarah, maganda ang pakikitungo kay Gerald
Mukhang nauwi na talaga sa totohanan ang love team nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson matapos silang magsama sa dalawang pelikula.
Kung ang pagbabasehan ay ang kuwentong nasagap namin sa isang mapagkakatiwalaang source, sineryoso na talaga ni Gerald ang panliligaw niya kay Sarah.
[/left]
Kuwento ng aming source, dumadalaw-dalaw na si Gerald sa bahay nina Sarah. Hindi naman daw madalas, pero nakailang beses na itong bumisita sa Popstar Princess.
Nagsimula raw nakipag-close si Gerald kay Sarah pagkatapos maipalabas ang movie nila last year.
Nag-start daw sa mga pa-text-text hanggang sa magpaalam daw ito sa parents ng actress-singer na kung puwede siyang bumisita kay Sarah.
Dahil nga maganda naman daw ang pakiusap ni Gerald at nakikita naman daw ng pamilya ni Sarah ang marespetong pakikitungo ng actor kay Sarah, pinayagan na raw itong dumalaw sa dalaga.
Mabait daw si Gerald at magalang kaya pinakikitunguhan daw ito ng maayos ng mga magulang ni Sarah. ‘Yun nga lang, may time limit ang pagdalaw ni Gerald sa bahay ng actress-singer dahil may mga maaga itong schedules ng trabaho kinabukasan.
Kaya hindi na kami nagtaka nu’ng mabalitang binigyan ng tiffany jewelry si Sarah ni Gerald dahil nga ang dalaga ang pinakamalapit sa puso nito ngayon.
Naisip na rin naming puwedeng mauwi sa mas malalim na samahan ang nabuong friendship nina Sarah at Gerald habang ginagawa nila ang movie dahil sa mga magagandang messages nila sa isa’t isa.
Bagama’t hindi pa masabi ng aming source kung gaano kalaki o kaliit ang chance ni Gerald na sagutin ni Sarah, ‘pag nagtiyaga lang daw ang young actor ay baka muling buksan ng huli ang kanyang puso.
Ang importante ngayon, sabi pa ng aming source, maayos ang pakikitungo ng parents ni Sarah kay Gerald.













