Jump to content


Photo

Gerald Anderson refuses to give details about his Valentine's date


  • Please log in to reply
9 replies to this topic

#1 Tita Daze

Tita Daze

    9X Platinum

  • Member
  • 2,857 posts

Posted 16 February 2012 - 07:26 PM

Gerald Anderson refuses to give details about his Valentine's date with Sarah Geronimo
Rose Garcia
Friday, February 17, 2012
11:02 AM

Posted Image"

Ipinakilala kagabi, February 16, si Gerald Anderson bilang bagong endorser ng clothing line for men na Mint.

Marami ang nagulat sa hakbang na ito ng Kapamilya actor dahil simula pa lang ng showbiz career niya ay identified na siya sa Bench, ang clothing line na pinamamahalaan ni Ben Chan.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang taga-press si Gerald sa launch niya kagabi, ang unang itinanong sa kanya kung hindi ba siya nahirapang magpaalam sa Bench na lilipat na siya ibang clothing line.

"Mahirap. Siyempre, doon ka nagsimula," pag-amin ng young actor.

Bagamat hindi na nagbigay ng detalye si Gerald, sinabi niyang, "Sobra po tayong thankful sa Bench. Isa sa pangarap ko ang natupad.

"After ng PBB [Pinoy Big Brother], nakasama ko sila. Sobra akong kinilig at natuwa nang makita ko ang billboard ko sa Edsa.

"And like I've said, sobra akong thankful nakasama ako sa family nila.

"And now, I have my new family and masaya ako sa pamilya ko."

Ano ang dahilan bakit siya nagdesisyong lumipat ng ini-endorse na clothing line?

"Well, yung mga sinabi ko sa kanila, na may mga charity projects kami na gagawin...

"Yun nga, for the growth of being endorser and change. Change sa buhay, pagbabago," sagot ni Gerald.

May usap-usapan na kaya siya umalis sa Bench ay dahil gusto na raw niyang tuluyang makawala sa loveteam nila ni Kim Chiu.

Gaya kasi ni Gerald, endorser din si Kim ng naturang clothing brand at madalas silang magkasama sa pictorials para rito.

Mariin itong itinanggi ng Budoy star.

Aniya, "Ay, hindi naman.

"Hindi rin po maiwasan, at parang kahit anong explanation ko siguro, may mag-iisip ng ganoon.

"But, siguro kailangan kong tanggapin yun."

Pero diin ni Gerald, "Hindi po yun ang dahilan talaga at matagal na rin akong inaabangan ng Mint, and sobra akong natuwa na natuloy rin."

Bukod kay Gerald ay endorser din ng Mint ang kapwa niya Star Magic talent na si Xian Lim.

Hindi ba nagkaroon ng pag-aalinlangan si Gerald na makasama sa isang endorsement si Xian, na ngayo'y nali-link kay Kim?

Sagot agad niya, "Hindi... kumbaga, dapat maging professional tayong lahat.

"Huwag nating ipasok ang mga personal issues natin sa mga ganitong klase ng proyekto.

"Magkasama kami sa mga upcoming fashion shows."

VALENTINE'S DATE WITH SARAH. Isa pang inusisa ng press kay Gerald kagabi ay ang nababalitang pagiging malapit nila ngayon ng singer-actress na si Sarah Geronimo.

Hindi na masasabing pang-promo lamang ang pag-uugnay sa dalawa dahil matagal nang naipalabas ang huling pelikula na pinagtambalan nila, ang Won't Last A Day Without You (2011).

Bukod dito, wala silang bagong proyektong pagsasamahan dahil si John Lloyd Cruz ang sunod na makakapareha ni Sarah sa pelikula.

Lalo pang lumakas ang haka-haka na may namamagitan na kina Gerald at Sarah dahil sa pag-amin ng young actor na sila ang magkasama noong nakaraang Valentine's Day.

Ito ay pagkatapos manood ni Sarah ng concert ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez na Mr. & Mrs. A sa Araneta Coliseum noong February 14.

Pero ayon kay Gerald, grupo naman silang lumabas at nag-KTV. Kasama raw nila ang kapatid at mga magulang ni Sarah.

Ngunit ayaw nang magbigay ng detalye ni Gerald sa nangyaring "Valentine's date" nila ni Sarah.

Aniya, "Huwag na lang siguro tayong mag-detalye.

"Kumbaga, personal life ko na yun. Wala naman pong connection din yun sa Mint o sa Budoy.

"Okay na yun. Basta, tapos na po yun.

"Masaya ako at, sana, naging masaya rin po kayo sa Valentine's Day ninyo."

IS HE COURTING SARAH? Sa seryosong usapan, nililigawan na nga ba ni Gerald si Sarah?

Sagot ng binata, "Kumbaga, hindi lang nakasama ko si Sarah sa Valentine's Day, ibig sabihin, nagmamadali kami.

"Kumbaga, single siya, single ako. Wala naman pong masama do'n."

Pero nakakadalaw at nakakapunta na siya sa bahay nina Sarah?

"Nakapunta ako sa bahay nila, yes, it's true.

"Hinatid ko ang gift ko at mataas po ang respeto ko sa kanya at sa buong pamilya niya."


Sa pagkakakilala ng marami sa mga magulang ni Sarah, nais ng mga ito na makilala ang lalaking may intensiyon na ligawan ang anak nila.

Dumaan ba si Gerald sa proseso na nagpaalam at kinausap niya ang mga magulang ni Sarah, partikular na si Mommy Divine?

Sagot ng Kapamilya actor, "Sa ngayon, friends kami... friends kami.

"At yun po ang pinaka-malinaw do'n, friends kami at pareho kaming single.

"So, wala rin pong masama do'n.

"Kung magkaroon man ng opportunity in the future na lalabas kami, okay naman, wala namang masama do'n," saad ni Gerald.

Sa kanyang palagay, ano ang meron siya na sa pagkakataong ito ay pinagkakatiwalaan siya ni Mommy Divine na makasama ang anak nito?

"Hindi po siguro ako ang dapat tanungin diyan," nakangiting sagot ni Gerald.

"I'm just really happy na, yun nga, binibigyan ako ng opportunity na makasama ko si Sarah at buong pamilya.

"Okay na po yun."

HAPPY FOR EACH OTHER. Sabi ni Sarah sa isang interview, magiging masaya siya kung sakaling magkaroon man ng ibang karelasyon si Gerald.

Ano ang reaksiyon dito ng young actor?

"Of course, yun din po, like I've said, in the sense na friends pa rin po kami, ganoon din ako sa kanya.

"Siyempre, gusto rin natin na maging masaya siya.

"Pero yun, okay na po yun."

Pero masaya ba siya kay Sarah?

"Masaya po ako na nakikilala ko siya."

Paano siya napapasaya ni Sarah?

"Simpleng pagsasama lang na kung ano ang mga bonding moments kapag magkasama kami."

Ano ang mga nagustuhan niya kay Sarah?

"Yung ugali niya, yung pagkatao niya."

Kung sakali, nakahanda ba siyang harapin ang lahat ng posibleng pagsubok para lang mapagtagumpayan niya ang pag-ibig ni Sarah?

"Tingnan natin," sambit niya.

"Ayoko naman sabihin na oo agad, 'tapos alam mo yun... you know, we have to take it slow.

"Okay na po yun, kumbaga, kung may bagong update, pag-usapan natin.

"Pero sa ngayon, ayoko pong maging selfish dahil nasa presscon po tayo ng Mint.

"At siyempre, marami rin ang nagpakahirap sa shoot na ito at ayokong magpaka-selfish lang sa personal na buhay ko."

Bagamat iniiba na ni Gerald ang topic, hindi pa rin siya tinantanan ng entertainment press tungkol sa kanila ni Sarah.

May pressure ba siyang nararamdaman ngayong sila na talaga ni Sarah ang inili-link sa isa't isa?

Pero halatang umiiwas talaga si Gerald na sagutin ang tanong dahil ibinaling niya ang kanyang sagot sa pinagbibidahang teleserye sa ABS-CBN.

Aniya, "Ang pressure na iniisip ko ngayon ay kung paano namin matatapos angBudoy nang maayos.

"Yun po, doon ako naka-focus. Three weeks na lang po.

"Siyempre, gusto namin na maging maganda ang ending namin sa mga supporters ng Budoy.

"Kaya nga po ayokong maging selfish na ang pag-usapan natin ay ang personal na buhay ko dahil marami rin ang nagpakahirap sa taping."

Pero hindi natinag ang press. Tinanong siya kung yung pagpunta ba niya sa bahay nila Sarah ay panliligaw na ba o kinikilala pa lang niya ang Pop Princess?

"Kinikilala ko pa lang," sagot naman niya.

Nang tanungin siya tungkol sa Tiffany necklace na iniregalo niya kay Sarah noong Christmas ay muling napatiklop si Gerald sa pagsagot.

"Ibalato n'yo na lang po sa akin yun," pakiusap niya.

Sa pagkakataong ito kaya ay papayag si Gerald na pakialaman ng kanyang fans ang tungkol sa lovelife niya?

"Siyempre po, hindi," sagot niya.

"Ibinubuhos ko naman po sa lahat sa trabaho, sa taping, sa mga shows na ginagawa ko para po matuwa sila.

"Siguro po, huwag na po tayong maging selfish; ang personal ko, ang lovelife ko, akin na lang yun."

May nararamdaman ba siyang pressure mula sa mga fans?

"Wala naman po, wala naman.

"Like I've said, ibinibigay ko naman po lahat sa trabaho.

"Pero sana, yung personal life ko po, sa akin naman po yun."

#2 IamJOBY

IamJOBY

    Champion

  • Member
  • 126 posts

Posted 17 February 2012 - 03:08 AM

Wow! Ang galing kahit group date un.. pero date pa rin un.. :D ikaw na ge!

#3 outrigger

outrigger

    One SG Force

  • Moderator
  • 15,154 posts

Posted 17 February 2012 - 04:29 AM

ah well, it's a start. :D thanks for sharing! :)

#4 RyAn07

RyAn07

    13X Platinum

  • Member
  • 4,104 posts

Posted 17 February 2012 - 05:10 AM

Thanks po for sharing! :)

#5 Tita Daze

Tita Daze

    9X Platinum

  • Member
  • 2,857 posts

Posted 17 February 2012 - 04:46 PM

Here is the video version but just part of the interview.



#6 Tita Daze

Tita Daze

    9X Platinum

  • Member
  • 2,857 posts

Posted 17 February 2012 - 04:47 PM

MF DL

http://www.mediafire...lg9jujlxh90vpq0

#7 EselEscapo

EselEscapo

    Champion

  • Rising Jr. Member
  • 53 posts

Posted 17 February 2012 - 05:31 PM

OMG tama naman c GE ehh.....??? pero i like him ksi pinapakita tlaga nya na mlaki talaga ang respito sa Geronimo's Family
:11sgMuni:

#8 cherylc

cherylc

    Gold

  • Member
  • 258 posts

Posted 17 February 2012 - 06:13 PM

first date nila was with friends and family... hmmmmm... good sign :) praying for the best of them! thanks for sharing!

#9 ashert06

ashert06

    6X Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPipPip
  • 1,970 posts

Posted 17 February 2012 - 10:01 PM

tnx po 4 sharing...

#10 jileeanne

jileeanne

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 490 posts

Posted 19 February 2012 - 05:58 PM

thanks for sharing po... :)
pag PEP talaga...detailed ang interview....




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users