SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon)
February 17, 2012
Dalawang taon na palang no rice diet ang young actress na si Jessy Mendiola.
Kaya naman ang perfect ng kurba ng katawan niya, tamang-tama sa edad niya.
Disiplinado rin siya sa pagkain at regular ang bisita sa gym. At naisasabay pa niya ang pag-aaral. At siyempre, active ang showbiz career at on the side, may negosyo na pala siya. May franchised siya ng Bubbatea Licious sa The Loop ng ABS-CBN. Almost two years na raw ang nasabing negosyo pero ngayon lang siya ginawang endorser.
Samantala, malabo nang ma-link sina Jessy at Gerald Anderson ngayong open na ang tungkol kina Gerald at Sarah Geronimo.
Nababaitan naman siya kay Sarah dahil everytime na magkikita raw sila sa ASAP parati siya nitong binabati. “Okay naman. Kung talagang sila, eh ‘di sila,” say niya.
Para raw silang sina John Lloyd at Bea Alonzo ni Gerald dahil hindi talaga sila puwedeng ma-link pero click silang magka-loveteam. “Masaya na ako na nag-partner kami, ‘yung fans niya mabait sa akin. At kahit nali-link kami ay nandun pa rin ang professionalism,” dagdag ng pretty young actress.
After ng Budoy may gagawin agad teleserye si Jessy sa ABS-CBN.
Link: http://www.philstar....ubCategoryId=96
Edited by jileeanne, 16 February 2012 - 05:12 PM.













