Jump to content


Photo

Sarah, iPad ang b-day gift kay Gerald! ‘Babe’ kay Gerald, walang m


  • Please log in to reply
9 replies to this topic

#1 emerald27

emerald27

    6X Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPipPip
  • 2,012 posts

Posted 08 March 2012 - 08:38 AM

Abante Online
March 09, 2012


Sarah, iPad ang b-day gift kay Gerald!
‘Babe’ kay Gerald, walang meaning kay Sarah!
ni Rey Pumaloy


Ikinagulat ni Sarah Geronimo ang paglabas sa media ng birthday gift niya kay Gerald Anderson bago pa ang eksaktong araw ng binata nu’ng March 7.


Kitang-kita namin sa expression ng mukha ni Sarah ang pagkagulat nu’ng matanong namin siya tungkol sa iPad na nabalitang ibinigay niya sa aktor.


Na-interview namin si Sarah matapos ang taping niya sa The Library last Tuesday para sa mga susunod na episode ng bago niyang show ang Sarah G. Live. Nagkataong naka-set kami nu’ng gabing ‘yon at isa sa mga nakipagbiruan kay Sarah ay si Erik Santos na guest niya sa taping na ‘yon.


Dalawang beses tinanong ni Sarah sa amin kung sinabi ba ni Gerald ang tungkol sa regalo niya.

Sagot namin sa kanya, nabasa lang namin sa PEP ang tungkol sa regalo niya kay Gerald.



Hindi makapaniwala si Sarah na lalabas sa media ang tungkol sa regalo niya, kaya panay ang tanong niya sa akin kung sinabi ba talaga ni Gerald ang tungkol sa kanyang regalo.

Pero, napangiti lang si Sarah at sinagot na rin nito ang tanong namin kung bakit iPad ang gift niya kay Gerald.



“Kasi nga nagulat ako na wala pa siyang ganun. Eh, mahilig din sa music ‘yung tao. So, naisip ko na bigyan siya ng iPad,” sabi niya.

Tanong ulit namin kay Sa­rah, hindi ba dapat ilabas sa publiko ang gift niya kay Gerald?

“Hindi naman. Ok naman po kahit i-reveal. Wala naman pong masama roon,” nakangiting sabi niya.

Anyway, mula nu’ng mabalita ang tungkol sa effort ni Gerald na mapalapit kay Sarah, marami na ang pumabor at umaasang magkakatuluyan sila. Hindi pa man, marami na ang kinikilig sa kanila.

“Siyempre, happy ako na may napapakilig kami sa tandem namin,” saad ni Sarah.

Sa huling presscon ni Gerald para sa Mint, na­ging matipid ito sa pagsagot tungkol sa pagiging malapit nila ni Sa­rah. Sinabi rin nito na kung sakaling magkaroon man siya ng susunod na karelasyon, hindi siya masyadong magi­ging open sa media.

Ganu’n din ba ang paniniwala ni Sarah?

“Lahat naman po tayo gusto natin may privacy tayo. Kahit naman ‘yung mga normal na tao, mga non-showbiz gusto natin may privacy, especially pag personal life na natin.

“Pero sa ngayon, ayo­ko munang isipin kasi hindi pa naman ako magbu-boyfriend anytime soon, eh.”

Eh, kelan siya magbu-boyfriend?

“Kapag ready na ako. Hindi pa po ako ready, eh,” tugon niya.

Ano ang masasabi mo na parang ingat na ingat si Gerald sa iyo?

“Alam niyo po si Gerald, isa po talagang… Ayoko pong magpadala kami sa pressure na parang kailangang magligawan, or maging kami na.

“Gusto ko ‘yung tao, mabait po, ‘di ba? Pero gusto ko mag-grow po muna ang friendship namin na makilala ko talaga siya at makilala rin niya ako kung sino talaga ako.”

Naging controversial ang “BABE” na itinawag ni Sarah kay Gerald. Pero, ayon kay Sarah, ang pinanggalingan daw ng “BABE” ay si Judy Ann Santos.

“‘Yun po ang tawag talaga sa akin ni Ate Juday. Tapos, minsan naglolokohan kami na ‘yung baby girl ganyan, baby boy ganyan. So, ‘yun lang po ‘yun,” esplika niya.

Wala raw ibang kahulugan ang “BABE” na itinawag niya kay Gerald. Pero, kitang-kita sa part ni Gerald na kinilig ito sa tawag na ‘yon ni Sarah.

“Nakakatuwa ang friendship namin.”

Teka, paano ba siya napapasaya ni Gerald?

“Ahmmm…wala, ‘yung company lang po niya at saka ‘yung ano…” pabiting sagot niya.

“Basta gusto ko lang po na ano… Gusto ko na maging magkaibigan kami na walang ligawan, na walang best foot forward na walang expectation. Gusto ko maging normal na maging magkaibigan kami.”

Samantala, nanguna sa ratings sa Sunday slot ang pilot telecast ng Sarah G. Live.

“Ay, sobra po kaming natuwa lahat. Thank you kay Lord!” bulalas na lang ni Sarah.

http://abante.com.ph...0912/ent_rp.htm


------------------------------------------------------------------------

Journal Online
March 09, 2012

SOMETHING SPECIAL BETWEEN SARAH AND GERALD
by Aster Amoyo


FOR two consecutive Sundays ay napanood ng publiko ang presence ni Gerald Anderson sa musical-variety show ng pop princess na si Sarah Geronimo, ang “Sarah G. Live.” Una sa taped VTR sa isang yate kung saan sinorpresa ni Gerald si Sarah at pangalawa ang paglabas niya sa programa nang hindi rin inaasahan ng dalaga. Kung pagbabasehan ang kanilang mga kilos, there is something special na namamagitan sa dalawa at hindi puwedeng tawagin na plain na magkaibigan lang sila.

In a way, wala namang magiging problema dahil pareho naman silang unattached and available at higit sa lahat, they both inspire each other na siya namang mahalaga sa isang relasyon o pagkakaibigan.

http://journal.com.p...the-philippines

Edited by emerald27, 08 March 2012 - 09:15 AM.


#2 ate G

ate G

    Popster

  • Moderator
  • 7,496 posts

Posted 09 March 2012 - 05:02 AM

thanks for sharing. hanggat maaari ayaw kasi i broadcast ni Sarah yung mga ganun bagay kaya lang madami lang talaga makulit sa showbiz...hehehe pero wala din naman masama na malaman nila. Di lang talaga sanay si Sarah.

#3 mitchlayno

mitchlayno

    Champion

  • Rising Jr. Member
  • 57 posts

Posted 09 March 2012 - 10:27 AM

Thanks for sharing! I do get what Sarah wants out of the friendship. We all want them to be together because they honestly look good together. But I admire her more because of her stand, she only wants to be sure that she's ready and Gerald's ready for a romantic relationship that will last, that will only lead to the altar. Both of them wants to be sure and not only Sarah is in it for the long haul but Gerald as well. For her, it's no fairy tale especially in the kind of business that their both in. It's hard to tell which is real or not. There is definitely nothing wrong with that. Love does wait. We should all give that respect, stop bombarding them with questions about there love life. It is part of being a celebrity I get it, but it shouldn't be a question to ask every 15 sec. If we admire them, love them as artists, support them with their projects and support them by respecting their wishes.

#4 SasaGegeForever

SasaGegeForever

    Gold

  • Member
  • 203 posts

Posted 09 March 2012 - 10:52 AM

Thanks for sharing :)

I understand Sasa's side.. syempre gusto naman ng lahat na may privacy lalo na sa lovelife.. But anyway, okay lang un..Bagay sila kahit saang anggulo tignan..

#5 ARNOLD

ARNOLD

    6X Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPipPip
  • 1,884 posts

Posted 09 March 2012 - 06:29 PM

Thank you for sharing! :)

#6 Edwinab

Edwinab

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 403 posts

Posted 09 March 2012 - 06:55 PM

Siguro yung mga nakapaligid kay Ge nagsabi ng gift, coz di ba ayaw nga niyang sabihin kay Kris, or siguro si Kris Aquino ang nag reveal... Noong lumabas yung gift, I thought that Ge contacted Sa and asked her kung okay i reveal, kaya lumabas.
Bakit ganon, iba ang sinasabi nila, iba ang action, iba ang nakikita natin... kakalito naman

#7 EselEscapo

EselEscapo

    Champion

  • Rising Jr. Member
  • 53 posts

Posted 09 March 2012 - 08:36 PM

ito lng... I love them both,,, :52sgThumb:

#8 batchie49

batchie49

    Gold

  • Member
  • 299 posts

Posted 12 March 2012 - 05:03 AM

I like to see them together but I agree that they should first make their friendship's foundation stronger. :)

#9 kknavarro

kknavarro

    Champion

  • Member
  • 100 posts

Posted 12 March 2012 - 05:31 PM

thanks po for sharing.
kung sila tlga ang para sa isat isa, sila tlga. bsta pgpray nlng ntn na mkamit na ni sasa ang true love nya, c gege man un o ndi. gnun dn ky gege,pg pray ntn xa.
sa ngaun hapi cla sa kung an0ng me0n cla kea magng hapi tau para s knila..

#10 ARNOLD

ARNOLD

    6X Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPipPip
  • 1,884 posts

Posted 12 March 2012 - 06:51 PM

I like to see them together but I agree that they should first make their friendship's foundation stronger. :)


Korek!




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users