Jump to content


Photo

Gerald Anderson says hed rather not put a label on his relationship w


  • Please log in to reply
4 replies to this topic

#1 sgfever

sgfever

    Triple Platinum

  • Member
  • PipPipPip
  • 940 posts

Posted 31 March 2012 - 09:59 AM

Gerald Anderson says he’d rather not put a label on his relationship with Sarah Geronimo
4/01/2012 12:26 AM
by: Bernie Franco



Posted Image

Posted Image

Posted Image

Sa isang recent interview, nagbiro si Gerald Anderson na bukod sa kanyang handler at ina, si Sarah Geronimo raw ang madalas niyang nakakausap, patunay na constant ang communication ng dalawa. Sinabi rin niya na habang wala pa siyang proyekto ay maglalagak siya ng mas maraming oras para kay Sarah upang makapag-usap.

Nagsama na ang dalawa sa dalawang pelikula at wala pa raw balita kung pagsasamahin uli sila for the third time. “Wala pa po akong naririnig pero ‘yon maymovie po siya (Sarah) with Lloydy (John Lloyd Cruz) and ‘yun ang isa sa mga dapat nating abangan sa ngayon,” sagot ni Gerald.

Hindi pa rin matigil-tigil ang mga ispekulasyon kung ano na ba ang tunay na namamagitan sa kanila ni Sarah, kung may relasyon na ba sila o wala. “Hindi naman po kailangang lagyan ng label,” hirit ni Gerald. “Ako ine-enjoy ko kung ano ang inspiration na ibinbigay sa akin ni Sarah. Dahan-dahan lang. Ine-enjoy ko lang, siguro kaming dalawa ine-enjoy lang namin. Kung anong meron kami ngayon so ‘yun, ‘di kami nagmamdali, ‘di namin pine-pressure ang isa’t-isa.”

Nag-guest si Gerald sa The Buzz noong March at doon niya unang inamin na nililigawan na niya si Sarah. Naitanong sa PopStar Princess kung napanood niya ang nasabing episode at kung ano ang reaksyon niya rito. “Napanood ko po, ayun basta masaya po ako kung ano ‘yung meron kami‘yung friendship namin at totoo ‘yon na naging close kami at talagang iingatan ko po ‘yung closeness na meron kami ngayon,” sagot ng singer-actress.

Optimistic din si Sarah na napatunayan nila na hindi lang promo ang kanilang closeness gaya ng komento ng mga ilang detractors dahil gumawa sila ng pelikula earlier this year. “Vina-value ko po ‘yung nabuongfriendship sa amin kahit tapos na po ‘yung pelikula naming. Ako sabi ko naman sa kanya (Gerald) kung saan siya magiging happy nandidito lang ako [para] sa kanya,” ani Sarah.

Dagdag pa ni Gerald, kahit ang kanilang mga fans at mga tagasubaybay ay nakikita nila ang totoong special treatment nila sa isa’t-isa. “Siguro ‘yon din ang maganda sa amin kasi kung ano ‘yung nakita nila sa stagetotoo din, mas bonded kami ngayon. Mas madalas ‘yung communication naming dalawa,” paglalarawan ni Gerald. “Mas nakilala ko po siya at gayundin din siguro siya. Ini-enjoy na po namin ‘yung moment, ini-enjoy ko po ‘yung friendship na ibinibigay niya sa akin so yeah hindi na kailangang lagyan ng label.”

Kung excited din daw ang mga fans nila sa growth nila ay excited din daw si Gerald. “Excited din po ako kung anong merong growth na pwedeng mangyari sa amin. Masaya po ako sa growth namin.

Diretso namang sinabi ni Sarah ni napapasaya talaga siya ni Gerald ngayon. Sa tanong kung paano daw ba nila napapasaya ang isa’t isa, sagot ng aktor, “Siguro minsan nag-uusap kami kung paano niya ako nakikilala, mas malalim pa, kumbaga, habang tumatagal mas lalong lumalalim ang friendship namin. Like I said at the end of the day kung friendship ho ako sa kanya panalo pa rin ako sa kanya and no turning back for me.”

After his teleserye Budoy, tinupad ni Gerald ang sinabi niyang magpapahinga talaga siya. Sinubukan na raw niya ang maraming sports gaya ng cliff diving, scuba diving, at bungee jumping at marami pa raw siyang gagawin. Pero for the time being, kasama muna siya sa Star Magic Tour sa US kasama ang iba pang Star Magic stars


http://www.push.com....sarah-geronimo/
[/left]

Edited by sgfever, 31 March 2012 - 10:07 AM.


#2 Caralee

Caralee
  • Rising Jr. Member
  • 19 posts

Posted 02 April 2012 - 01:42 AM

I agree that it’s much better not to put label on their status now. It’s a matter of the hearts that only these two people could define. I must admit that I, too, am excited for the development between them. We understand because in many ways, we ourselves have experienced this feeling that no words by others would suffice to describe. But labeling would just subject this beautifully growing relationship to more negative than good. As true avid supporters, we have the responsibility to protect them, respect their decisions and heed to their consistent request that “please do not insist, we want to take it slow because what we have is special.” It is human nature that for whatever we are thinking, for every imagination that is playing in our minds, we want confirmation. But now let us love the mystery and enjoy this journey with them. Besides, do we really need confirmation? We have eyes and we have hearts, therefore we understand, right? :)

#3 YANCYT

YANCYT

    Gold

  • Member
  • 169 posts

Posted 07 April 2012 - 03:24 PM

thanks for sharing

#4 kknavarro

kknavarro

    Champion

  • Member
  • 100 posts

Posted 09 April 2012 - 02:45 AM

thanns po for sharing ;)

#5 L_sg1625

L_sg1625

    8X Platinum

  • Member
  • 2,501 posts

Posted 11 April 2012 - 11:08 PM

Kilig <3 <3 <3 Thanks po for sharing... I only wish the best for Sarah :) Basta yung taong mamahalin at aalagaan talaga siya :)




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users