Jump to content


Photo

Sarah Geronimo feels honored to be compared to Jessica Sanchez; wants


  • Please log in to reply
12 replies to this topic

#1 ILoveSarahGee2425

ILoveSarahGee2425

    8X Platinum

  • Member
  • 2,658 posts

Posted 09 May 2012 - 04:16 AM

Sarah Geronimo feels honored to be compared to Jessica Sanchez; wants to fall in love with Gerald Anderson not only for his good looks By Monching Jaramillo (Pep.ph)
05/09/12 04:51 pm

Nagkaroon ng presscon kaninang tanghali, May 8, sa City Best restaurant sa Tomas Morato, Quezon City para sa birthday concert ni Sarah Geronimo na 24/SG.

Gaganapin ang concert sa July 7 sa Smart-Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Magdiriwang naman ng kanyang ika-24 na kaarawan si Sarah sa July 25.

Sa naunang panayam bago sumalang ang Pop Star na si Sarah sa general presscon, kaya niya sinasabing dream concert ito dahil, "May pagka-fairy tale. ‘Tapos may pagka-theatrical din po.

"Gusto ko po theatrical. Ayoko po ng pareho ng past concerts ko na ginawa namin na parang buma-variety [show] ng konti.

"Even yung mga spiels, gusto ko yung mas ano… mas spontaneous siya."

"May mga concepts po kami na malaki. Malaki talaga.

"Parang mapapagastos po tayo, Uy!" natawa niyang pahayag.

"Gusto po naming yung the best talaga na maibigay… ma-offer sa audience.

"And dapat different talaga siya do’n sa show po namin naSarah G. Live kasi parang mini-concert na nga po yun.

"So, parang may pagka-fantasy po."

ACHIEVEMENTS THIS PAST YEAR? Ano ang masasabi niyang malaking achievent sa kanyang sarili noong nakaraang taon?

"Siguro yun pong no’ng mag-aral ako sa U.S.

"Sandali lang naman po yun… nag-voice lessons ako at nag-dance lessons.

"Kasi mahirap po talagang maisingit yung schedule ko, pero nagawa ko na finally."

Sa personal na aspeto naman ng kanyang buhay...

"Siguro yung ano, continuous pa rin po yung studies ko. Napapagpatuloy ko pa rin naman po.

"Pagdating naman sa matters of the heart, uhm… siguro the past year naiwasan ko muna na na-break ko yung heart ko.

"May mga nagustuhan akong tao, pero naingatan ko naman po. Parang hindi pa ['ko] ready no’ng time."

Bakit "mga"?

Paliwanag ni Sarah, "Kasi siyempre po, meron kang mga nakakasama sa show.

"Di ba po, parang hindi mo maiwasan na magustuhan yung taong mga nakakatrabaho mo? Lalo na kapag mababait, di ba?

"Secret po na lang…" pakiusap niya nang usisain kung sinu-sino ang mga ito.

Atubili niyang pagpapatuloy, "Yung mga ano ko, naging ano… mga napalapit sa puso ko. Ganyan.

"Mga kaibigan ko na po, pero parang ano… Pa’no ba? Okay na yun!" sabay tawa niya.

HER MOM? Magbe-beinte kuwatro na siya sa kanyang kaarawan...

"Ako naman, si Mommy, e… may trust naman na sa 'kin si Mommy, e, di ba? Nasa sa akin na yun.

"Kumbaga, may sarili din naman po akong isip. May sarili din naman akong puso.

"At eventually, I know na ile-let go din naman ako ni Mommy 'pag nakita niya sa akin na mature na rin akong mag-isip… emotionally… physically?" tawa niya nang malakas.

BIRTHDAY WISH? Ano ang kanyang birthday wish?

"Siguro po wisdom na lang.

"Wisdom kasi ito yung stage ng buhay ko na gusto ko maging independent, kasi tumatanda na po ako, e.

"Basta yun. Wisdom po. Isa lang.

"Mahirap maging independent kapag nasanay ka na po talaga.

"Sa lahat ng bagay na ginagawa ng magulang mo para sa ‘yo. Hahanap-hanapin mo yun talaga.

"At maninibago ka talaga kapag ikaw na lang yun naiwan sa sitwasyon na yun.

"Pero kailangan ko pong matutunan yun, e. Kailangan kasi kawawa po ako pagka hindi ko natutunan ‘yan."

Ano ba ang konsepto niya ng "independence" na sinasabi niya?

"Konsepto ko? Hindi naman..." yung magsasarili talaga ang ibig niyang tukuyin.

"Yung ano ka lang… kumbaga, may conviction ka. Yung alam mo yung mga makakabuti sa 'yo.

"Hindi kasi lahat ng happiness, e, makakabuti din sa 'yo. Ayaw mo din maging selfish.

"Ano ba ‘yan? Bigat naman ng presscon!" hagikhik niya nang mapansing seryoso ang kanyang mga nagiging kasagutan.

"Hindi... hindi ko pa po kayang magsolo. Hindi ko po kaya pang malayo sa mga magulang ko. Sa mga kapatid ko.

"Wala pa po sa plano ko yun, pero… paano ba?

"Siguro yung maging mas responsible lang ako… uhm, sa trabaho ko."

SIMILARITIES WITH JESSICA SANCHEZ? Marami ang nagsasabi na malaki raw ang pagkakahawig nila ng American Idol finalist na si Jessica Sanchez.

Pero si Jessica ay kailangan muna daw i-makeover, hindi gaya ni Sarah na maganda na raw.

"Hindi. Jessica is beautiful in her own way," pagdedepensa niya kay Jessica.

"A, napakaganda ni Jessica, napakagaling na singer.

"At saka it’s an honor pagka sinasabi na may resemblance kami. Sa mata, e."

Tama nga raw na hawig sila sa mata at huwag daw sa ilong.

"Matangos po ilong no’n. Nakita ko," depensa niya ulit sa 16-year-old American Idol top four contestant.

GERALD ANDERSON. Nabaling naman ang usapan sa totoong estado ng relasyon nila ni Gerald Anderson. Kumusta na ba sila?

"Siguro po masasabi ko, ano… basta espesyal po sa 'kin yung tao.

"Hindi po kami, totoo po ‘yan.

"At ayoko po talagang madaliin kasi may mga takot din po ako at sabi niya, may mga takot din naman po siya.

"So, hindi po talaga namin minamadali itong bagay na ito.

"Kasi ayaw din namin na magkakasakitan kami.

"Kasi yung friendship din na talagang napakaimportante po no’n sa akin, e.

"Kumbaga, mawala na lahat, ‘wag lang yung friendship kasi yun talaga yung magla-last. Yun talaga.

"Gusto ko po mas makilala pa namin ang isa’t isa.

"Mahalin ko hindi yung good looks niya kundi yung ganda ng ugali niya... ng puso niya.

"Kasi, guwapo niya, di ba? So, ayokong tumingin sa pisikal ho.

"So, it takes time para malaman namin kung ano talaga yung feelings namin sa isa’t isa."

RAYVER CRUZ. Tanong naman ng isang entertainment writer kung ano ang masasabi niya sa sinabi diumano ng kanyang ex-boyfriend na si Rayver Cruz na gusto umano siyang balikan ng binata.

Ayon daw sa binata, ito ay dahil sa iilan na lang ang dalagang Filipina na gaya ni Sarah na hanggang holding hands lang ang kayang ibigay.

Ibig sabihin ay konti na lang ang kasing-hinhin daw ni Sarah.

"Ayoko na pong mag-comment. No comment na lang po," nangingiting pakiusap ng Pop Star.

Sakali, iimbitahan ba niya si Rayver sa kanyang darating na concert?

"Everybody’s welcome naman po to watch sa concert ko," tugon niya.

Okay sa kanya, pero payag ba naman ang kanyang Mommy Divine?

"Basta bibili ng ticket!" sabay bungisngis niya.

#2 ranjay822

ranjay822

    8X Platinum

  • Member
  • 2,503 posts

Posted 09 May 2012 - 04:16 AM

just want to share..from PEP.ph

http://www.pep.ph/ne...-his-good-looks

#3 outrigger

outrigger

    One SG Force

  • Moderator
  • 15,154 posts

Posted 09 May 2012 - 04:30 AM

can't wait for 24/SG! :D sana yung mga concepts na naisip nila, the production team would be able to translate it well sa actual. personally, medyo disappointed kasi ako sa record breaker. the stage looked so plain. sana dito all-out bongga. it's what sarah and her audience deserve. :)

#4 SGSuperb

SGSuperb

    Champion

  • Member
  • 141 posts

Posted 09 May 2012 - 05:23 AM

thanks for sharing. Excited na for 24/SG. :)..

#5 iyah_ronquillo

iyah_ronquillo

    Gold

  • Member
  • 209 posts

Posted 09 May 2012 - 12:38 PM

Sarah Geronimo feels honored to be compared to Jessica Sanchez; wants to fall in love with Gerald Anderson not only for his good looks By Monching Jaramillo (Pep.ph)
05/09/12 04:51 pm

Nagkaroon ng presscon kaninang tanghali, May 8, sa City Best restaurant sa Tomas Morato, Quezon City para sa birthday concert ni Sarah Geronimo na 24/SG.

Gaganapin ang concert sa July 7 sa Smart-Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Magdiriwang naman ng kanyang ika-24 na kaarawan si Sarah sa July 25.

Sa naunang panayam bago sumalang ang Pop Star na si Sarah sa general presscon, kaya niya sinasabing dream concert ito dahil, "May pagka-fairy tale. ‘Tapos may pagka-theatrical din po.

"Gusto ko po theatrical. Ayoko po ng pareho ng past concerts ko na ginawa namin na parang buma-variety [show] ng konti.

"Even yung mga spiels, gusto ko yung mas ano… mas spontaneous siya."

"May mga concepts po kami na malaki. Malaki talaga.

"Parang mapapagastos po tayo, Uy!" natawa niyang pahayag.

"Gusto po naming yung the best talaga na maibigay… ma-offer sa audience.

"And dapat different talaga siya do’n sa show po namin naSarah G. Live kasi parang mini-concert na nga po yun.

"So, parang may pagka-fantasy po."

ACHIEVEMENTS THIS PAST YEAR? Ano ang masasabi niyang malaking achievent sa kanyang sarili noong nakaraang taon?

"Siguro yun pong no’ng mag-aral ako sa U.S.

"Sandali lang naman po yun… nag-voice lessons ako at nag-dance lessons.

"Kasi mahirap po talagang maisingit yung schedule ko, pero nagawa ko na finally."

Sa personal na aspeto naman ng kanyang buhay...

"Siguro yung ano, continuous pa rin po yung studies ko. Napapagpatuloy ko pa rin naman po.

"Pagdating naman sa matters of the heart, uhm… siguro the past year naiwasan ko muna na na-break ko yung heart ko.

"May mga nagustuhan akong tao, pero naingatan ko naman po. Parang hindi pa ['ko] ready no’ng time."

Bakit "mga"?

Paliwanag ni Sarah, "Kasi siyempre po, meron kang mga nakakasama sa show.

"Di ba po, parang hindi mo maiwasan na magustuhan yung taong mga nakakatrabaho mo? Lalo na kapag mababait, di ba?

"Secret po na lang…" pakiusap niya nang usisain kung sinu-sino ang mga ito.

Atubili niyang pagpapatuloy, "Yung mga ano ko, naging ano… mga napalapit sa puso ko. Ganyan.

"Mga kaibigan ko na po, pero parang ano… Pa’no ba? Okay na yun!" sabay tawa niya.

HER MOM? Magbe-beinte kuwatro na siya sa kanyang kaarawan...

"Ako naman, si Mommy, e… may trust naman na sa 'kin si Mommy, e, di ba? Nasa sa akin na yun.

"Kumbaga, may sarili din naman po akong isip. May sarili din naman akong puso.

"At eventually, I know na ile-let go din naman ako ni Mommy 'pag nakita niya sa akin na mature na rin akong mag-isip… emotionally… physically?" tawa niya nang malakas.

BIRTHDAY WISH? Ano ang kanyang birthday wish?

"Siguro po wisdom na lang.

"Wisdom kasi ito yung stage ng buhay ko na gusto ko maging independent, kasi tumatanda na po ako, e.

"Basta yun. Wisdom po. Isa lang.

"Mahirap maging independent kapag nasanay ka na po talaga.

"Sa lahat ng bagay na ginagawa ng magulang mo para sa ‘yo. Hahanap-hanapin mo yun talaga.

"At maninibago ka talaga kapag ikaw na lang yun naiwan sa sitwasyon na yun.

"Pero kailangan ko pong matutunan yun, e. Kailangan kasi kawawa po ako pagka hindi ko natutunan ‘yan."

Ano ba ang konsepto niya ng "independence" na sinasabi niya?

"Konsepto ko? Hindi naman..." yung magsasarili talaga ang ibig niyang tukuyin.

"Yung ano ka lang… kumbaga, may conviction ka. Yung alam mo yung mga makakabuti sa 'yo.

"Hindi kasi lahat ng happiness, e, makakabuti din sa 'yo. Ayaw mo din maging selfish.

"Ano ba ‘yan? Bigat naman ng presscon!" hagikhik niya nang mapansing seryoso ang kanyang mga nagiging kasagutan.

"Hindi... hindi ko pa po kayang magsolo. Hindi ko po kaya pang malayo sa mga magulang ko. Sa mga kapatid ko.

"Wala pa po sa plano ko yun, pero… paano ba?

"Siguro yung maging mas responsible lang ako… uhm, sa trabaho ko."

SIMILARITIES WITH JESSICA SANCHEZ? Marami ang nagsasabi na malaki raw ang pagkakahawig nila ng American Idol finalist na si Jessica Sanchez.

Pero si Jessica ay kailangan muna daw i-makeover, hindi gaya ni Sarah na maganda na raw.

"Hindi. Jessica is beautiful in her own way," pagdedepensa niya kay Jessica.

"A, napakaganda ni Jessica, napakagaling na singer.

"At saka it’s an honor pagka sinasabi na may resemblance kami. Sa mata, e."

Tama nga raw na hawig sila sa mata at huwag daw sa ilong.

"Matangos po ilong no’n. Nakita ko," depensa niya ulit sa 16-year-old American Idol top four contestant.

GERALD ANDERSON. Nabaling naman ang usapan sa totoong estado ng relasyon nila ni Gerald Anderson. Kumusta na ba sila?

"Siguro po masasabi ko, ano… basta espesyal po sa 'kin yung tao.

"Hindi po kami, totoo po ‘yan.

"At ayoko po talagang madaliin kasi may mga takot din po ako at sabi niya, may mga takot din naman po siya.

"So, hindi po talaga namin minamadali itong bagay na ito.

"Kasi ayaw din namin na magkakasakitan kami.

"Kasi yung friendship din na talagang napakaimportante po no’n sa akin, e.

"Kumbaga, mawala na lahat, ‘wag lang yung friendship kasi yun talaga yung magla-last. Yun talaga.

"Gusto ko po mas makilala pa namin ang isa’t isa.

"Mahalin ko hindi yung good looks niya kundi yung ganda ng ugali niya... ng puso niya.

"Kasi, guwapo niya, di ba? So, ayokong tumingin sa pisikal ho.

"So, it takes time para malaman namin kung ano talaga yung feelings namin sa isa’t isa."

RAYVER CRUZ. Tanong naman ng isang entertainment writer kung ano ang masasabi niya sa sinabi diumano ng kanyang ex-boyfriend na si Rayver Cruz na gusto umano siyang balikan ng binata.

Ayon daw sa binata, ito ay dahil sa iilan na lang ang dalagang Filipina na gaya ni Sarah na hanggang holding hands lang ang kayang ibigay.

Ibig sabihin ay konti na lang ang kasing-hinhin daw ni Sarah.

"Ayoko na pong mag-comment. No comment na lang po," nangingiting pakiusap ng Pop Star.

Sakali, iimbitahan ba niya si Rayver sa kanyang darating na concert?

"Everybody’s welcome naman po to watch sa concert ko," tugon niya.

Okay sa kanya, pero payag ba naman ang kanyang Mommy Divine?

"Basta bibili ng ticket!" sabay bungisngis niya.

thanks po for sharing!:)....nkakaloka ang mga tanong ha!...hehe...I love it that she's praying for Wisdom, tama yun, parang c King Solomon lang, Wisdom from God...ILY S!:)

#6 iyah_ronquillo

iyah_ronquillo

    Gold

  • Member
  • 209 posts

Posted 09 May 2012 - 01:31 PM

nkakainit ng ulo mga ibang comments sa PEP...hindi ko maiwasang sumama ang loob...hay..but I respect their opinion..hindi ko lang maiwasang ma-sad bat ganun sila mag isip..walang tinatapakang tao si S,hay buhay.:(

#7 cicima

cicima

    Hall of Famer

  • Member
  • 23,374 posts

Posted 09 May 2012 - 03:45 PM

Thanks ILSG for sharing.

sobrang excited ako para sa inyong makakapanood ng 24/SG.....bukod sa basta SarahG concert ay
laging maganda, itong concert niya sa July 7 ay something new hindi lang sa mga prod#s kung hindi
sa "SarahG" na mapapanood sa gabing iyon.....sensual & sexy!!! I love it!!!

#8 SasaGegeForever

SasaGegeForever

    Gold

  • Member
  • 203 posts

Posted 09 May 2012 - 03:57 PM

Thanks for sharing :)

Kakaloka ung mga tanong ng mga taga press ha..haha..pero carry naman ni Sasa eh... :)

#9 ARNOLD

ARNOLD

    6X Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPipPip
  • 1,884 posts

Posted 09 May 2012 - 05:19 PM

Thank you for sharing! :D

#10 RyAn07

RyAn07

    13X Platinum

  • Member
  • 4,104 posts

Posted 09 May 2012 - 05:50 PM

Thanks po for sharing! :)

#11 jenahin

jenahin
  • Jr. Member
  • 13 posts

Posted 09 May 2012 - 08:34 PM

Thanks for sharing

#12 lhalha asher

lhalha asher

    Gold

  • Member
  • 172 posts

Posted 10 May 2012 - 04:54 AM

Natawa naman ako as "Basta bumili ng ticket"..haha..Iba ka tlga S...




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users