Jump to content


Photo

Gerald, mahalagang-mahalaga sa puso ni Sarah (10May12)


  • Please log in to reply
9 replies to this topic

#1 ILoveSarahGee2425

ILoveSarahGee2425

    8X Platinum

  • Member
  • 2,658 posts

Posted 09 May 2012 - 04:38 PM

Gerald, mahalagang-mahalaga sa puso ni Sarah
ALLAN DIONES
abante-tonite.com

PANAY ang bungisngis ni Sarah Geronimo kahapon nang usisain siya ng press kung kamusta na sila ng ‘Babe’ niyang si Gerald Anderson.
“Siguro po, masasabi ko na ano, basta espesyal po sa akin ‘yung tao (Gerald),” simulang tsika ni Sarah sa open forum sa presscon para sa birthday concert niyang 24/SG (sa Araneta Coliseum sa Hulyo 8).
“Hindi po kami (ni Gerald). Totoo po ‘yan. At ayoko po talagang madaliin. Kasi, may mga takot din po ako at sabi niya, may mga takot din siya.
“So, hindi po natin minamadali itong bagay na ito. Kasi, ayaw din po naming magkasakitan kami. At saka ‘yung friendship po namin, napa­kaimportante po nu’n sa akin, eh.
“Kumbaga, mawala nang lahat, huwag lang ‘yung friendship. Kasi, ‘yun talaga ‘yung nagla-last. So, gusto ko po na talagang mas makilala pa namin ang isa’t isa.
“Mahalin po hindi ‘yung good looks niya, kundi ‘yung ganda ng ugali niya, ‘yung puso niya.
“Kasi, ang guwapo niya, ‘di ba? Ha! Ha! Ha! So, ayokong tumingin sa pisikal po. And it takes time para malaman namin talaga kung ano ‘yung feelings namin sa isa’t isa,” bulalas ng blooming na Popstar Princess.
***
Tinuloy namin ang pang-uurirat kay Sarah after ng Q&A portion. Aminado ang dalaga na kakaiba ang mga nararanasan niya ngayon kay Gerald kumpara sa na-experience niya sa ibang guys na naugnay sa kanya before.
“Ito pong mga nangyayari sa akin ngayon, ‘yung pagdating ni Ge rald sa buhay ko, kumbaga, siya pa lang ‘yung la laking gumagawa ng mga ibang bagay na ‘yon para sa akin.
“Like ‘yung pumunta sa bahay, hinarap talaga ang mga magulang ko. At sobra ko pong naa-appreciate ‘yon,” nakangiting dayalog ng 23-anyos na singer-actress-TV host.
So, masasabi niyang masugid na nanliligaw sa kanya ngayon si Gerald?
“Sana, sana po. Ako’y sobrang masaya po sa efforts niya po, na tala­gang pumupunta siya sa bahay.”
Madalas bang du malaw sa house niya si Gege?
“Hindi po madalas. Kailan nga ba? Ha! Ha! Ha!”
Mga once a week, gano’n?
“Hindi po, eh. Sana once a week! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Sasa.
Ayon kay Sarah, siya ang nagpapaalam sa mga magulang niya tuwing dadalaw sa bahay si Gerald.
Totoo bang mas maluwag na ngayon ang kanyang Mommy Divine at tila tina-trust nito si Ge rald?
“Kumbaga, mas relaxed na po siya ngayon. At saka ang maganda kasi sa relationship namin ni mommy ngayon, ‘pag may gusto ako, halimbawa…
“Kasi, hiyang-hiya talaga ako noon. Until now, hirap na hirap akong magpaalam. Kasi siyempre, hindi naman po kami gano’n. Kumbaga, bago lahat ‘yon na may pumupunta na lalaki sa bahay.”
Pero nasasanay na ngayon si Mommy Divine dahil sa ginagawa ni Gerald?
“Hindi ko alam. Ha! Ha! Ha!”
Si Gege lang ba ang exclusive na dumadalaw sa kanya at hindi na siya nag-e-entertain pa ng ibang suitors?
“Wala namang ibang suitors, eh! Ha! Ha! Ha!” natatawang sagot ni Sasa.
“Wala naman akong ibang e-entertain-in. At saka ayoko po ng gano’n, na iba-iba. Ayoko nu’ng nagpapaasa, parang gano’n.”
***
Kung may nararamdaman si Sarah para kay Gerald, pero hindi pa ‘yun LOVE, ano ‘yun?
“Dyusko po! Eh kasi, as much as gusto ko pong may masabi sa inyong lahat, may mga bagay na gusto kong itago sa sarili ko.
“Basta, ano po, masaya ako sa kung anuman ‘yung meron po kami ngayon,” pakli ng dalaga.
Kailan niya ba ibibigay ang puso niya kay ‘Babe’?
“Ha! Ha! Ha! Siyempre, marami pa po kaming kailangang pagdaanan. May mga makakatrabaho siya, may mga makakatrabaho rin ako.
“Kailangan na ming maging sure sa nararamdaman po namin sa isa’t isa bago po kami pumasok sa isang relasyon.
“Nakakapag-usap naman po kami, na kami lang sa bahay. Okey naman po lahat. Kumbaga, okey na po ito. Kesa wala! Alam mo ‘yon?
“Basta, ‘yung gesture niya po na pumupunta sa bahay para harapin ‘yung mga magulang ko, ‘yun ‘yung importante po, eh.”
At kinikilig siya du’n?
“Nakakataba po ng puso ‘yung gano’n. Pero ayoko rin pong masyadong matuwa. Siyempre po, ‘di ba?
Kasi, masakit ‘yon ‘pag masyado kang natuwa, tapos nawala sa ‘yo. Dapat iga-guard natin ang heart natin.”
Bakit niya ba iniisip na mawawala sa kanya? Eh kung hindi naman mawala?
“Eh ‘di bongga! Ha! Ha! Ha! Ha!”
So, hindi niya pa talaga sinasagot si Gege?
“Hindi pa po. Ganda, ‘no? Ganda ko, ‘no?! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Eh MU, may unawaan na ba sila?
“Hhmmm… Basta, mahalagang-mahalaga po siya sa akin bilang kaibigan. At sabi ko nga sa kanya, ‘yung friendship namin, ‘yun ang hindi mawawala.
“Mas importante ‘yon kesa sa possible na romance o kung anuman ‘yung puwedeng mangyari sa amin.”
Pero MAHAL na niya si Gege?
“Hi! Hi! Hi! Nahiya naman po ako…
“May feelings po ako sa kanya. Espesyal po siya para sa akin. Pero nakakahiya lang po on my part.
Kasi, babae po ako, hindi ko naman po masasabi sa inyo lahat ng nararamdaman ko,” sagot ni Sasa.
Gaano kaespesyal si Gerald sa kanya? Special na puwedeng sabihin na more than a friend?
Tumango nang slight si Sarah at dinugtungan ‘yon ng “Less than lovers.”
So, ang ibig sabihin ng ‘SG’ sa pamagat ng concert niya na 24/SG ay ‘Sarah-Gerald’ o ‘Sasa-Gege’?!
“Sasa-Gege? Puwede rin!! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Hirit pa namin kay Sarah, dapat ay sa Hulyo 24 (bisperas ng kanyang 24th birthday) niya sagutin si Gerald para 24 ang petsa ng anniversary ng Sasa-Gege, so pasok na pasok ang ‘24/SG.’ Tawa lang siya nang tawa.
Hindi pa alam ni Sarah kung sinu-sino ang mga guest niya sa 24/SG sa Hulyo 7, pero kung puwede, sana raw ay mag-guest sa concert niya si Gerald.

http://www.abante-to.../showbiz_ad.htm

#2 RyAn07

RyAn07

    13X Platinum

  • Member
  • 4,104 posts

Posted 09 May 2012 - 05:51 PM

Thanks po for sharing! :)

#3 lhalha asher

lhalha asher

    Gold

  • Member
  • 172 posts

Posted 09 May 2012 - 06:04 PM

Thnx po for sharing...

#4 outrigger

outrigger

    One SG Force

  • Moderator
  • 15,154 posts

Posted 09 May 2012 - 06:07 PM

<div style="font: small/normal arial; color: rgb(0, 0, 0); text-transform: none; text-indent: 0px; letter-spacing: normal; word-spacing: 0px; white-space: normal; orphans: 2; widows: 2; font-size-adjust: none; font-stretch: normal; -webkit-text-size-adjust: auto; -webkit-text-stroke-width: 0px;">Thanks for sharing! :)</div>
<div style="font: small/normal arial; color: rgb(0, 0, 0); text-transform: none; text-indent: 0px; letter-spacing: normal; word-spacing: 0px; white-space: normal; orphans: 2; widows: 2; font-size-adjust: none; font-stretch: normal; -webkit-text-size-adjust: auto; -webkit-text-stroke-width: 0px;"> </div>
<p><span style="font: small/normal arial; color: rgb(0, 0, 0); text-transform: none; text-indent: 0px; letter-spacing: normal; word-spacing: 0px; float: none; display: inline !important; white-space: normal; orphans: 2; widows: 2; font-size-adjust: none; font-stretch: normal; -webkit-text-size-adjust: auto; -webkit-text-stroke-width: 0px;">Nakakaaliw basahin ang interview na to. :lol: Yes, tama lang na di magpadala si Sarah sa pressure and be rushed into things. Let things come naturally. ;)</span></p>


#5 clarins

clarins

    Champion

  • Member
  • 98 posts

Posted 09 May 2012 - 11:10 PM

She's very naive but I hope one day, she'd be with the person who will truly love her. She deserves to be happy.

#6 SasaGegeForever

SasaGegeForever

    Gold

  • Member
  • 203 posts

Posted 09 May 2012 - 11:47 PM

Thanks for sharing :)

I hope she will be happy whatever decision she will make....:)

#7 SGSuperb

SGSuperb

    Champion

  • Member
  • 141 posts

Posted 10 May 2012 - 12:44 AM

Yes she should take time and know the person well. Enjoy nila what they have now. Who ever that person is definitely very lucky iba kasi magmahal c SARAH G....:)

#8 sarahglover95

sarahglover95
  • Jr. Member
  • 12 posts

Posted 10 May 2012 - 06:55 AM

ayy! nakusobrang kilig talaga ako sa mga answers ni SASA , ibang iba na sa mga dating nterviews niya :) i love you SARAH G. ikaw na talaga at wala ng ibang mkakatalo sa beauty at galing mo, pati na sa lovelife mo swerte ka rin , umaapaw mga blessings mo sa buhay at family mo , nasasayo na ang lahat :) i hope u don't change,stay as you are and be humble always :))) I DO HOPE BEFORE YEAR 2012 ENDS "YOU AND GERALD ANDERSON" WILL OFFICIAL COUPLE , ciguro yung mga tao dito sa PILIPINAS NA HUMAHANGA SA IYO AT SA INYONG DALAWA sobrang happy :)))

#9 batchie49

batchie49

    Gold

  • Member
  • 299 posts

Posted 11 May 2012 - 07:56 AM

hehe..hindi ako kinilig..hindi talaga.. hihi

#10 jileeanne

jileeanne

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 490 posts

Posted 11 May 2012 - 08:35 PM

sarah is so blessed because she always put God first in everything she does.... :)




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users