Jump to content


Photo

Ayon sa survey ng Cartoon Network, Sarah at Charice pinaka-favorite ng


  • Please log in to reply
8 replies to this topic

#1 sgfever

sgfever

    Triple Platinum

  • Member
  • PipPipPip
  • 940 posts

Posted 18 June 2012 - 02:55 AM

Ayon sa survey ng Cartoon Network, Sarah at Charice pinaka-favorite ng mga batang Pinoy
SHOW-MY Ni Salve Asis(Pilipino Star Ngayon) Updated June 18, 2012 12:00 AM

Posted Image


Si Sarah Geronimo pala ang nag-No. 1 sa study na isinagawa ng Cartoon Network na favorite singer ng mga batang may edad seven to 14 years old para sa kanilang New Generations 2012 survey.

As in tinalbugan pa niya sina Justin Bieber na pang third lang, pang-fourth si Taylor Swift at pang-lima si Bruno Mars.

Pero pumangalawa si Charice na merong 8% ayon sa report ng Cartoon Network. Nakakuha ng 14% si Sarah.

Gustong malaman ng Cartoon Network ang preference and lifestyles ng mga Pinoy kids kaya nagsagawa sila ng survey sa pamamagitan ng face to face interviews sa mga bata sa Metro Manila, Cebu, at Davao.

A, B, C, D ang socio-economic classes ng mga batang kinausap nila, ayon sa report.

Anyway, kulang-kulang isang buwan na lang pala ang 24/SG concert, ang birthday concert ni Sarah Geronimo.

Sa July 7 ang unang gabi at may repeat agad-agad sa July 21 – parehong Sabado.

Kaya naman bisi-bisihan na si Sarah sa rehearsal dahil ipinangako nga niyang kakaibang concert ang magaganap sa Big Dome.

“Dream concert po ito. So, may mga concept po kami na talagang malaki, malaki talaga, magastos po. Pero siyempre gusto po talaga namin maibigay, ma-offer ’yung the best para sa audience. Dapat different po talaga siya sa show po namin na Sarah G. Live,” sabi ni Sarah G.

Kakaiba raw dahil mala-fantasy/fairytale-like theme na matagal nang gustong gawin ni Sarah.

“Mas visual po ito,” dagdag ng actress-TV host-singer.

Dahil dream concert ito kaya hands-on siya. Sumasama siya sa meetings at ’pag may suggestions siya naisasama sa kabuan ng concept ng 24/SG.

Ayaw pang i-reveal ni Sarah kung sinu-sino ang magiging guest niya pero kinikilig-kilig siya. Hmmm, parang alam na natin kung sino sila.

Si Gerald Anderson kaya ’yun? O si John Lloyd Cruz?

Kahit kasi may balitang naudlot ang ‘relasyon’ nila ni Gerald, mukhang OK pa raw lalo nga’t balitang hindi na matutuloy ang pagsasamahang serye nina Gerald at Kim Chiu bilang si Xiam Lim uli ang partner niya sa gagawin niyang teleserye.

Ang balita kasi, namimili na si Gerald ng gagawing serye after ng matagumpay na Budoy.
Ganyan.

Eh kung sila na lang kaya ni Sarah ang pagsamahin sa isang serye?

http://www.philstar....rticleId=818357

#2 outrigger

outrigger

    One SG Force

  • Moderator
  • 15,154 posts

Posted 18 June 2012 - 03:55 AM

congrats, Sarah G! :T

thanks for the article contributions, sgfever!

#3 jinx_luv_sarah

jinx_luv_sarah

    Quintuple Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPip
  • 1,795 posts

Posted 18 June 2012 - 04:46 AM

thanks 4 sharing...ikaw na talaga sarah g :yahoo: :yahoo: :yahoo:

#4 SGSuperb

SGSuperb

    Champion

  • Member
  • 141 posts

Posted 18 June 2012 - 05:23 AM

Thanks for sharing...:)

Iba pag SARAH G. Even before naman kids love her.

#5 ARNOLD

ARNOLD

    6X Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPipPip
  • 1,884 posts

Posted 18 June 2012 - 06:23 AM

Salamat sa pagshaaaare! :)

#6 iyah_ronquillo

iyah_ronquillo

    Gold

  • Member
  • 209 posts

Posted 18 June 2012 - 12:37 PM

thank you po for sharing!:)...


excited nako sa concert!:)

#7 SasaGegeForever

SasaGegeForever

    Gold

  • Member
  • 203 posts

Posted 18 June 2012 - 10:49 PM

Thanks for sharing :)

kaw na talaga Sasa :)

Go go go

#8 ILoveSarahGee2425

ILoveSarahGee2425

    8X Platinum

  • Member
  • 2,658 posts

Posted 19 June 2012 - 04:59 PM

thanks for sharing! Posted Image

#9 ashert06

ashert06

    6X Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPipPip
  • 1,970 posts

Posted 05 July 2012 - 07:31 PM

tnx po 4 sharing...
sana nga magsama sina sasa-gege sa isang teleserye..sana iremake nila ang meteor garden..bagay na bagay kasi sa kanila lalo na kay bebe sarah..




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users