Jump to content


Photo

Gerald, mas inuna ang trabaho kesa kay Sarah (23Jul12)


  • Please log in to reply
1 reply to this topic

#1 sgfever

sgfever

    Triple Platinum

  • Member
  • PipPipPip
  • 940 posts

Posted 22 July 2012 - 05:57 PM

Gerald, mas inuna ang trabaho kesa kay Sarah
SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda(Pilipino Star Ngayon) Updated July 23, 2012 12:00 AM

Sa July 25 ay ipagdiriwang ni Sarah Geronimo ang kanyang ika-dalawampu’t apat na kaarawan. Noong Sabado ay muling napuno ang Smart Araneta Coliseum para sa ikalawang gabi ng 24/SG concert ng Pop Princess. Humataw ng husto si Sarah sa stage kasama ang mga espesyal na panauhin katulad nina Basil Valdez, Anja Aguilar, Bamboo, at ang kanyang Daddy Delfin.
Nagkaroon ng kaunting aksidente habang ginagawa ni Sarah ang isang production number pero ipinagpatuloy pa rin ng dalaga ang kanyang pagkanta.

“Sa And I Am Telling You, ’yung may na-skip ako na step. Medyo ano lang, baka may pasa ng konti pero okay lang. Hindi ko naapakan ’yung isang step, dumiretso ako. Saka ’yung pyro nakain ko, pero okay lang ’yun. The show must go on, hayaan na natin, at least nag-enjoy tayo. At least, nandito sila lahat para magbigay ng suporta, okay na ’yun,” nakangiting pahayag ni Sarah.

Matatandaang pinakilig ni Gerald Anderson ang lahat ng mga tagahanga nila ni Sarah sa unang gabi ng nasabing concert noong July 7 pero noong Sabado ay hindi na nanood ang binata kaya maraming nagtanong sa singer kung bakit hindi nakarating si Gerald.

“Wala, baka may commitment siya o may trabaho. Hindi na kailangang magpaalam na kung hindi siya makakarating. Siyempre nandito tayo para sa mga audience natin,” makahulugang sagot ni Sarah.

Hindi man nakarating noong Sabado ay binati naman ni Gerald si Sarah sa ASAP 2012 kahapon.

“Happy Birthday Babe,” maikling mensahe ng binata.

Pinakilig din nina Sarah at Ge­rald kagabi ang mga tagahanga nang mag-guest ang binata para sa special birthday celebration ng singer sa Sarah G Live. Reports from JAMES C. CANTOS


http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=830334&publicationSubCategoryId=96

#2 sarsmiami

sarsmiami

    12X Platinum

  • Member
  • 3,626 posts

Posted 23 July 2012 - 02:12 PM

Thanks for sharing





0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users