Jump to content


Photo

Sarah, kayang isakripisyo ang puso alang-alang sa pamilya - Abante Ton


  • Please log in to reply
8 replies to this topic

#1 ILoveSarahGee2425

ILoveSarahGee2425

    8X Platinum

  • Member
  • 2,658 posts

Posted 01 August 2012 - 04:51 AM

Sarah, kayang isakripisyo ang puso alang-alang sa pamilya
Abante Tonite ni ALLAN DIONES


AGREE kami sa tweet ni Bianca Gonzalez na tila patungkol sa pinagdaraanan ngayon ni Sarah Geronimo.
“Failed relationships taught me who I am and how strong I am. Blessed to have a family who trusted me to learn that on my own,” ang tweet ni Bianca nu’ng Linggo nang gabi matapos umiyak ni Sarah sa show nitong Sarah G. Live habang guest ang mga magulang nito.
Nauna rito ay ni-retweet ni Bianca ang tweet ng isa niyang follower na mommy.

Sabi nito, “As a parent, I wish for obedience from my children. But I also wish that they may always have choices and that they know how to choose.”
Nanonood si Bianca that time ng show ni Sarah at gaya ng maraming tagahanga ng Popstar Princess ay naramdaman din niya ang lungkot ng dalaga sa pag-iyak nito sa show.
Nakumpirma nu’ng gabing ‘yon na tumigil na ng panliligaw ang ‘Babe’ ni Sarah na si Gerald Anderson.
Ang sabi-sabi ay hindi ma-please ng binata ang ina ni Sarah na si Mommy Divine kaya sumuko na si Gerald at nagpaalam na sa dalaga.
In short ay ang ina na naman ni Sarah ang ‘kontrabida’ sa romansang Sarah-Gerald.
Nilinaw ni Mommy Divine sa interview sa kanya ni Ai Ai de las Alas doon sa Sarah G. Live na sila ang nagbi gay ng permiso kay Sarah na magpaligaw kay Gerald sa bahay.
Kinausap daw nila nang pormal ang Kapamilya young actor na sa bahay lang puwedeng ligawan si Sarah, hindi sa labas o sa pamamagitan ng text (tulad sa kaso noon ni Rayver Cruz).
Medyo naputol ‘yung paliwanag ni Mommy Divine pero lumalabas na diretso niyang sinabi kay Gerald kung ano ‘yung mga patakaran nila ni Daddy Delfin pagdating sa mga manliligaw ni Sarah at mukhang hindi nakapagtiyaga ang binata.
Halatang na-tense si Sarah sa maaaring sabihin ng nanay niya kaya pinigilan niya itong makapagsa lita ng mahaba.
Ang ending ay ‘inabsuwelto’ niya ang kanyang ina at sinabing hindi totoong pinati gil ng mommy niya si Gerald na manligaw sa kanya. Wala raw ganu’n.
Sa hirit ni Mommy Divine na, “Darating din ‘yun, anak, huwag kang mag-alala,” ay sumagot si Sarah ng, “Hindi naman ako nagmamadali, eh. Muntik lang!” sabay yakap sa madir niya habang umiiyak.
Ang daming nalungkot sa eksenang ‘yon dahil LUHAAN na naman si Sarah sa pag-ibig.
Ang dami pa namang natutuwa at kinikilig sa Sasa-Gege tandem (kabilang na kami), tapos ay naudlot agad ito hindi pa man.
24-anyos na si Sarah at may sarili nang pag-iisip. Hindi namin alam kung totoong si Mommy Divine ang rason kaya big lang natuldukan ang Sasa-Gege love story.
Tanging sina Sarah at Gerald ang nakakaalam ng totoo.
Pero sa pag-iyak ni Sarah ay kitang-kita na nasaktan siya. Merong pait at kurot sa puso niya kaya naluha siya nang gano’n.
Kung totong hindi nakapaghintay si Gerald at nagkulang sa pagtitiyaga ay sila lang din ni Sarah ang nakakaalam.
Ang malinaw ay nagawa pa ring proteksyunan ni Sarah ang mga magulang niya kahit pa nasaktan siya.
Dahil doon ay ang daming pumuri sa Popstar Princess.
Ibang klase raw talaga ang pagiging masunurin at mapagmahal nitong anak, na kahit personal na kaligayahan ay kaya nitong isakripisyo alang-alang sa pamilya.
‘Yun ang ipinagkaiba ni Sarah sa karaniwang young stars, na wala nang pinakikinggan kapag nahumaling sa pag-ibig.
Ang suwerte nina Mommy Divine at Daddy Delfin sa pagkakaroon ng isang ulirang anak na katulad ni Sarah.
Sana lang ay mabigyan din si Sarah ng chance na malayang makapagdesisyon para sa sarili niya at hindi ‘yung palagi siyang nakadepende sa mga magulang niya.
***
Tweet ni SuperstarMarian (sikat na parody account ni Marian Rivera sa Twitter), “Sana naman, huwag nang anta yin ni Mommy Divine na kasing tanders na ni Sa rah G. si Dra. Vicki Belo bago siya hayaang mag lumandi.”
Aliw rin ‘yung breaking news kuning na tweet nito na, “Gerald Anderson, humingi raw ng ‘divine intervention’ sa panliligaw kay Sarah G. Ayun, si Mommy Divine nga ang nag-intervene!”
***
Umiwas sagutin ni Gerald ang tungkol sa isyu with Sarah and Mommy Divine nang matanong ang binata tungkol dito sa isang event ng Star Magic nu’ng Linggo.
Umalis ang Fil-Am young actor nu’ng Lunes kasama ang isa niyang kapatid para magbakasyon sa Egypt.
Kakatagpuin nila roon ang kanilang American father at sama-sama silang magba-bonding na mag-aama. http://tl.gd/ikg0mn

(?
)

#2 ate G

ate G

    Popster

  • Moderator
  • 7,496 posts

Posted 01 August 2012 - 05:45 AM

Thank you for sharing. Halatang love talaga ni Allan Diones si Sarah.

#3 maricris_mp

maricris_mp

    9X Platinum

  • Member
  • 2,944 posts

Posted 01 August 2012 - 07:39 AM

thanks po for sharing,,,,

#4 sarsmiami

sarsmiami

    12X Platinum

  • Member
  • 3,626 posts

Posted 01 August 2012 - 08:27 AM

Thanks for sharing

#5 iyah_ronquillo

iyah_ronquillo

    Gold

  • Member
  • 209 posts

Posted 01 August 2012 - 12:49 PM

thank you po for sharing!:)

#6 Lyn69

Lyn69
  • Rising Jr. Member
  • 15 posts

Posted 01 August 2012 - 04:49 PM

Thanxs for sharing

#7 jenahin

jenahin
  • Jr. Member
  • 13 posts

Posted 01 August 2012 - 05:30 PM

Very sad with what's going on sa lovelife ni sarah, sinisisi pa nang marami na sya ang may mali. Hay naku,
Basta Sarah G Forever parin

#8 SGSuperb

SGSuperb

    Champion

  • Member
  • 141 posts

Posted 04 August 2012 - 08:54 AM

Thanks for sharing... Some people will say a lot of things sa mga nangyari. May it be good or bad...

Ang pinAkaimportante is tayong mga supporters solid yung pagmamahal natin sa kanya. May dinadaanan man sya na pain and trials but i bet she knows we are here for her always kahit anong mangyari.

Nung last Sunday habang nakita ko syang umiyak at that very moment ang gusto ko lng e hug sya. D man physically pero in a way we want here to feel it. Basta ako all for Sarah. Only Sarah knows everything.

:-)

#9 rowena2012

rowena2012
  • Jr. Member
  • 2 posts

Posted 05 August 2012 - 12:34 PM

As a parent we know what is best for our children especially with the belief that if it is God's will, then everything will happen. With His perfect time and intervention.. Mahirap po magcomment lalo na at wala tayo sa mga nangyayari kay Sarah. But I truly believe Sarah knows what is best because she is a prayerful person. Makakayan mo yan Sarah lalo na if he is God's gift for you .




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users