Jump to content


Photo

REY PUMALOY: Matitinding batikos sa nanay ni Sarah, kinontra ni Alex&#


  • Please log in to reply
7 replies to this topic

#1 ILoveSarahGee2425

ILoveSarahGee2425

    8X Platinum

  • Member
  • 2,658 posts

Posted 04 August 2012 - 05:56 PM

REY PUMALOY: Matitinding batikos sa nanay ni Sarah, kinontra ni Alex! (Abante.com.ph)



Nakahanap ng kakampi sa showbiz ang nanay ni Sarah Geronimo na si Divine mula sa batikos ng marami tungkol sa sobrang paghihigpit nito sa anak na siyang naging dahilan umano kung bakit sumuko na si Gerald Anderson sa panliligaw sa Popstar Princess.

Ipinagtanggol ni Alex Gonzaga ang nanay ni Sarah sa mga nagsasabing hindi na makataru­ngan ang pagiging mahigpit nito sa anak.

Ayon kay Alex, hindi dapat husga­han si Mommy Divine dahil wala naman daw talagang nakakaalam kung ano ang nangyayari sa mag-iina at kung paano nito tinatrato ang anak.

Wala rin daw nakakaalam kung ano ang nara­ramdaman ni Sarah sa sinasabing paghihigpit ng ina kaya hindi dapat pukulin ng kung anu-anong batikos ang nanay ng aktres.

Hindi naman katakatakang ipagtanggol ni Alex si Mommy Divine dahil hindi nagkakalayo ang sitwasyon niya kay Sarah.

Gaya ni Sarah, pinagbabawalan din si Alex ng kanyang inang si Mommy Pinty na makipagrelasyon.

"Hindi ako sure pero magkaiba naman siguro kami ng sitwasyon ni Sarah. Ang Mommy ko, hindi ko naman palaging kasama sa mga lakad ko. Manager namin ng ate ko si Mommy. Marami rin siyang ibang inaasikaso."

Aminado si Alex na mahigpit talaga ang kanilang ina na umabot pa sa hindi sila pinapayagang lumabas na silang dalawa lang.

"Hindi rin naman kami mahilig mag-bar o gumimik, bahay lang talaga kami. Ang gusto lang namin pag naisipan, manood ng sine at mag-mall.

"Nagmamalasakit lang naman ang Mommy ko sa amin, lalo na mga babae kami. Wala namang nanay na hindi iniisip ang kapakanan ng anak nila.

"Saka, nakita naman natin maganda naman ang career ni Sarah, successful naman siya.

So, mabuti 'yung ginagawang pag-aalaga ng Mommy niya sa kanya," sabi pa ng isa sa mga bida sa serye ng TV 5 na Enchanted Garden.

Source: http://www.abante.co...0412/ent_rp.htm

#2 sgruckz

sgruckz

    Platinum

  • Member
  • Pip
  • 497 posts

Posted 05 August 2012 - 09:00 PM

At para naman kay Alex Gonzaga, salamat...

#3 ate G

ate G

    Popster

  • Moderator
  • 7,496 posts

Posted 06 August 2012 - 02:08 AM

thank for sharing.

#4 SGSuperb

SGSuperb

    Champion

  • Member
  • 141 posts

Posted 06 August 2012 - 06:48 AM

Thank you po for sharing.

#5 iyah_ronquillo

iyah_ronquillo

    Gold

  • Member
  • 209 posts

Posted 06 August 2012 - 07:08 AM

thank you po for sharing:)

#6 RyAn07

RyAn07

    13X Platinum

  • Member
  • 4,104 posts

Posted 06 August 2012 - 08:16 AM

Thanks po for sharing! :)

#7 sarsmiami

sarsmiami

    12X Platinum

  • Member
  • 3,626 posts

Posted 06 August 2012 - 10:02 AM

Thanks for sharing

#8 ashert06

ashert06

    6X Platinum

  • Member
  • PipPipPipPipPipPip
  • 1,970 posts

Posted 11 August 2012 - 11:04 PM

tnx po 4 sharing...




0 user(s) are reading this topic

0 members, 0 guests, 0 anonymous users